Chapter 64: Lorenzo Elacion

7 4 0
                                    

ELACION—Ang pinakamakapangyarihang angkan na namumuno noon sa bansa. Ito rin ang pinakamaimpluwensya noong nabubuhay pa ang mga dugong bughaw. Dahil sa laki ng hukbong militar at ambag nila sa lahat ng aspeto pagdating sa pamumuhay ng mga tao, naging matagumpay ang estado ng kanilang buhay. Naniwala ang mga tao noon na hinding hindi masisira ang nasimulan ng pamilya na ito at mananatili ang kanilang reputasyon.

Hindi gaanong nagkakalayo ang lawak ng lahi nila sa mga La Verna, at pagdating sa larangan ng kanilang kakayahan, halos pantay lamang din ito. Ang kinaiba lamang ng mga Elacion sa kanila at kung bakit mas nanguna ito sa awtoridad ay dahil sa pagkakaiba ng katangian ng kanilang pamilya.

Kilala ang mga La Verna sa mapagmataas nilang katangian, gawa ng kanilang reputasyon sa publiko. Dahil doon, likas ang pagiging mahigpit at diktador nila pagdating sa mga desisyong pangkalahatan. Madami ang takot sa pamumuno nila dahil walang kinatatakutan ang pamilyang ito, pero hindi rin maikakaila ng marami kung gaano ka-epektibo ang pamamaraan nila para sa disiplina ng mga pinagsisilbihan nila. Lahat ng mga pasya nila ay mas nakabuti sa bansa kaya naman mataas pa rin ang respeto ng publiko sa kanila.

Samantala, hindi tulad ng mga La Verna, mas bukas ang pandinig ng mga Elacion sa mga suhestyon at tangis ng taong bayan. Hindi agad sila kumikilos nang hindi nauunawaan ang panig ng dalawang pangkat. Maaaring may tradisyon din silang sinusunod pagdating sa pananatili ng kanilang lahi, pero hindi maitatanggi na iba ang serbisyong ibinibigay nito sa mamamayan. Ang pagiging mahabagin nila ay naging mabisang panghambing sa estriktong pamamalakad ng mga La Verna. Sa gayong dahilan, mas nakukuha nila ang ibig ng publiko kaya sila ang kinilala bilang pinakamaimpluwensya noon.

Katakot-takot na digmaan din ang pinagdaanan ng dalawang angkan makamit lang ang tagumpay na mayroon sila. Ang pakikipaglaban sa awtoridad at pagtugis sa mga nagnais na sumira sa balanse ng bansa. Nang makilala na ang kakayahan ng dalawang pamilya, doon na rin tumahimik ang pakikibaka nila upang makamit ang kapangyarihan. Itinalaga nila na walang estadong mas hihigit pa sa mga purong enchanter at iyon ang mga dugong bughaw. Binuo rin nila ang pamahalaan o regime upang maging kahalili nila sa pamumuno, at doon nila pinayagan na magkaroon ng posisyon ang mga half-blood. Ginusto rin nilang paniwalain na binibigyan nila ng magandang kapalaran ang mga hindi puro.

Kung paano nalipol ang buong maharlika, malaking katanungan pa rin ito na hindi na inungkat pa ng pamahalaan.

LORENZO—pangalang ipinagkaloob sa huling eredero ng Elacion. Tatlong taon pagkaraan ng kaniyang pagsilang, hinirang agad na hari ang kaniyang ama at kusang pumatong sa kaniya ang titulong tagapagmana sa trono ng angkan. Si Lorenzo ang tinaguriang susunod sa yapak at siguradong mamumuno balang-araw, dahil siya lamang ang nag-iisang anak ng kaniyang mga magulang. Musmos palang, sa kaniya na nakabaling ang atensyon ng lahat upang magabayan ito sa pagiging ganap na pinuno ng kinabukasan.

Noong taon din na iyon, nakatanggap ng magandang balita ang buong angkan ukol sa kasiguraduhan ng kanilang estado sa bansa—isang propesiya na nakasalalay sa pinakabunso ng pamilya. Bagay na hindi nila inasahang darating o mangyayari kaylanman. Mas labis pa nila itong ikinagalak nang malaman na galing sa La Verna ang sanggol na kasama sa propesiya na iyon. Batid nilang magkasunod lang ang posisyon ng dalawang angkan pagdating sa kapangyarihan, kaya madali silang napaniwala na ang dalawang bata ang magpapalakas sa kanila. Agad ding ipinagkasundo ang dalawa dahil doon, at kahit na dalawang taong gulang pa lamang si Lorenzo, lingo-linggo na siyang pinadadalaw sa palasyo ng La Verna upang bisitahin ang sanggol na si Celestine.

Pagtungtong ng ika-limang gulang ng ginoo, mas napadalas na ang bisita niya kay Celestine upang makipaglaro rito. Dahil doon, halos nakikilala na rin siya ng mga tao sa La Verna, at maski ang mga naglilingkod sa palasyo, pamilyar na sa kaniya. Dahil inosente pa ang bata, sang-ayon lamang siya ng sang-ayon sa kagustuhan ng kanilang pamilya. Hindi rin naman labag sa loob niya ang pinapagawang iyon at nasanay na lang siyang natural na bagay lang ito.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now