" Mama? " takang tanong ni Josefa tsaka sana hahawakan ang kamay ni mama Sina na humahaplos sa mukha niya pero mabilis lang din iyong binawi ng isa.

"At huwag na huwag mo ring kakalimutan na ikaw si Josefa, ang anak ko. Tatandaan mo 'to ha? Ang pangalan mong 'yan ang siyang nag-iisang parte nv katauhan mo na hindi maaagaw sa iyo ninuman. Dumating man ang araw na bigyan ka ng iba pa ng panibagong pangalan, pakatandaan mo sana na ikaw si Josefa ay siyang anak ko at kapatid ni Demetria. Maging matatag ka sana anak."

At sa huling sabing iyon ni mama Sina, nandilim ang lahat.

Hanggang sa muli, may magugulong mga pangyayari ang halo-halong lumabas sa panaginip ni Josefa.
...

Malakas ang pagpapalag na ginagawa ni Josefa. Kita nito ang kadiliman ng tubig sa ilalim at dama niya ang lakas ng mga brasong naglulubog sa kaniya sa tubig pero hindi niya kayang labanan ito. Masyado itong malakas, samantala ay masyado naman siyang mahina. Pilit niya mang iangat ang ulo niya mula sa tubig, ngunit wala itong epekto sa malalakas na brasong pumipigil aa kaniya.

Unti-unting nandidilim ang paningin ni Josefa at marami narin siyang nalulunok na tubig. Napatigil siya sa panlalaban. Ramdam niya na ang paninilim ng paningin niya at ang pagkalunod. Ngunit nung inaakala niyang katapusan niya na ay siya namang pag-angat sa kaniya ng mga brasong 'yon sa tubig.

Doon, malakas siyang humigit ng mga hangin. Pagkatapos ay nanlalabo ang mga matang napatitig siya sa seryosong mukha ng kaniyang ina na ngayo' y hawak-hawak parin ang anit niya.

"Kailangan mong huminga ng matagal sa tubig, Josefa. Masyadong maiksi ang dalawang minutong pagtatagal mo sa ilalim ng tubig."

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay muli na naman nitong nilubog ang ulo ni Josefa sa isang drum na siya namang dahilan para muling manlaban ang maliit na katawan ni Josefa.
...

Pagkatapos ng imaheng iyon ay may naging mga kasunod pa ito.

"Hawakan mo 'to, Josefa." may diin ang boses na ani ni mama Sina dahilan para nanginginig ang mga kanay na inabot ni Josefa ang scalpel na hawak ng kaniyang ina.

"Mama..." naiiyak na pabulong na boses na ani ni Josefa pero malamig ang mga matang tinitigan lang siya ng kaniyang ina.

"Gagawin mo ba ang pinagagawa ko o ako na mismo hahanap ng panibagong mapag-eeksperimentuhan natin?" may galut sa boses ng tanong ni Mama Sina dahilan para lalong umiyak si Josefa.

Doon, dahan-dahang humakbang ang batang katawan ni Josefa patungon sa isang mesa kung saan inosenteng nakatingin sa kaniya ang isang pusang nakahiga mula roon habang may tali ito sa leeg.

"Gusto kong balatan mo siya ng buhay. At ang bawat piraso ng lamang-loob niya, gusto kong maayos mo silang mailabas sa katawan niya na animo'y hindi mababakasan ng kahit na kaunting punit o hiwa. Kaya mo ba yon, Josefa?"

"Mama!" naiiyak na pagsigaw ni Josefa dahilan para lalong lumamig ang mga titig na binibigay sa kaniya ni mama Sina.

"Tinatanong ko kung kaya mo ba?" galit na sigaw ni mama Sina dahilan para mapaatras si Josefa sa pagkasindak. "Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Josefa. Paulit-ulit mong gagawin ang bagay na 'yan hanggang sa maperpekto mo na yan. Dahil sa huli, hindi nalang pusa o kahit na anong hayop ang ilalagay ko sa mesa para lang mapag-eksperimentuhan mo. Dahil sa susunod, tao na ang nandyan. Kaya naman sana ngayon palang, itatak mo na sa kokote mo ang mga bagay na kailangan mong tandaan. Naiintindihan mo ba? " nanlisik ang mga matang tanong ni Mama Sina na siyang sinagot lang ng mahihinang paghikbi ni Josefa. At marahil ay dahil sa galit, mabibigat ang mga hakbang na lumapit si Mama Sina sa direksyon ni Josefa at walang-sabi-sabi na mabilis niyang hinawakan ang leeg ng pusang nasa mesa at mabilis iyong inikot.

"Ayaw mong patayin ang pusang 'to dahil may nararamdaman ka ritong awa? Pagmamahal?" sarkastikong ani ni Mama Sina kay Josefa na ngayo' y namumutlang nakatitig lang sa mukha ng kaniyabg ina. "P'wes, sinasabi ko sa'yo, Josefa. Sa mundong 'to, walang puwang ang mga ganoong bagay. Ang mahalaga lang ay ang pera, kapangyarihan, lakas at sa huli ay ang karangalan. Walang sa mundong' to, hindi ka mabubuhay ng awa. Hindi ka maililigtas ng pagmamahal. Kaya ngayon palang, imulat na 'yang mga mata mo dahil ang mundo natin, hindi fairy tale katulad ng iniisip mo." hinawakan ni Mama Sina ang baba ni Josefa tsaka madiin itong pinihit papaharap sa kaniya. Doon, may ngising animo' y walang buhay ang gumuhit sa kaniyang mga labi habang nakatitig sa mga mata ni Josefa na ngayo'y blangkong nakatitig lang sa kaniya. "Ngayon, naiintindihan mo na aba ako, Josefa?"

At sa hindi inaasahan, sumagot si Josefa. "Opo, Mama."

...

Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Tahimik ang kwarto matapos na bigla na namang lamunin ng puting ilaw ang screen sa monitor ng Dream Catcher na siyang nangangahuluhan na tumigil na mula roon ang panaginip o ang alaala ni Josefa.

"Ang ganda n'on! Ang pagka-brutal ng ina ni Josefa, ang kakaibang pagturo niya kay Josefa, at ang mga mata ni Josefa sa dulo. Lahat ng mga 'yon ay gustong-gusto ko!" nagniningning ang matang ani ni Benedict na animo'y isang batang nabigyan ng kendi ngayon sa tuwa. "Hindi ko akalaing gan'on pala pinalaki si Josefa. Nakakahanga!"

"Nakakahanga? Ang masasabi ko lang ay animo' y may kakaibang pagkatao ang Sina Elizalde na 'yon. Hindi ito basta-basta kung kaya nama' y maaga niyang sinanay si Josefa. " iiling-iling naman na ani ni Rose. "At mukhang interesante man yung napanood natin pero kinikilabutan ako sa mga mata ni Josefa sa dulo."

Samantala, ako nama'y nanlalamig ang katawang napatitig lang sa dalawa bago nanghihinang napabitaw kay Josefa at dahan-dahang napaupo sa sahig.

Hindi ako makapaniwala.

Hindi ako makapaniwala na sa gan'ong pamamaraan lumaki si Josefa. Na sa ganoong paraan pala siya nabuhay kasama ang aming ina.

Pero bakit? Bakit ba 'yon ginawa ng aming ina?

Patuloy akong nagpakalunod sa mga bagay na nasa isip ko pero gayon na lamang ang pagpigil ko sa hininga ko nung may marinig akong isang malamig at pamilyar na boses.

"Kamusta? Nagustuhan niyo ba ang mga napanood niyo?"

Nanigas ako sa lalo sa sahig at gayon na lamang ang bilis ng pagtingin ko sa kamang kinahihigaan ni Josefa. At doon, kita kong nakatitig ito sakin ng malamig.

"Joe?" mahina ang boses na tanong ko rito na siyang dahilan para sandali siyang matagilan bago dahan-dahang tumango.

Doon, mapait akong napangiti sa kaniya. Dahil ang mga mata niyang ito... Ang mga malamig at walang buhay niyang mata ay kaparehas na kaparehas sa mga matang huling sumagot ng 'Opo, Mama' sa aming minamahal na ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I am a Huntres (HIATUS!)Where stories live. Discover now