Chapter 33 - Don't Go, Please?

Beginne am Anfang
                                    

-Daniel's POV -

" Iho? Napano ka ba? " Pagtatanong ng nanay ni Shayne na kasalukuyang nagpipiga ng bimbo sa palangganang may tubig.

" N-napaaway po kanina. " Mautal-utal kong sagot sa kanya.

" Ah ok. Kay Shayne ko na lang tatanunging ang buong detalye pagkatapos kitang bigyan ng paunang lunas. "

Pinapanuod ko lang siya sa ginagawa niyang pagpupunas sa mga braso ko. Pupunasan daw niya muna ang mga galos ko para maalis ang mga dumi dulot ng pagkakahiga ko sa sahig kanina. Pagkatapos niyang mapunasan ang kanang braso ko ay lumipat naman siya sa kabila. Pauulit ulit lang niyang pinunasan iyon hanggang sa ilagay na niya muli ang bimbo sa palanggana. Nakaramdam ako ng kirot. Lalong humapdi ang mga sugat ko sa ginawa niya kaya hindi na napigilan ang sarili ko.

" Araay!! " Napasigaw ako sa sobrang hapdi.

" Iho, ayos lang yan. Nilagyan ko kasi ng alcohol ang tubig kaya humapdi lalo ang sugat mo para malinis na din yan at hindi na maimpeksyon. Mamaya lalagyan ko na yan ng betadine para maging mabilis ang paghilom niyan. " Kasalukuyan niyang binubuksan ang butones ng polo ko para makita siguro ang sanhi ng pamimilipit ko ng sakit sa sikmura.

Nang matanggal na ang lahat ng butones sa polo ko ay isinunod na niyang itinaas ang sando ko. Pinipilit kong makita ang mga pasa ko sa katawan pero sadya talagang napakahapdi ng mga galos kaya ipinasya ko na lang huwag gumalaw.

Narinig ko naman na tumunog ang first aid kit. Binuksan niya marahil ang naturang kit at may kinuha. Kung hindi ako nagkakamali, pain reliever na gamot at benda ang kinuha niya mula sa kit. Inilagay niya sa side table ang gamot at inalalayan ako para makaupo para malagyan ang benda ang bandang sikmura ko dahil sa pamumula, pamamaga at nararamdaman kong sakit mula doon. Nagulat ako nang bigla siyang magsalita habang patuloy lang siya sa paglalagay ng benda.

" Iho? Ano bang pangalan mo? "

" Daniel Santiago po. Bakit? "

" Wala lang. Ingatan mo ang anak ko ha? Pati iwasan mo na ang pakikipag-away. Sayang ang mukha mo kung babasagan lang. " Mukhang nagkacrush pa itong nanay ni Shayne sa akin ah? (~~,)

" H-ha? Opo! Iingatan ko po ang anak niyo. " Nakangiti kong tugon sa kanya kahit na nakakaramdam pa din ako ng sakit.

" Good. Oh siya, inumin mo na itong gamot para mabawasan kahit papano ang sakit. " Agad naman niyang iniabot sa akin ang gamot at isang basong tubig. Habang umiinom ako ng gamot ay nararamdaman ko na may pinapahid siya sa braso ko.

Inilagay ko sa side table ang baso at saka iniayos ang sarili ko para humiga. Medyo nabawasan na ang sakit sa mga galos at sugat na natamo ko. Nilingon ko naman ang nanay ni Shayne na abala ngayon sa pagliligpit ng mga ginamit sa paggagamot niya sa akin. Mabait naman pala ang nanay niya so nothing to worry about.

" Iho, papasunurin ko na ang anak ko dito. Ingat lang ha? Mga bata pa kayo. " Inunahan ako don ah? Mukhang nahulaan niya ang takbo ng isip ko. Hahaha!

" Opo. Wala naman po ako gagawing masama sa anak niyo. "

" Mabuti naman kung ganon. Magpahinga ka na muna dyan. Pagbalik ng anak ko may dala na siyang pagkain. Alam kong hindi ka pa kumakain. " Naglakad na siya papunta sa pinto at lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay nakaramdam ako ng antok. Epekto siguro ito ng gamot na ininom ko kaya nagpasiya muna akong matulog.

*************

- Shayne's POV -

Nakaring ako ng tunog mula sa itaas, galing mismo sa kwarto. Agad akong napalingon sa hagdan at nakita ko si Mama na bumababa dala dala ang first kit. Tumayo ako bigla at dali daling naglakad papunta kay Mama para tanungin kung ano na ang lagay ni Daniel.

Thanks For The Memories (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt