17. Gamot

14 8 0
                                    

Chapter 17

Ikalawang linggo ko na ngayon rito sa ospital. At hanggang ngayon ay hindi ko parin magalaw-galaw ang katawan ko dahilan para lalong manlamig ang pakiramdam ko rito.

Naaalala ko sa kalagayan ko ngayon ang pakiramdam ko noon sa mga islang napuntahan ko. Kung saan, gustong-gusto kong umalis sa lugar na 'yon pero wala akong kakayanan. Hindi ko kaya. At sa sitwasyon ko ngayon, sa pakiramdam na ang tanging nagagalaw ko lang ay ang mga talukap ng mga mata ko, parang gugustuhin ko nalang na sana'y hindi nalang ako nagising. Lalo pa't sa araw-araw na pag-lagi ko rito ay siya ring araw-araw na pagbisita sakin ni Josefa na may mga baong kwento na siya namang hindi ko gusto.

Nandilim ang paningin ko sa isiping may kinalaman si Josefa sa nagyayaring ito sa kondisyon ko ngayon.

Imposible namang dahil lang sa natanggap kong saksak kay Martina ay mapaparalisa na ako rito ng dalawang linggo? At ngayon, mukhang lalagpas pa ito ng dalawang linggo.

"Kamusta ka na, Demetria?"

Mariing napapikit ako ng mga mata ko nung marinig ko ang boses ni Josefa na ngayo'y nakadungaw sa pinto. Pagkatapos ay mabibigat ang mga yabag na lumapit ito sa higaan ko at umupo sa gilid non.

"Interesado ka bang marinig ngayon ang mga bagong kwento ko?" malambing ang boses na tanong nito pero hindi ko lang ito pinansin.

"Pero 'wag kang mag-alala dahil sa araw na to, alam kong magiging interesado ka na sa kwento ko. Lalo pa't may kaugnayan to sayo. Gusto mo' yon, hindi ba?" mahinahong ani nito tsaka may kung anong kinalikot sa hawak nitong bag na nilagay niya kanina sa taas ng tyan ko.

"Nakikita mo 'to?" tanong nito pero patuloy lang ako sa pagpikit at hindi siya iniimik.

"Sigurado ka bang hindi mo titignan kung ano tong hawak ko? Kasama ka pa naman dito." muling tanong nito sa animo'y may panghihinayang na boses dahilan para dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko.

"Yan! Tama yan, Demetria." masayang ani nito. "Tignan mo 'to." sabi nito tsaka tinutok sa harap ko ang isang litratong hindi ko malilimutan. Ang huling litrato naming walong mga Huntres bago kami nakalabas sa isla Aphro.

"Halos puro kayo rito nakasimangot no?" mapang-asar na sabi nito dahilan para titigan ko lang siya.

"Alam mo ba kung saan ko nakuha to?" tanong nito sakin bago nito itinabi ang litrato sa mesang nasa bandang uluhan ko. "Nakuha ko lang naman to mismo kay Freya. Ayos ba?" pakindat na ani nito dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka?" natatawang tanong nito sakin bago ito kumuha ng bimpo sa bag nito. Pagkatapos ay binasa niya ito ng tubig tsaka dahan-dahang pinunas sa mukha ko. "Anim na taon narin ang lumipas nung araw na nadukot ka, hindi ba?" ani nito dahilan para mamutla ako.

Si Josefa...

Wag mo sabihing may koneksyon siya sa mga dumukot sakin?

"Bakit masyado ka naman atang namumutla? Ha?" malambing na tanong nito bago niya mahinang pinisil ang mukha ko. " Iniisip mo bang may koneksyon ako non sa mga dumukot sa inyo?" tumawa ito. "Wala akong koneksyon sa kanila. Kung iisipin, kalaban ko pa nga sila eh. Kalaban nating dalawa." Muli itong tumawa bago siya may kung ano na namang kinuhang litrato sa bag niya.

"Nakikilala mo pa ba kung sino 'to?" tanong nito sakin matapos niyang iharap sakin ang isang litrato na pamilyar na pamilyar sa akin. Dahil ang laman ng liratong iyon ay walang iba kundi ako. "Tama ka. Ikaw nga to, Demetria. Noong bata ka pa. At ngayong dalaga ka na, kamukha-kamukha mo naman ang babaeng tinuring lang akong isang basura!" biglang galit na sabi nito bago tinapon ang litrato ko. Pagkatapos ay nakangiting muli na naman ito nung may bagong litratong hinugot siya sa loob ng bag niya.

"Ano, Demetria? Sabihin mo. Kamukha mo ba siya?"

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang isang litrato ng babaeng masasabi kong kamukhang-kamukha ko. Makikitaan mo lang na mas nalipasan na ng panahon ang mukha nito pero kamukha ko parin ito. Animo'y iyon narin ang magiging mukha ko kapag tumuntong na ako sa ganong edad.

"Kamukha mo siya, hindi ba?" natatawang sabi nito bago kumibit-balikat. "Dapat lang naman. Tutal, ikaw ang bunsong anak niya eh. Ang paborito niya. Ang prinsesa niya. Ang pinakamamahal niya... noon. " Malamig na sabi nito bago ako nito nginisihan.

"Pero ayos lang. Wala na akong pakielam pa don ngayon. Tutal, patay naman na sila ng asawa niya eh. At alam mo ba kung sino ang pumatay sa kanila?" muling tanong ni Josefa na animo'y nababaliw na ngayon.

"Sumagot ka! Alam mo ba kung sino ang pumatay sa mga magulang mo?!" isa pang ulit na tanong nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin. At sa hindi inaasahan, tila ba'y naramdaman kong naigagalaw ko na ang dila at ang bibig ko.

"I-Ikaw." Nauutal na sabi ko na siyang ikinatawa lang nito ng malakas bago siya animo'y huminahon.

"Kakaiba ka talaga, Demetria." Iiling-iling na sabi nito bago kumuha ng isang nakahandang syringe na may kulang pulang likido sa loob. "Kadalasan ay isang buwan muna ang lumilipas bago makamulat ng mata ang taong nahaluan ng ganitong gamot sa dugo niya. Pero para sayo, isang lingguhan lang." May panghihinayang ang tono na sabi niya habang kinakapa ang palapulsuhan ko.

"Tapos ay isang buwan pa ulit ang bibilangin para makapagsalita ka dahil sa gamot na to. Pero sayo? Nakapagsalita ka kaagad sa ikalawang linggo lang? Kakaiba ngang ata talaga ang training na meron kayo ron sa tatlong isla na 'yon, Demetria." may paghangang sabi nito bago tinanggal ang takip ng hawak niyang syringe tsaka ito pinitik-pitik.

"J-Josefa!" pilit ang boses na pagsigaw ko dahilan para iharang nito ang daliri nito sa mga labi ko.

"Shh, Demetria. Hindi to masakit." bulong nito bago tinusok sa ugat ko sa pulso ang karayom. "Isipin mo nalang na kagat lang ito ng langgam." Dagdag pa nito dahilan para tumulo lang ang mga luha ko habang walang buhay ang mga matang nakatingin sa kisame.

Bakit? Bakit ba nangyayari sa'kin 'to?

Si Josefa. Kapatid ko pala siya. Dati rin sana kaming may buong pamilya pero bakit ganto ang nangyari sa buhay ko? Bakit pakiramdam ko'y puro paghihirap lang ang nararanasan ko sa mundong 'to?

"Wag ka ng umiyak." Pag-alo nito sakin matapos nitong itapon ang gamit na syringe. Pagkatapos ay masuyo niyang pinunasan ng bimpo ang mga luha ko.

"Wala ka namang kasalanan sa lahat ng 'yon eh. Naiintindihan ko ang kalagayan mo. Dahil pareho lang tayo. Pareho lang tayong tinalikuran ng mga magulang natin, Demetria." Mahinang sabi nito bago napabuntong-hininga. "Pero ayos na ang lahat ngayon, Demetria. Pinatay ko na sila. Pinatay ko na ang demonyong sumira sa atin. Malaya ka na. Malaya na tayo!"

Napapikit nalang ako't hindi na siya inimik. Lalo pa't nararamdaman ko na ang unti-unting pagkawala ng pakiramdam ko sa mga labi ko, sa dila ko at sa huli ay sa mga mata ko.

Muli, tila'y isang patay na buhay, hindi ko naman maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. At tanging ang pandinig ko lang ang siyang nagagamit ko sa mga oras na ito.

"Huwag kang mag-alala, Demetria. Poprotektahan kita mula sa mga taong gustong saktan ka. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan." Bulong niya sa tenga ko bago niya ako matagal na hinalikan sa noo.

"Magpahinga ka na muna ulit, Demetria. Hahanapin ko pa pala si Martina. Kaya huwag kang mag-alala dahil ipaghihiganti kita." Huling mga salitang narinig ko mula rito bago animo'y tuluyan akong nawalan ng malay dahil sa gamot.

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon