12. Drill on Isla Cordia

26 11 0
                                    

Chapter 12

Alas sais na ng gabi nung magising ako. Nagulat pa nga akong makita na sa pagmulat ko ng mata'y si Basilio agad ang mabubungaran kong nakaupo sa tabi ng upuan ko.

"Mabuti naman at gising ka na." sabi pa nito habang umiinom ng kape.

Anong ginagawa nito rito?

Muli akong pumikit nung makaramdam ako ng sakit sa ulo. Why am I even remembering those memories in the past?

"Huwag ka ng matulog. Heto, kape oh." nangunot naman ang noo ko ng abutan ako ni Basilio ng kape.

Napaismid naman ako. "I don't drink coffee. Lalo na ang pure black." asar na sabi ko rito tsaka napabangon na mula sa pagkakayukyok ko sa lamesa. Pagkatapos ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid na ngayo'y may kadiliman. Kita kong kakaunti nalang rin ang bilang ng mga estudyante at gurong nasa paligid.

"Heto nalang," napabalik ang atensiyon ko kay Basilio nung muli siyang magsalita. At pagtingin ko naman rito'y may hawak itong dalawang maninipis na notebook na ngayo'y nakalahad sa akin. "Notes."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Akmang tatanungin ko siya kung anong gagawin ko ron nung bigla naman ako nito inunahang magsalita.

"Notes yan doon sa klase ni Miss Helen ang isa, tapos ang isa naman ay sa lesson na hindi mo natake kanina matapos kang mapalabas. I'm giving you that para makahabol ka sa recitation this friday."

Pagkatapos ko namang marinig 'yon ay atubili kong nakuha mula sa kamay ni Basilio ang iniaabot nito.

Oo nga pala, hindi ko alam ang mga naging topic at mga nilesson nila dahil sa puro ako tulog. Nakakainis lang at muli na namang bumabalik sa alaala ko ang mga panahanong iyon. I almost forgotten my past pero ngayo'y utak ko na mismo ang siyang nagpapaalala sa'kin ng mga nangyari noon.

I was 13 years old when I was kidnapped and I am 19 years old by now.

It was almost 6 years pero bakit ngayon pa bumabalik ang lahat ng mga alaalang akala ko ay nakalimutan ko na?

"Anong iniisip mo, Demetria?"

Napalingon ako sa mukha ni Basilio na ngayo'y mataman pala akong tinititigan. Nakaamba pa ang katawan nito papalapit sa akin kaya nama'y halos pigilan ko ang paghinga nung makitang masyado na siyang malapit sa mukha ko.

Nahihintakutang napaatras ako ng maramdaman kong may kung anong sumikdo sa dibdib ko.

Ano yon? Kaba? I can almost feel his breathing.

"Woah! Parang nawawala ka ata sa sarili mo ngayong araw, Demetria? Is this something about, Teresita?" muli ay tanong nito na halos pabulong na ang huling linya. At doo'y parang bigla akong nabuhusan ng mainit na tubig at napaayos ng upo.

Tama! I almost forgot about her just now!

Napatayo ako mula sa upuan ko at nagmamadaling pinasok sa bag ko ang notes na inabot sa akin ni Basilio kanina.

I need to go home. Tatanungin ko si Martina kung kaanu-ano niya si Teresita. And then, soon, I will decide of what I am going to do. If I will accept Perceta's offer in exchange of the information about me and mama Josefa.

Mabilis ang mga hakbang na lumabas ako sa canteen na iyon pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay bigla kong naramdaman ang mainit na palad ni Basilio na ngayo'y nakahawak sa bandang siko ko.

Napatigil ako at kunot noong napalingon sa kaniya. What does he want?!

"Be careful of your decisions, Demetria. I can sense na may gagawin kang aksyon na siguradong sisira sa tahimik kong buhay ngayon. Just make sure that you have your acceptable reasons."

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon