Chapter One: The New Beginning

659 23 6
                                    

IT was one hell of a ride—the experience that I had in my first year in the academy.

Noong una, akala ko biro at trip lang lahat ng magulang ko 'yung mga sinasabi nila sa 'kin tungkol sa pagiging enchanter. Pero pagkarating ko sa Crescencia Academy, doon ko nalaman na totoo lahat. Doon ko napagtanto kung ga'no kalawak ang kawalang-muang ko sa sarili kong buhay. Pinaniwala nila 'ko na isa 'kong normal na tao, at kung hindi dumating ang araw ng admission, hindi ko malalaman kung ano talaga 'ko.

Kahit na nasa kabila na 'ko, nagka-doubt pa rin ako sa sarili ko. Pa'no kung nagkamali lang sila? Pa'no kung hindi naman talaga 'ko isa sa kanila? Pagkaraan ng araw ng eclipse, hindi agad napansin ng lahat ang kakayahan ko. Maski ako, walang alam. Pero sinampal ako sa katotohanan noong nagpakita ang enchantment ko. I am one of them after all.

It was one hell of a ride dahil ang daming nangyari na bago sa 'kin. May mga karanasan din ako na masasabi mo talagang hindi maganda. Nasangkot ako sa 'di inaasahang pangyayari. Pero kung iisipin ngayon, pakiramdam ko hindi coincidence lahat. Baka nga 'yung engkwentro ko sa Vindex ay siya ring nakatadhana talagang mangyari sa 'kin para mas lalo akong mapalapit sa katotohanan—ang katotohanan sa pagkatao ko.

Hindi naman lahat ng pangyayari, pangit. I met people. Mga taong kaya kong ibigay ang buong tiwala ko; 'Yung lihim na grupong kinabibilangan ko, ang matalik kong kaibigan na si Jasmine, ang nagbibigay ng ginhawa tuwing mabigat ang nararamdaman ko na si Levi. At thankful ako dahil kasama ko pa rin si Eric hanggang dito. Kung wala sila, baka naligaw na 'ko ng landas at patuloy na tinatahak ang madilim kong kinabukasan.

At kung hindi nangyari lahat ng masalimuot na karanasan ko sa eskwelahan na 'yon, baka hindi ko siya nakilala. Ang lalaking nagbibigay sa 'kin ng kakaibang kaba, saya, kilig, lungkot, at sakit—si Ezekiel. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako aabot sa konklusyon ng tunay kong pagkatao.

Bagay na hindi ko inakalang matutuklasan ko ng ganito kabilis. Ang katotohanan na mas malalim pa sa inaakala ko kung sino talaga 'ko.

Natapos ang unang term sa Crescencia na puno ng suliranin at pagsubok ang eskwelahan. Para bang sinakto ng mga Vindex na lusubin ang paaralan kung kaylan pa-bakasyon na.

Nagpapasalamat na lang din ako na walang nasaktan o napuruhan noong gabi. Sobrang laking issue nito hindi lang sa buong campus kung 'di pati na rin sa labas. Syempre ngayon lang lumabas na hindi mga estudyante ang nagpapatakbo ng tunay na grupo ng Vindex. Pati awtoridad, nakabantay na rin sa school.

Pero ang mas inaalala ko ay walang iba kung 'di si Ezekiel. Kasabay ng insidente na 'yon ay ang pagkabunyag sa katauhan niya. Hindi niya na 'to tinago at umamin na siya. Dahil do'n, kaliwa't kanan ang usisa sa kaniya ng mga enchanter.

Halos isang buwan na rin akong nasa bahay, sa Pilipinas. Matatapos na ang bakasyon na parang bagyong dumating lang. Binisita ako ni Jasmine rito at natulog pa siya ng ilang araw dahil nag-birthday si Eric. Pagkatapos no'n, hindi na kami nagkita pero may mode of communication naman kami. Habang hindi ko naman ma-contact si Ezekiel sa kabila. Wala rin akong balita sa kaniya kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Naiwan siya do'n dahil doon naman talaga siya nakatira. Bago kami maghiwalay, sinabi niyang magiging abala siya habang bakasyon.

May tatlong buwan pa kami bago matapos ang school year at bago ako umusad ng second year. At ngayong nalalapit na rin ang pasukan, may bagay pa 'kong hindi nagagawa. Importanteng paksa na kaylangan kong malaman.

Itatanong ko na dapat 'to sa magulang ko una pa lang, pero tila ba nawalan ako ng lakas ng loob. Hindi ko alam kung bakit. Hindi pa lang siguro ako handang malaman ang katotohanan.

Ngunit pag hindi ko 'to ginawa, wala nang ibang magku-kumpirma nito.

Kasalukuyan akong naghihintay sa kwarto ko. Tinawag ko si mama Leah dahil kaylangan ko nang usisain 'to bago pa mahuli ang lahat. In a few days, babalik na kami sa campus at ayoko nang maghintay pa sa susunod na pagkakataon.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now