22. Kapatid

10 6 2
                                    

Chapter 22

"Hey, what's the fuss here ya all?"

Sabay na napalingon kami ni Sandro sa nagsalita na ngayon pala'y nandoon na't nakapwesto sa kakabukas na pintuan.

Napakunot ang noo sa babae lalo pa't ngayon ko lang ito nakita.

"You don't know me?" tila'y 'di makapaniwalang tanong nito matapos makita ang tingin ko rito.

"Who the fudge are you?"' di mapigilang tanong ko rin dito.

Kita kong sinipat ako nito mula ulo pababa pagkatapos ay nag-cross arms ito bago sumipol.

"You're not even sexy nor beautiful to be compared to me so I'm kinda bothered that you don't remember me." tila' y nagtatakang ani nito bago tinagilid ang ulo nito. "You don't really know me?" paninigurado nito dahilan para mag-init ang ulo ko.

Kakatapos lang ng mainit at seryosong pag-uusap namin Sandro tapos mambi-bwesit pa tong hilaw na amerikanang to?

"Tigilan mo 'ko ng kaka-ingles mo at sabihin mo nalang kung sino ka at bakit ka narito, p'wede ba?!" inis na sigaw ko rito dahilan para humalakhak lang ito na siyang sinundan lang din ng tawa ni Sandro. At pagkatapos lang ng ilang sandali ay animo'y naramdaman ko lang ang pagdaan ni Sandro sa gilid ko at pagkatapos n'on ay nakita ko nalang na nakabulagta na ang babae sa sahig habang mulat na mulat ang mga mata.

Hindi makapaniwalang napaatras ako papalayo mula kay Sandro na ngayo'y nakangiti na habang nakatingin sakin.

"Masyado kayong maingay. Hindi ko tuloy masubaybayan ng maayos ang pag-uusap nina Josefa at Martina." ani nito bago ito muling lumakad at bumalik sa pwesto nito sa tapat ng monitor. Samantala, ako nama'y napatayo mula sa pagkakaupo ko tsaka napatungo sa bukas na pintuan, kung saan, nakaharang sa daan ang katawan ng babaeng kanina'y nakangisi pa sakin.

Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan matapos makitang mulat na mulat pa ang mga mata nito na animo'y hindi makapaniwala sa biglaang nangyari.

"P-patay na ba siya?" nauutal na tanong ko kay Sandro. Hindi ko kasi mapigilang matakot sa kakayanan nito. Masyado itong mabilis at malakas na siyang nakakatakot na animo'y kayang-kaya rin ako nitong patayin kahit kailan nito gusto.

"Gusto mo uling mabuhay pa 'yan?" taas kilay na tanong nito nung sandali ako nitong lingunin.

Natahimik ako sa sinabi nito bago kong nilingon muli ang mukha ng babae.

"Kilala niya ko." halos pabulong na sabi ko.

"Ano ngayon?"

"Hindi ko pa alam ang dahilan ng pagpunta niya rito. Kailangan ko pa siya."

"Ano'ng konek?" kibit-balikat na ani nito dahilan para mapakuyom ako. This guy! Ngayon, alam ko na. Bukod kay Josefa, wala itong pakielam sa iba.

"Kailangan ko siya ng buhay. Kaya buhayin mo siya kung ayaw mong umabot pa 'to kay Josefa."

Napahalakhak ito sa sinabi ko pero madiing napakuyom lang ako sa hiya at kaba. Masyadong malakas si Sandro at alam kong wala akong laban dito. Isa itong malaking sugal ang tila' y paghahamon ko sa kaniya ngayon pero nakikinita ko na malaki ang epekto ni Josefa rito.

"At sa tingin mo'y susundin na kita dahil sinabi mong makakabot 'to kay Josefa?" nakangiting inikot nito ang upuan papaharap sa direksyon ko. Tumango ako rito ng marahan dahilan para mapatawa itong muli. "At sa tingin mo' y mas pakikinggan ka ni Josefa kumpara sakin?"

"Kapatid niya ko." sagot ko rito dahilan para mapa-halakhak na naman ito ng todo.

"Mapagbiro ka talaga, Demetria. Kanina mo pa ako pinapatawa." tila' y siyang-siya na ani nito na may kasama pang paghampas sa hita nito.

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon