13. Mine

20 9 0
                                    

Chapter 13

"Mauna na ko?" nakangiting tanong ni Basilio na tinanguan ko lang. Kakarating lang namin sa tapat ng bahay at hindi ko na siya inimbita pa sa loob dahil anong oras narin naman.

"Ge. Ingat."

"Demetria." muling pagtawag nito nung akala ko'y aalis na ito.

"Ano yon?"

"Si Teresita. Kung anuman ang kailangan mo sa kaniya, wag mo ng ituloy." may pag-aalinlangan sa boses na sabi nito dahilan para mapatitig ako rito ng seryoso.

"Ano bang meron kay Teresita at pakiramdam ko'y protektadong-protektado niyo siyang dalawa ni Martina?" may inis sa boses na tanong ko.

"Hindi ako kasama don. Si Martina lang yon. Pero sakali kasing may mangyari sa babaeng yon, tiyak na magwawala yon si Martina."

Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. "Ganon ka-lala ang epekto ng babaeng yon kay Martina?"

"Don't try testing her importance to Martina, Demetria. Marami narin ang nagbago kay Martina matapos na makilala niya ang Teresitang yon. At sa ngayon, hindi ko masabi kung mabuti ba yon o hindi."

Sandali akong natigilan sa sinabi ni Basilio. Marami na nga bang nagbago kay Martina?

" Uwi na ako, Demetria. " muling pagpapaalam ni Basilio.

" Mag-ingat ka. "

"Hmm." tumango rin ito bago dinaanan ng tingin ang bahay ko. "Ikaw din." anito tsaka tuluyang tumalikod at umalis.

Ilang minuto pa akong napatitig muna sa direksyon niya. Napapaisip kung papaanong mukhang marami na nga ang nagbago sa bawat isa saamin.

...

Pagpasok ko ng bahay ay hindi naman na ako nagulat nung makita ko si Martina na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Samantala, kakalabas lang ni mama Josefa ng mga pagkain at nilagay iyon sa mesa.

"Magbihis ka na. Pagkatapos ay mauna na muna kayong kumain at may lalakarin lang ako sandali." sabi ni mama Josefa na siyang sinagot ko lang ng pagtango.

Tuloy-tuloy akong pumunta sa ikalawang palapag ng bahay. Doon ay tinungo ko ang kaliwang bahagi ng palapag kung saan naroon ang kwarto ko, katabi ng kwarto ni Martina. Aapat ang kwarto rito sa ikalawang palapag ng bahay at sa kanang bahagi matatagpuan ang kwarto ni mama Josefa, katabi ang isa pang guestroom doon.

Pagod na pumasok ako ng kwarto at sandaling tumihaya doon sa kama. Sandali ko sanang ipipikit ang mga mata ko nung maramdaman kong may pumihit ng pinto ng kwarto ko. Napabuntong-hininga ako sa isiping may nakalimutan na namang ibilin si mama Josefa. Pero agad din akong napabalikwas ng bangon nung mapansin kong iba ang amoy ng taong pumasok sa kwarto ko.

Hindi na nga ako nagulat pa nung bago pa man ako makatayo ay may tumulak na sa akin pahigang muli sa kama bago ako sinakyan sa tyan ko. Mabilis na sinapo nito leeg ko para sakalin ako dahilan para hulihin ko rin ang mga kamay nito at pilit na kontrolin ang pwersa ng kamay nito na siyang sumasakal sa akin.

"Martina!" may hingal sa boses na pagtawag ko sa taong nasa taas ko ngayon pero animo'y wala lang itong naririnig. May pa ngisi ang mga labi nito habang pulang-pula ang mga matang titig na titig ito sa akin.

Agad akong nanlumo sa isiping nadala na naman siya ng mga bulong sa isip niya.

"Papatayin kita. Papatayin kita! Papatayin kita!" dinig kong paulit-ulit niyang bulong habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakasakal nito sakin.

Why is this even happening every time?

Nagpapalag na tinatanggal ko ang mga kamay nito sa leeg ko pero animo'y mga bakal itong nakadikit na roon. Kaya nama'y napapikit ako sa isiping wala na akong maisip na ibang paraan maliban sa gawin ko yon sa kaniya.

Nung maramdaman kong lalong humigpit ang pagkakasakal nito sakin ay tsaka na talaga ako nagdesisyon na gawin ang nasa isip ko. At sa isang iglap, sandaling nanghina si Martina matapos kong saksakin siya ng kutsilyo sa tagiliran niya.

Kahit saan sa kwarto ay may iba't ibang gamit para sa mga emergency situation na katulad nito. Nagkataon lang na sa ilalim ng kutson ko rito ay nkaatago ang isang maliit na kutsilyo.

Matapos na sandaling manghina si Martina ay agad kong pinilit na bumangon. Pero animo'y lalo lang nitong ikinagalit ang ginawa ko dahilan para hulihin nito ang palapulsuhan ng kamay kong may hawak ng kutsilyo tsaka madiin itong pinisil. Nabitawan ko ang kutsilyo at hindi na ako nagulat pa nung inagaw nito sakin ang kutsilyo tsaka ako nito sinaksak sa tagiliran ko pabalik ng kutsilyo.

Napasigaw ako sa galit at sakit. "Bwesit ka talaga, Martina!"

Di na ako nagulat pa nung nakangising nakatingin parin ito sa akin na animo'y nasisiyahan sa nagawa. Maya-maya pa'y namawis ako sa sakit at pagpipigil sa pagsigaw nung lalo nitong idiniin ang kutsilyo sa tagiliran ko bago niya ito dahan-dahang inikot.

"Papatayin kita. Papatayin kita!" pasigaw na sabi na nito tsaka tumawa na animo'y nababaliw na.

Namumutlang nakatitig lang ako rito shabang unti-unti narin akong nanghihina.

"Nababaliw ka na talaga, Martina." bulong ko nalang sa hangin bago ko mahinang sinapo ng kabilang kamay ko ang pulso ng kamay niyang may hawak ng kutsilyong nakasaksak parin sa tagiliran ko.

"Mamamatay ka na. Mamamatay ka narin sa wakas!" tumatawa-tawang sabi nito dahilan para lalo akong manghina.

Heto na naman siya. Heto na naman siya sa pagkatao niyang animo'y baliw para pumatay.

Nanghihina na ako't lahat-lahat pero hindi parin bumabalik amg Martinang kilala at kaibigan ko.

"Martina!" pagtawag ko rito pero animo'y wala lang itong naririnig at animo'y natutuwa sa unti-unting panghihina ng katawan ko.

Hindi ko na ramdam ang takbo ng oras. Basta ang alam ko lang ay unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko at ang panlalamig ng katawan ko.

Maya-maya pa'y naramdaman kong hinugot nito ang kutsilyo sa tagiliran ko. Pagkatapos ay yumuko ito hanggang sa pumwesto ito sa leeg ko.

"Demetria..." anito sa paos na boses bago ako mahigpit na niyakap.

Nakahinga ako ng maluwag nung marinig ko ang boses niyang yon. "Martina."  pagtawag ko rin dito dahilan para yakapin ako nito ng mahigpit.

"Demetria, you are my prey." anito dahilan para mahina akong tumango.

"I am your prey, Martina." pagkumpirma ko rito dahilan para ikalas nito ang pagkakayakap nito sakin bago dahan-dahang bumangon.

"Teresita. She is mine." dagdag pa nito dahilan para mapangiti ako ng mapait.

Tama nga ang sabi ni Basilio. Hindi ko gugustuhing subukin ang importansiya ni Teresita kay Martina.

"Tatandaan ko yan." sagot ko rito dahilan para ngumiti ito ng matamis.

Dahan-dahan nitong hinipo ang mukha ko. "I'll kill you someday, Demetria. Not now and not sooner. So you have to behave, okay?" malambing na sabi nito dahilan para tahimik lang akong mapatango.

"Good." mahinang usal nitong muli bago pa dahan-dahan itong yumuko tsaka ako yinakap muli. Ilang segundo ko lang naramdaman ang higpit ng yakap nito hanggang sa maramdaman kong kalmado na ang paghinga nito at ngayo'y tulog na at walang malay sa mundo habang yakap-yakap ang taong sinaksak niya kani-kanina lang.

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon