Chapter 42: Zero's Thoughts

7 7 0
                                    

ANG grupong kinilala ng mga estudyante ng Crescencia Academy ay itinatag mahigit apat na taon nang nakalilipas. Binuo ito ng mga estudyante bilang isang community service organization upang pangalagaan ang agrikultura sa loob ng academy, ngunit lingid sa kaalaman ng marami ang tunay na pakay nito noon.

Si Levi, o kinilala nila bilang Zero ang nagpasimuno ng samahan na ito. Bago pa man siya pumasok bilang estudyante ng Crescencia, planado na ang lahat at nagawa niyang itago sa lahat na siya ang tinatawag nilang pinuno. Ni-isa sa mga naging miyembro nitong estudyante, hindi kailanman nasilayan ang tunay niyang katauhan—Tanging mga pangunahing kasapi lang ng tunay na grupo ang nakaaalam ng kaniyang kilanlan.

Hindi pa man nakatatapak ng paaralan si Levi, natuklasan niyang may paraan upang buhayin ang delikadong royal blood na si Alessandro. Simula noon, naghagilap na siya sa buong bansa ng mga tagasuporta at sumasamba sa yumaong dark enchanter. Hindi ito naging mahirap para sa kaniya dahil dati palang, katuwang na niya si Quentin sa lahat ng ito. Pinili niya ang sa tingin niya'y pinakamalalakas at may paninindigan para sa kultong binubuo, at iyon ang mga pangunahing kasapi ng tunay na Vindex ngayon֫—Ang kilala ng marami bilang mga nakamantong nilalang.

Totoo ring ginawa niya lang instrumento ang mga Vindex na nasa paaralan upang maisakatuparan ang ritwal na kaniyang ginagawa noon.

Dahil mas bata siya kumpara sa ibang kaanib ng binuo niyang grupo, kinaylangan niya ring patunayan ang kaniyang sarili bilang leader ng magiging grupo. Hindi naiwasan noon na maliitin siya at balewalain ang kaniyang mga salita, kaya naman hindi ito nagdalawang-isip na silawin ng kaniyang kayamanan ang mga nagpasyang sumunod sa kaniya. May ilan ding nagpumilit na palitan siya sa pagiging pinuno, pero nabigo lang sila dahil sa angking kakayahan nito sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan. Hindi rin nila maitanggi na sa murang edad nito, mas matalas at may katwiran lagi ang mga sinasabi niya kumpara sa iba.

Bukod sa lahat ng iyon, gumamit din si Levi ng intimidasyon upang mas makuha ang tiwala nila at hindi magbalak ang mga ito na ipagkanulo siya balang-araw. Naging istrikto't mapangahas siya sa pagkakamali ng bawat isa.

***

Pagkalisan nila ng eskuwelahan, unti-unti silang bumalik sa pangunahing kuta nila sa Esgora Isle. Agad silang dumiretso sa silid-kapulungan na nasa ikalawang palapag.

Nang makapwesto ang lahat sa kani-kanilang silya, naupo agad ang mga ito gayon na rin si Alessandro. Habang nanatili namang nakatayo si Levi sa gitna at nakatukod pa ang kamay nito sa mesa habang isa-isang tinaliman ng tingin ang mga kasama niya.

"Ano'ng hindi n'yo naintindihan sa huwag gumawa ng krimen sa plano na 'to!" matigas na bulyaw ni Levi na siyang umalingawngaw sa buong silid.

Tila dinaanan ng anghel ang pagitan nila at hindi agad nakaimik ang ilan. Batid nilang matindi ang poot ngayon ng pinuno sa tono palang ng boses nito.

Prente namang nakikiramdam si Alessandro sa kinilos ng binata at nangisi na lamang.

Bumaling naman si Levi sa katapat niyang dugong bughaw at nagsalita, "Hindi ba't nag-usap na tayo, Alessandro? Kukunin mo lang ang pakay mo sa paaralan at aalis din tayo ng tahimik!"

"Tahimik?" ani Alessandro at napasinghal ng tawa. "Naglaho na ang katahimikan sa bansa nung oras palang na binuhay n'yo 'ko."

"Iniiwasan nating madagdagan ang kaso ng grupo na 'to para hindi na mas lalo pang galitin ang publiko, nang sa gano'n, magkaro'n tayo ng oras para makapagplano sa gusto mong mangyari. Pero ano'ng ginawa mo? Pinatay mo ang headmaster!" turan pa ni Levi rito at bakas na sa gigil niya ang galit na nararamdaman. Agad itong bumaling sa isa pa niyang miyembro at muling nagsalita, "Serge, 'di ba ang bilin ko sa 'yo, i-teleport mo lahat ng pwedeng maging sagabal sa iniyo!?"

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now