Chapter Fifteen: The News

34 7 0
                                    

PINAGTIPON-TIPON ngayon sa dome lahat ng estudyante, gayon na rin ang faculty, para sa mahalagang anunsyo. Nag-panic ang lahat sa narinig na balita ngunit natahimik din sila nang patigilin ito ni Professor.

Kung ngayon ko lang 'to narinig, malamang ko mauurat din ako sa kinauupuan ko ngayon. Pero bago pa ito i-anunsyo, nalaman ko na 'yung nangyari dahil sinabi na sa 'kin ni Ezekiel ang problema.

Nagsara lahat ng lagusan na siyang nag-uugnay sa mundo na 'to at sa kabila. Kasama na roon ang dinadaanan namin kapag pupunta dito sa academy. Hindi ko alam kung paano dahil wala pa 'kong paliwanag na natatanggap, pero napakalaking bagay nito para sa 'ming may pamilya doon sa normal na mundo. Hindi nagbigay ng dahilan ang professor dahil under investigation pa rin daw ito ngayon.

Sa totoo lang, after a month, graduation na ng fourth year. Bakasyon na sana ulit namin at kaylangan na naming umuwi muna sa kaniya-kaniyang pamilya. Kung gano'n ang nangyari, saan kami pupulutin ngayon pagkatapos ng term? Isa pa, mag-aalala 'yung mga nasa kabila. Ni hindi ko nga alam kung may idea sila sa nangyari, eh.

"Iniimbestigahan ito ngayon ng Diwata regime at naka-priority ito upang masolusyunan bago pumasok ang bakasayon. Ngunit ayon sa kanila, wala pa ring kasiguruhan kung kaylan ito maisasaayos. Ayaw rin naming ilihim sa in'yo na wala pang lead kung paano at sino ang may kagagawan nito," paliwanag ni professor Benjamin sa harap at nagpatuloy pa, "Kung sakaling hindi agad ito magawan ng paraan, bukas ang Crescencia Academy para sa mga estudyanteng hindi makakauwi sa kabila. Sagot ng akademya ang lahat ng pangangaylangan n'yo. Ngunit ipanalangin pa rin natin na sana, masolusyunan agad ito."

Hindi na nawala ang kunot ng noo ko sa mga naririnig. Nangangamba ako sa mararamdaman ng magulang ko kapag nalaman 'tong bagay na 'to. Hindi naman kasi 'to 'yung mga pangyayaring inasahan o pinlano. Biglaan daw lahat at maski 'yung mga guro, nagulat sa nalaman na 'to.

Samu't saring komento pa ang narinig ko mula sa ibang estudyante. Tinatanong nila kung nangyari na ba 'to dati at 'yung iba naman, humihingi ng assurance na kung masamang bagay 'to, dapat ay ligtas pa rin kami sa loob ng Crescencia.

Matapos ang anunsyo, nagsibalikan na ang mga estudyante sa kani-kanilang gawain. Ramdam ko ang iba't ibang atmospera mula sa mga reaksyon nila.

Maski kay Eric, hindi nakatakas ang dismaya sa kaniyang narinig kanina. We were looking forward to spend our time with our family, but then it happened. Kapag hindi iyon nabuksan, ibig sabihin, mananatili kami sa Crescencia nang walang idea kung kaylan kami makakabalik.

***

Pagtungtong ng hating gabi, umakyat ako sa rooftop ng bahay dahil inabisuhan ako ni Ezekiel na magkakaroon daw ng pulong tungkol dito. Yes, sinama niya na ulit ako dahil alam ko na rin naman ang lahat.

Ngunit naningkit na lang ang mata ko nang madatnan sila Stella na makakasama rin namin. 'Yung mga nadagdag noong pagkatapos ng insidente sa Vindex. Sinama na rin sila ni Ezekiel ngayon kaya medyo nagtataka 'ko.

Nang makapasok na kami sa secret room ni Ezekiel, nandoon na ang iba. Kahit si Jasmine, kasama na rin nila Hannah kaya lumapit agad 'to sa 'kin. At syempre, nandito pa rin 'yung Lauraine. Hindi ko na lang ito pinansin dahil na-satisfy naman ako sa mga paliwanag ni Ezekiel nung nakaraan.

Huwag lang siyang gagawa ng hindi ko ikatutuwa pagdating kay Ezekiel dahil ipagdadamot ko talaga ang boyfriend ko.

"Did you know about this, Ezekiel?" bulalas ni Jasmine at alam kong tinutukoy niya ay 'yung insidente sa pagsara ng mga lagusan.

Sabay-sabay kaming naupo sa mga upuan na nakakalat at napako ang atensyon sa nangangasiwa ng grupo na 'to.

"Oo, natanggap namin 'yung balita few weeks ago. Ngayon lang nilabas sa lahat 'yung balita dahil ang akala nila, maaayos agad 'to. Unfortunately, kahit 'yung mga enchanter sa regime, hindi malutas 'yung pagsara," paliwanag ni Ezekiel sa lahat.

"Pa'nong hindi malutas? Hindi ba nila alam kung pa'no 'yung sistema ng gateway sa magkabilang dimension?" dagdag pa ni Jasmine.

"May alam silang paraan pero mukhang hindi iyon ang ginamit ng kung sino mang gumawa nito. Walang nakakaalam kung anong klaseng magic, ritwal, o paraan ang ginamit sa pag-seal ng gateway. Mas nahihirapan pa sila dahil sa lahat ng lugar ito nangyari. First time din 'tong nangyari sa henerasyon na 'to," si Lauraine naman ang sumagot.

"At hindi 'to alam nung mga nasa kabila? Kapag hindi kami umuwi, ano na lang iisipin ng pamilya namin doon?" ani Jasmine sa nangangamba niyang boses.

"Sinabi namang under investigation pa rin 'to, eh. Parang wala din naman tayong magagawa kung 'di maghintay sa balita nila," hayag ko na rito.

"Gano'n na nga, pero hindi sinabi ng faculty kung ano ba talaga ang alam ng regime. Kilala namin kung sino ang may kagagawan nito," sambit ni Ezekiel sa seryoso niyang tono.

"Sino? Ano?" tanong ko.

Bigla namang tumayo si Ezekiel at lumipat sa harap ng mesa niya upang tumapat sa 'min. Sumandal siya rito at humalukipkip muna bago nagsalita. "Pinatawag ko kayong lahat sa silid na 'to para ibahagi ang plano ko. Hindi lang sa 'kin, kung 'di sa iniyo na rin. Kaylangan n'yo rin munang malaman ang sanhi kung bakit kaylangang mangyari nito, at may kinalaman siya sa insidenteng 'to ngayon."

Unti-unti nang umakyat ang kaba ko sa narinig.

"Noong araw na nagsara ang mga lagusan, nakatanggap ang regime ng mensahe mula sa salarin. Isang banta para sa lahat ng royal blood na siyang hindi pa nakikilala ng publiko. Ang sabi, sinara nila lahat ng lagusan para walang makalabas na maharlika sa mundo na 'to. Gusto nilang halughugin ang buong bansa at hanapin sila. It was the Vindex's doing."

Tila nanlamig ang katawan ko sa sinabi ni Ezekiel at sa isang iglap lang, napuno na ng kaba ang dibdib ko.

"Sa ngayon, ako pa lang ang lumalabas na dugong bughaw. Sa laman ng mensahe na 'yon, hindi ko rin sigurado kung may iba pa bang natira bukod sa 'kin. Kung may malalim pa silang alam tungkol sa pagkaubos ng maharlika, maaaring totoo 'yung sinabi nila. Pwede ring ako lang talaga 'yung pakay nila sa sulat na 'yon," dagdag pa ni Ezekiel dito.

"Then you're in danger, Ezekiel. Ano'ng sabi ng regime? They need to do something about this," hayag ni Stella na siyang nabahala na rin.

"Alam ng Diwata 'to at nagbigay na sila ng proposal para kay Ezekiel," sagot ni Lauraine.

"Am I talking to you?" pagtataray ni Stella.

Natawa naman ako at pinilit na sumimangot. Sabat kasi ng sabat, hindi naman kinakausap.

"No, pero mas may alam naman ako tungkol sa bagay na 'to kaysa sa iniyo. Stella, I'm here to help Ezekiel at wala akong plano na sumira ng samahan dahil lang sa mga attitude ninyo. Please cooperate well regarding this discussion. The future king's well-being is on the line," buwelta naman ni Lauraine.

Sasagot na sana muli si Stella ngunit napigilan na siya ni Neo. Wala naman na 'tong nagawa kaya humalukipkip na lang.

Hindi ko naman naiwasang taliman ng tingin ang council president dahil sa sinabi niya. Future king? Ang sipsip, ah?

"Ano naman 'yung proposal na sinasabi ng regime?" usisa ko na rito.

Sandali pa 'kong pinagmasdan ni Ezekiel at huminga muna ng malalim bago ito sumagot, "In order to protect the academy and the students, I need to leave Crescencia for good. Sisimulan na namin 'yung mga hakbang para sa pagiging pinuno ng bansa na 'to."

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now