Chapter Ten: SFA

35 10 3
                                    

[Third Person's POV]

HANDA na lahat ng freshmen ng Apolaki. May mga lumabas na upang tumungo sa dome kung saan magaganap ngayong gabi ang Seniors and Freshmen's Assembly.

Bago pa man magbakasyon, nagsimula na ang preparasyon para sa araw na ito. Ang mga fourth year ay tumayo bilang mentor ng kanilang napiling first year student, upang gabayan ito sa pamamalagi sa Crescencia Academy. May ibang ang nais lang ay makipagkaibigan, habang ang iba ay naging gabay sa kanila. Gayon pa man, hindi maikakaila na sa maiksing panahon lang, naging malapit sila sa isa't isa. Tulad ng pakay ng mentor-apprentice program, mas naging makabuluhan para sa seniors at freshmen ang relasyon ng bawat isa bago mag-graduation.

Pababa pa lamang si Kitty mula sa second-floor ng bahay ng Apolaki. Aligaga ito habang bitbit ang manta na isusuot niya mamaya pagkapasok sa dome.

Sabay dapat silang lalabas ni Eric, ngunit nagmamadali ang partner ng binata kaya naman pinauna niya na ito. Kaya naman naiwan ang dalaga at sinabing susunod na lang sa kaniya.

Pagkababa ni Kitty sa sala, natigil ito nang bumungad sa kaniya si Ezekiel.

Natingin naman ang binata sa kaniya at pinaningkitan na lang siya ng masid.

"Akala ko ba kasabay mo si Eric na magpunta sa Elacion?" usisa ni Ezekiel dito at lumapit kay Kitty.

"Pinauna ko na, hindi pa kasi ako tapos kanina tapos minamadali pa siya ni Grace. Paalis na rin ako," tarantang sambit ni Kitkat at inayos ang sarili.

"Wala kang kasabay?"

"Wala, pero ayos lang. Sige na, baka ma-late pa 'ko," hayag ni Kitty rito at madali nang tumungo sa pinto.

"Sandali, ihahatid na kita," pigil ni Ezekiel at sinundan ito.

Nalingon si Kitty sa binata at tinapat muna ang palad dito bago nagsalita, "'Wag na, baka busy ka, eh. Mamaya may maghanap sa 'yo tapos wala ka dito. Ayos lang naman ako, magsha-shuttle ako." Pilit itong ngumiti.

Muli na sanang hihirit si Ezekiel, ngunit natigil ang dalawa nang may kumatok na lang sa pinto. Nangunot muna ang noo ng binata at siya na ang nagbukas nito.

Nanlaki na lang ang mata ni Kitty nang bumungad si Levi sa kanila. Bitbit nito ang manta na katulad ng dala ni Kitkat, habang pormal naman ang suot niya.

Kusa namang nagngalit ang panga ni Ezekiel dahil dito at tiningnan na lang ng masama si Levi na kaharap nila ngayon.

"Ready ka na?" Baling ng marshal kay Kitty.

"Ano'ng ready?" ika ni Ezekiel at lumingon sa dalaga. "Akala ko ba wala kang kasabay?"

"W-wala naman talaga..." sagot ng dalaga at tumingin kay Levi. "Akala ko ba hindi ka aabot? Sabi mo male-late ka dahil sa meeting n'yo sa Warner?"

"Madali lang namang mag-excuse, kaysa wala kang kasamang pumunta sa dome, eh madilim na."

Napasinghal ng tawa si Ezekiel sa narinig at muling sinamaan ng tingin si Levi. Hindi niya talaga maiwasang mainis lalo't harap-harapan itong nagsasalita ng gano'n sa kaniyang kasintahan. Noon pa man, hindi na nito gusto ang pinapakita ng marshal kay Kitty.

"O-okay, let's go?" hayag ni Kitkat at ngumiti sa mentor niya.

"Let's go?" kunot-noong bulalas ni Ezekiel dito.

"Yes, mala-late na kami, eh. Sorry, Ezekiel, see you when you're not busy, ah? Bye," mabilis na ika ni Kitty at tinulak na rin si Levi paalis ng kanilang compound.

Dahil sa pagmamadali ng dalawa, hindi na nakakibo si Ezekiel at pinagmasdan na lang silang makalayo.

"Okay lang ba na iwan mo ng gano'n 'yun?" hayag ni Levi nang makalabas na silang dalawa ng gate.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownWhere stories live. Discover now