Chapter Seventeen: Hesitation

31 7 3
                                    

"COME with me. Kaylangan kita dahil kasama ka sa mga pangarap ko, Kitkat."

Masidhi akong tiningnan ni Ezekiel sa mata habang hawak ang dalawang kamay ko sa dibdib niya. Nanatili naman din ang titig ko rito habang iniisip pa rin kung ano ba'ng dapat kong isagot ngayon.

Naiwan na kaming dalawa sa lihim niyang silid at batid kong alam ni Ezekiel kung gaano kalaking bagay 'tong gusto niyang ipapasya sa 'kin. Hindi rin ako nagtataka kung bakit gusto niyang pag-usapan namin itong dalawa ngayon.

Marahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya at umatras dito. Naupo muna 'ko sa couch na nasa likod at doon hinimas ang noo ko. I don't know, hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.

"Ang hirap," turan ko rito at marahang natawa. "We're talking about abandoning our school lives. Parang isinasantabi na rin natin 'yung kabataan natin."

Tumabi naman si Ezekiel sa 'kin at muling hinawakan ang kamay ko.

"Ako, magse-second year pa lang. Kung tutuusin, ngayon pa lang ako namumulat sa mundo na 'to. Ni hindi pa nga 'ko legal age tapos lalabas na 'ko para sumama sa 'yo," kinakabahan kong sabi sa kaniya.

"Alam ko namang magiging mahirap para sa 'yo at hindi naman ibig sabihin nito, inaabandona mo na 'yung kabataan mo. Tulad ng sabi ko sa 'yo, tuloy pa rin 'yung pag-aaral natin sa palasyo."

"I know, but... pa'no kapag bumukas na ulit 'yung mga lagusan?"

"Hindi naman kita pipigilang umuwi kung gusto mo."

"W-wala ka na bang balak pumunta sa Crescencia pag lumabas ka?" nag-aalala ko pang tanong sa kaniya.

"Hangga't hindi humuhupa 'yung kaso ng Vindex, sa tingin ko hindi. Pinag-isipan ko ring mabuti 'to, pero ayokong malagay na naman sa panganib 'yung mga taong nandito dahil lang sa 'kin. Alam kong hindi ako titigilan ng mga 'yon kaya mas mabuti nang lumayo ako dito."

"Pa'no ka naman nakakasiguro na ligtas ka sa palasyo?"

"Nangako ang regime na bibigyan nila 'ko ng proteksyon at tauhan doon. Pati na rin kayo, kaya mas malakas ang loob ko sa labas. Bukod doon, magiging malaya 'yung kilos ko pagdating sa investigation sa mga kulto na 'yan," paliwanag pa ni Ezekiel sa 'kin.

"Bakit ba hindi mo na lang muna ipaubaya sa kanila 'yung Vindex? Tutal sila naman ang may kakayahan na tapatan 'yung mga 'yon. Malalagay ka lang din sa alanganin kapag pinilit mo silang kalabanin, Ezekiel."

"Sorry, but I can't do that. Sila ang pinakamalaking threat ngayon sa plano ko at hindi ko hahayaang masira nila 'yon. Hangga't hindi sila bumabagsak, hindi ko makukuha 'yung gusto ko."

Natulala na lang ako sa binitiwan niyang salita at hindi agad nakaimik dito. Sa narinig kong iyon, ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalaking bagay sa kaniya ang maghari muli bilang isang maharlika. Para bang handa siyang harapin ang lahat kahit pa napaka-delikado ng gusto niyang mangyari.

Nasaksihan na naming lahat ang kayang gawin ng Vindex noon. Pakiramdam ko nga hindi pa iyon ang todo nila kung talagang magse-seryoso sila. Idagdag mo pa 'yung nagawa nilang isara ang lagusan na magkokonekta sa dalawang mundo.

Hindi ko rin inakala na ganito kalubha ang ambisyon ni Ezekiel pagdating sa pagiging maharlika niya.

"Kitkat, I want to be with you, I want you to stay with me. Hindi ko alam kung makakapag-focus ako sa mga responsibilidad ko kapag malayo ka sa 'kin. That's why I'm begging you to come with me," ani Ezekiel at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.

Hindi ako makasagot, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko maikakailang gusto kong sumama kay Ezekiel dahil hindi ko rin kakayanin kapag nalayo sa kaniya. Tulad ng iniisip ko, baka hindi kami makapagkita habang nandito ako sa academy at siya, nasa labas. Dito pa nga lang nawawalan na kami ng oras sa isa't isa dahil sa mga ginagawa niya, paano pa kaya kapag talagang hindi na kami magkasama?

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now