7. Teresita

39 22 4
                                    

Chapter 7

"Saan galing 'yang singsing na 'yan?" takang tanong ko tsaka hinawakan ang palad nito at pinakatitigan ang singsing nito. It really has a 'Huntres' word carved on it.

"Who are you?" muling tanong ko rito habang dinadama ko ang ukit ng salitang 'Huntres' sa singsing.

Parang napapasong hinigit nito ang kamay mula sakin at napaatras. Is she scared?

"Kanino galing yang singsing mo? Sino ka?" tinitigan ko siyang mabuti ngunit masasabi kong hindi talaga ako pamilyar sa mukha niya. Imposibleng isa siyang Huntres? O di kaya'y, hawak siya ng isang Huntres?

"Isa rin akong 'Huntres," ipinakita ko rito ang band ko na agad namang ikinanlaki ng mga mata nito. "Ngayon, sabihin mo sakin, sino ka? At saan galing 'yang singsing mo?"

Natatakot na napaatras ito mula sa akin. Akmang lalakad pa sana itong muli papaatras noong mabangga na ito sa dibdib ni Basilio na ngayo'y papasok na dapat sa classroom.

"Ano'ng meron dito?" seryoso akong tinitigan ni Basilio pagkatapos niyang padaanan ng tingin ang babae.

"Sino siya?" tanong ko tsaka tinanguan ang direksyon ng babae.

"She's Teresita Elizalde. Ngayon, pumasok na muna kayo at paparating na si Ms. Helen. May klase pa tayo." pagkatapos iyong sabihin ni Basilio ay agad niya akong hinila papasok diretso sa upuan ko sa likod.

Tahimik lang naman na nakasunod ang mga mata sa amin ng mga kaklase namin. At saktong makaupo ako sa upuan ko, isang tingin muli ang ibinaling ko kay Teresita na ngayo'y nakatungong naglalakad sa upuan nitong nasa unahan.

Teresita Elizalde...

Mukhang mahihirapan ata ako sa trabaho ko.

Napatungo ako at inalala ang file na sinend sa akin ni Perceta kagabi. Nakapagtataka lang dahil hindi gan'on ang hitsura nito sa litrato.

Sa litrato kasi'y wala itong salamin at masasabi kong may kumpiyansa ito sa sarili at hindi agad agad na natitibag sa isang tinginan lang.

Teresita Elizalde. She is currently 18 years old and in grade 11 level. She's studying in this school called the Elites Academy.

And for her current situation...

She is my target as given by Perceta Huntres.

But!

She has a 'Huntres' sign!

Inis akong napatingin muli sa direksyon ni Teresita.

Sino ang makakalaban ko sa oras na pinatay ko siya? And why would Perceta want her dead?

Nakaramdam ako ng mga matang nagmamasid sa akin kaya napalingon-lingon ako. And to my surprise, hindi lang pala iisa ang nakatingin sa akin. From his seat, Basilio is looking at me intently. Samantala, mula sa labas ng bintana nama'y kunot noong nakatingin sa akin si Martina.

What's wrong with them?

Inis na binalingan kong muli si Teresita na nakap'westo sa harapan pero tama ba 'yong nakikita ko?

She's grinning. And she knows that I am looking.

...

Lunch time na ngayon at hinintay ko munang lumabas si Teresita at akmang susundan ko na siya nung bigla akong higitin ni Basilio pabalik sa classroom.

"What do you think are you doing?" inis na singhal nito sakin nung makitang kami nalang ang nasa classroom.

Kunot noong napapiksi ako sa hawak ni Basilio nung makitang nakalayo na si Teresita.

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon