VEINTE SIETE

16 1 2
                                    

CHAPTER 27




ARRA MARTINA



"BAKIT NGA kasi tayo kailangan mag pictorial?!"  ,  Buset na buset ako dito kay Henri at kay Rosetta. Ang aga-aga akong ginising kanina kasi daw mamimili kami ng costume para sa photoshoot. Para saan?! Nagpapahinga ako e. Tulog day ko ngayon…tapos storbo sila!




"Kailangan natin ng memoir photos for an Album kasi!"  , Paliwanag ni Henri. Si bakla naghahalukay ng mga dress doon sa selection ng vintage dresses nitong shop. Kasi daw ang tema ng photoshoot ay 'Jazz Age' , kumbaga post World War.




"Oh, eh para saan ang album?"  Tanong ko pa.




"Album ng mga alaala na ako ay birhen pa! Punyemas Arra napakadaming tanong!"  Sabad ni Rosette. Isa pa to eh.




"Tangína Rosette ha, matagal ka nang hindi birhen. Panay ka ngang open legs dun sa boyfriend mo!"  Singhal ko.




"Hoy! every other day akong virgin!"  Biro ni Rosette sabay hiklat sa buhok ko. Nagkatawanan kaming tatlo.




Sa totoo lang, umaangal ako pero masaya naman ako na kasama ko silang dalawa. Aside from Hector, itong dalawang ito din ang nagpapasaya sa akin e. Isama na natin si Tita Helga, baka magtampo.




Habang abala iyong dalawa sa pagtitingin ng damit at pagpapasukat sa akin ay numanakaw ako ng chat kay Hector. Ang bastos pa kamo kung ano-anong sinasabi. Minsan nakaka-eskandalo ang kapilyohan niya.



Ang sabi niya maaga siyang umalis ng office dahil may meeting sila ng isang client. Magiging busy daw siya today kaya nagpapauna na siya na huwag akong magagalit kapag hindi siya agad nakaka reply sa messages ko o makasagot sa tawag. Okay lang naman iyon, matured na ako, mauunawaan ko dahil trabaho niya iyon.




After thirty-three years ng pamimili ng damit na isusuot pati na sapatos ay nagpasyang mag 'light snack' itong dalawang kasama ko. Ang sabi ko nga bakit hindi na lang kami mag heavy lunch. Tanghali na rin naman. Ang maaarte, ayaw daw ma-bloated, hindi daw maganda sa costume. Kalurks!




Sa isang coffee shop lang kami pumunta. Ang ipinagtataka ko, light snack daw pero tag dalawang cake sila ng order. Tapos nang kumakain na, nakiki-tikim pa sa croughnuts ko.




"Akala ko light lang na snack?! Eh bakit pati snack ko nilalamon ninyo?!"  Nagtawanan silang dalawa.




"Ang damot nito! Kala mo namanngandang-ganda!"  Kana naman ni Rosette.  "Gold yarn?!"




"Ikaw nga Bebang, nung isang araw ka pa sa bahay, lamon ka ng lamon, baka nabuntis ka na niyang boylet mo!"  Kaingay-ingay namin. Buti na lang walang masyadong tao sa loob ng coffee shop. Magtataka sila, lalo na kay Rosette mukhang beauty queen pero balbal ang bibig tapos parang patay gutom kumain.




"Huy hindi ah! Nilulunok ko iyon hindi ko pinapa cum inside!" Sinundan pa iyon ng nakaka eskandalong tawa nila ni Henri. Although, ang kay Henri na tawa, hindi pa rin kagaya ng dati. Alam kong pinipilit niyang maging masaya, pero okay lang yan. It takes time to heal naman talaga.




"Rosette ha, wag kang ano.. umayos ka."  Malumanay na wika ni Henri.  "Huwag kang gagaya sa akin na jowang-jowa, kaya ayun napunit ang juwetras!"  Tumawa siya pagkatapos iyon sabihin pero kami ni Rosette ay nanatiling tahimik at nakatingin lang sa kaniya. Biglang hinawakan ng huli ang kamay ng ni Henri pagkatapos ay hinaplos-haplos ito at pinatakan ng halik bago dalhin sa kanyang pisngi.




Who Do You Love?Where stories live. Discover now