11. Tatlong Isla

24 12 0
                                    

Chapter 11

Masakit ang ulo na napamulat ako ng mata nung makaramdam ako ng mga pagtapik sa mukha ko. Mula sa pagkakasubsob sa lamesa ay napaayos ako ng upo nung makita ko ang mukha ng teacher naming si Miss Helen. Walang mababakas na emosyon sa mukha nito pero wari ba'y may hindi ito magandang gagawin sayo maya-maya. Sa lahat, iyon ang pinaka-ayaw ko.

"Mabuti naman at gising ka na, Demetria. Kanina pa kami rito nagli-lesson habang natutulog ka lang. Wala ka bang bahay at dito ka natutulog?" striktang sabi nito dahilan para mapakurap-kurap ako.

"Nanaginip ako."

Hindi ko alam na nasabi ko pala ng malakas iyong dapat ay nasa isip ko lang. Nalaman ko lang na nasabi ko pala ito nung makita ko ang galit sa mga mata ni Miss Helen at ang mga hagikhikan ng mga kaklase ko.

"Kaya naman pala ang sarap ng tulog mo dito dahil nanaginip ka pa pala? P'wes, tumayo ka riyan at sabihin mo sa amin ang lahat ng ni-lesson ko kanina! Tignan natin kung matulungan ka niyang panaginip mo?" mapanghamong utos ni Miss Helen na ikinayuko ko lang. Wala akong kaide-ideya sa topic namin ngayon.

Tinignan ko ang white board ngunit halos manlumo lang ako nung makitang walang clue roon para malaman ko ang topic nila kanina. Marahil ay nabura na nila ang lahat ng mga sinulat nito roon kanina.

"Oh, ano? Wala kang masagot?" sarkastikong tanong nito.

Hindi nalang ako sumagot at yumuko. Bakit ba kasi nakatulog pa ako habang nagkaklase eh?

"Get out of my class, Demetria. Kung gusto mong matulog, doon ka sa clinic o 'di kaya'y umuwi ka nalang sa inyo. Do you understand?"

"Ma'am, yes, ma'am!" sagot ko agad na syang ikinatawa naman ng mga kaklase ko.

"Are you part of an army, Demetria?" malumanay na boses na tanong na ni Miss Helen. Hindi ako nakasagot. Siguro ay nasanay ako na kapag tinatanong kami noon ng 'do you understand' ay iyon agad ang sagot ko. After all, we are trained like armies from the place that I've been from. "Are you a cadette in CAT?" muli ay hindi ako nakasagot. "Nananaginip ka parin ata. Now, get out." mas mahinahong utos na sa'kin ni Miss Helen kaya nama'y wala akong nagawa pa kundi tumayo nalang at lumabas ng classroom.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa walang katao-taong canteen at napaupo sa isa sa mga upuan doon.

Second day of school and I messed up!

Napayuko nalang ako sa lamesa at napapikit. Hindi ko alam kung bakit madalas akong nananaginip ng mga bagay na nangyari noon sa buhay ko. Dahil ba 'to sa nakita ko ang dati kong mga kasamahan kaya bumabalik ang mga alaala ko?

Iyong napanaginipan ko kanina, ang tungkol sa isla, ang pagdukot sa akin mula sa isang paaralang hindi ko naman matandaan, iyong una at mga araw ko sa isla Cordia...

Napamulat ako ng mata at napaayos ng upo.

Isla Cordia!

Bigla kong naalala, hindi lang pala iisang isla ang napuntahan ko matapos ang pagdukot sakin. Hindi lang isa kundi tatlo! Tatlong isla silang lahat na animo'y ginawang training ground para sa amin.

Cordia, Briedo at Aphro...

Halos malimutan ko na na tatlong isla pala ang nadaanan ko noon. Pero wala namang maitutulong sa akin ang mga islang iyon para malaman kung sino at ano nga ba ang tunay na katauhan ko.

Muli akong napayuko at napapikit sa lamesa dahil sa sakit ng ulo. Pero dahil sa pagpikit kong iyon, muli ay nilamon na naman ako ng panaginip.

...

"Congratulations for surviving everyone." nakangiting pagbati sa amin nung lalaki na animo'y lider ng grupong dumukot sa amin. Nakangiti ito habang nakaupo sa pinakagitnang upuan na nasa taas ng animo'y isang entablado. Inilibot nito ang paningin nito sa amin na ngayo'y nasa baba niya.

Marami kami at animo'y nasa isang gymnasium itong kinapi-pwestuhan namin dahil sa lawak. Gayon pa man, kahit malawak pa itong lugar na kinapupwestuhan nami'y napuno parin naming mga kabataan itong gym. Samantala, ang palibot naman ng gym ay napupuno ng mga armadong lalaki na nakasuot ng mga unipormeng pang-militar.

"Everyone, again, I am welcoming you in this island called the Cordia Island. And by this island, I am going to be your master as I am your Master Rick."

Akmang ibubukang muli nito ang bibig para ituloy ang sinasabi nung animo'y may namataan itong kung ano sa bandang likod. Napalingon naman ako dahil nasa bandang likuran ko ang tinatahak ng paningin nito. At sa paglingon ko nga'y may nakita akong isang lalaking nakataas ng kanang kamay.

"M-master Rick, bakit kami nandito?" tanong nito na tila'y nabubulol pa sa kaba.

That was also my question so I pursed my lips and then turned my head back to where Master Rick is, who just laughed of what he heard.

"My, my, my? Ano'ng pangalan mo?" tanong nito matapos na tumigil sa pagtawa.

Tumayo pa ito mula sa pagkakaupo sa upuan nito tsaka naupo sa gilid ng animo'y stage.

"Gertrude po."

Tumango si Master Rick tsaka muling tumayo sa gitna ng entablado. At sa pagkakatayo nito'y makikitaan mo ito ng karespe-respetadong postura na malayo sa kung anong ginawa nito sa aming pandurukot. Nakita kong seryoso rin ang mukha nito na siyang nagbibigay sa amin ng pakiramdam ng takot sa matagalang titig dito ng mata sa mata.

Hindi naman nakakatakot ang mukha nito, bagkus ay mahitsura pa nga ito at masasabi kong makisig. Subalit may kung ano sa aura nito na pilit pumapatay sa pantasyang maiisip ko. At sa tantiya ko pa'y nasa 20's palang itong si Master Rick.

"Gertrude, makinig ka sa mga magiging patakaran natin sa islang 'to para sa susunod ay maiwasan mo ang sakit na mararanasan mo ngayon."

Kunot noo akong napatingin sa direksyon ni Gertrude matapos iyong sabihin ni Master Rick. Ngunit takot lang akong natulos sa kinatatayuan ko nung makitang may tao na sa likod ni Gertrude at kitang-kita ko kung papaanong malakas na sinipa nito si Gertrude sa likod dahilan para mapadapa ito sa semento. Pagkatapos ay naglabas ito ng maliit na kutsilyo tsaka mabilis na itinusok sa kanang palad ni Gertrude.

Nahihintakutang mga singhap mula sa iba pang mga bata at ang malakas na palahaw ni Gertrude ang nagbigay ingay sa lugar na iyon.

Maraming dugo ang umagos sa palad ni Gertrude at halos manginig ang kamay nito nung higitin nung lalaki ang kutsilyo nito.

"Now, now, now." pumalakpak si Master Rick dahilan maglingunan kaming muli sa kaniya na nasa entablado. "Makinig kayo sa sasabihin kong dalawang patakaran patakaran." tumikhim pa ito at animo'y may isinenyas sa likod. Pagtingin ko naman dito'y nakita kong padarag na pinatayo na ng lalaki si Gertrude na ngayo'y maluha-luha pa habang naginginig ang kanang kamay.

"First rule; I, Master Rick is always right. So you all have to remember to follow all my rules and instructions for I am always right." nakangising sabi nito habang nakatingin pa sa direksyon ni Gertrude. "Second rule is just 'do or die'. Follow my rules or die for not following my rules. Now, you see? My rules are just simple right? All you have to follow is those two rules and everything will be alright. Do you all understand what I said?"

Walang sumagot sa amin kaya nama'y malakas na pumadyak ito sa entablado na animo'y isang senyales para itutok sa'min ang mga baril ng mga nagbabantay sa palibot ng gym.

"Do you all understand?" sigaw ni Master Rick na aligaga naman naming sinagot ng sabay-sabay.

"O-opo!"
"Yes!"
"Oo!"
"Yes, sir!"

Nangunot ang noo ni Master Rick at inilibot nito ang paningin sa amin habang nakatiim ang bagang.

"Ang dapat niyong isagot ay 'sir, yes, sir!' We are applying military rules here. Now, do you all understand?" muling tanong nito na sa pagkakataong ito'y nasagot naman namin sa isa at buong tinig.

"Sir, yes, sir!"

"Good." ani naman nito tsaka ngumisi.

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon