Chapter 38: Eclipse

5 6 0
                                    

THREE WEEKS AGO, nakatanggap kami ng mensahe mula kay Stella patungkol sa eclipse na nabanggit ng kasama niya noon. Nasubukan niyang magtanong pa rito at dahil mukhang nahihirapan siyang intindihin 'to, malabo rin ang nakukuha naming detalye. Isa lang ang malinaw sa ngayon—bubuhayin nila si Alessandro sa araw ng eclipse.

Dahil doon, mukhang inaasikaso na ng Diwata kung saan maaaring maganap ang pangyayari na ito. Hindi ko alam kung saan nila sinisimulan, pero nag-iistasyon na sa bawat siyudad at bayan ang Valiente upang magmanman sa lugar. Ngunit dahil wala silang maramdaman na presensya ng Vindex, nahihirapan pa rin silang tukuyin kung sa paanong paraan gagawin ito ng mga kulto. Umaasa lamang si Ezekiel na sana ay makapiga pa ng balita si Stella doon sa kasama niya ngayon.

Inabisuhan na rin nila ang Crescencia Academy kung sakali lang na madamay na naman ang lugar. Pero mukhang ligtas sila doon at magaganap ang taunang eclipse festival sa kanila. Ang balita ko, kalahati lang ang bilang ng nadagdag na freshmen kumpara sa nakaraang taon dahil hanggang ngayon, sarado pa rin ang lagusan sa kabila. Kaya naman ang mga nakatira lang dito ang nakapasok ngayong taon.

Wala rin akong balita sa mga kaibigan kong naroon dahil wala kaming mode of communication sa kanila. Hindi naman sa walang paraan, pero sa sobrang abala ko rito, nawawala na sa isip kong kumustahin sila. Balak kong pagkatapos ng eclipse na 'to, hihiling na 'ko kay Ezekiel na makapagpadala man lang ng sulat doon dahil nami-miss ko na sina Jasmine at Eric. Hindi ko alam kung okay na ba sila ngayon pero sana oo, at sana, walang sama ng loob 'yung kababata ko sa 'kin.

Ngayon naman, nasa Ranin kaming lahat na kasapi sa grupo ni Ezekiel. Dito muna kami tumutuloy dahil mamayang gabi lang, mangyayari na ang eclipse. Umaga palang, tumungo na kami sa Diwata upang makibalita sa mga lugar na maaaring puntahan ng Vindex para sa araw na 'to, pero wala talagang bakas ng kahit ano'ng plano nila sa ngayon.

Kasama rin namin ang clairvoyant upang manatili ang pagmanman niya kay Stella, pero hindi rin makakilos 'yung kaibigan namin doon dahil sa nakikita niya, nandoon pa 'yung lalaki sa ngayon.

Natural lang naman siguro na kabahan ako dahil Vindex ang pinag-uusapan dito. Ang kinatataka ko lang talaga sa mga ginagawa nila, minsan magulo.

Bakit araw ng eclipse ang napili nila? Eh dati naman nung sumugod sila sa academy, bilog lang ang buwan at binalak na nilang buhayin si Alessandro. Ibig sabihin lang no'n, it doesn't matter kung eclipse ba o hindi 'di ba? Pangalawa, doon sa forbidden book na kinuha nila noon, nakalagay na dugo lang ang kaylangan. Pero bakit gusto nilang patayin si Ezekiel? Dahil isa lang ang dapat na mabuhay na maharlika at si Alessandro 'yon? Kaya ba pati si Vivien pinuntirya nila? Minsan naloloka na rin ako sa mga kababalaghan ng mga 'yan eh, walang consistency. Magaling lang silang magtago pero hindi ko talaga makuha kung ano 'yung gusto nilang makamit sa buhay nila.

***

Nagdaan ang oras at pumalo na ang dilim sa kalangitan. Oras na lang din ang hihintayin para sa darating na eclipse, pero hanggang ngayon, wala pa ring kilos mula sa mga Vindex.

"Kung mali ang hinala ni Stella sa binigay sa kaniyang impormasyon nung kasama niya ngayon, mas magiging maigi," hayag ni Chester at tumingin sa 'min.

Nakapaikot kaming lahat sa silid-pulungan habang naghihintay pa. Sana nga tama ang hinala ni Chester dahil mas magiging mabuti iyon para sa lahat.

Pagkatingin ko kay Ezekiel na siyang nakadungaw lang sa bintana ngayon, alam kong hindi rin siya mapakali. Ramdam na ramdam kong gusto niyang kumilos pero mahirap kasing bumase lang sa mga hinala namin. Wala kaming solid na ebidensya kung saan ito magaganap, at hindi naman pwedeng tumungo na lang kami sa kung saan-saan.

"But I was wondering... bakit nila napili ang araw ng eclipse, samantalang noon, full moon lang naman nung binalak nilang i-revive si Alessandro?" ika ni Hannah.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now