25. Rose and Benedict

7 4 0
                                    

Chapter 25

Masakit ang katawang napamulat ako ng mata bago dahan-dahang bumangon. Doon, nakita ko ang sarili kong nakaupo sa isang sofa, katapat ang katawan ni Josefa na ngayo'y walang malay na nakahiga sa isang clinic bed.

Nalilitong napatayo ako mula sa sofa bago dahan-dahang napalapit sa gilid ng higaan nito.

"Oh, gising ka na pala, Demetria."

Napalingon ako sa nagsalitang lalake na siyang kakapasok lang habang may hila-hilang tila isang makina na may hindi kalakihang TV screen na kasama.

Sandali akong napaatras dito. Ang tanda ko'y ito ang bumaril ng pampatulog sa'kin kanina.

" Oh, kalma. Magaling na ba ang mga sugat mo sa likod at tila'y handa ka na namang makipagsagutan ng laban sa'kin?" pabirong ani nito na siyang ikinakunot ko lang ng noo ko habang tinititigan ko siyang itabi sa kabilang gilid ng higaan ni Josefa ang aparatong hila-hila niya kanina.

" Ano'ng gagawin mo?! " may bahid ng galit at pagkabahala na tanong ko matapos makitang may kung ano siyang mga pinagkakabit mula sa aparato patungo sa sintido ni Josefa na ngayo'y walang malay. Akmang lalapitan ko siya at sasawayin ngunit ilang hakbang palang ang nagagawa ko'y biglang bumukas ang pinto. At doon, pumasok amg babaeng nakalaban ko kanina na mabilis lang akong hinila at hinarangan.

"Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!" muling sigaw ko sa galit pero nginisihan lang ako ng babaeng ngayon ay may benda sa ulo bago akong tinutukan ng animo'y laruang baril na siyang pamilyar sa'kin.

"Puwede ka namang kalmadong manood lang, Demetria. Pero p'wede ring magmatigas ka. Pasensiyahan na nga lang tayo kung sakaling mas mabilis 'tong bala ng baril na' to na tatama sa'yo kesa sa gagawing pagsugod mo. Hindi mo naman siguro ako sisisihin sakaling mawalan ka na naman ng malay, hindi ba? " malumanay ang boses na sabi nito dahilan para sandali akong matigilan bago nilingon ang walang malay na si Josefa at tumigil.

Hindi ko kilala kung sino 'tong mga taong' to at hindi ko rin alam kung bakit walang malay si Josefa. Pero sa ngayon, hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng pag-aalala para kay Josefa.

Niloko niya na ako't pinagsamantalahan ang kawalang-kaalamang pagkatao ko pero hindi ko parin maiwasang mag-alala rito. Lalo pa ngayong alam ko na kapatid ko siya. At isa pa, nangako na ako sa sarili kong ituturing ko siyang tunay na kapatid na.

"Lumayo muna kayo ng konti. May magandang palabas tayong papanoorin mula sa isip ni Josefa." natutuwa at nagmamadali ang tonong ani ng lalake dahilan mapalingon ako sa kaniya na ngayo'y animo ay may kinakalikot sa dala nitong aparato kanina. Doon, mas natitigan ko tuloy ang aparato.

Ang aparato'y masasabi kong animo'y isang simpleng computer desktop set lang. May flat screen monitor ito, keyboard at pagkatapos ay may anino'y CPU na siyang maraming mga kable. Doon, amg mga kable'y natapos na palang ikabit ng lalake sa magkabilang sintido ni Josefa.

"Dream Catcher. Dream Catcher ang pinangalan ko sa imbensiyon kong ito." nakangiting ani ng lalake bago pinaandar ang monitor at may kung anong pinipindot na sa keyboard. "Hindi na bago sa'tin ang magkaroon ng maraming lihim sa buhay, hindi ba?" nilingon ako nito bago sandaling ngumisi at muling humarap sa monitor. "Puwes, ang dream catcher na ito'y masasabi kong taga-huli ng mga alaalang nangyari na sa'yo noon. Kailangan ko lang ang tamang parte ng utak mo kung saan nakalagay ang alaaala mo at viola! Ang mga alaala mo'y babalik sa'yo na tila isang panaginip. Samantala, kung ano'ng nakikita mo sa panaginip mo'y siya ring nakikita ko sa monitor ng dream catcher na 'to. " anito tsaka hinimas-himas pa ang monitor.

Napahigit ako ng hininga sa sinabi nito. Dream Catcher...

Aalamin ang nakaraan mo?

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa direksyon ni Josefa na ngayo' y walang malay bago muling napatingin sa direksyon ng lalake.

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon