16. Mama

14 7 0
                                    

Chapter 16

Naramdaman kong nagising ang diwa ko nung makarinig ako ng tipong nag-uusap sa gilid ko. Halos hindi ko maintindihanan ang mga sinasabi nila dahil tila'y mga tunog ng bubuyog ang nadidininig ko sa tuwing nagsasalita sila.

Ilang sandali pa'y naramdaman kong lumilinaw na ang pandinig ko ngunit hindi ko naman mamulat ang mga namimigat na talukap ng mga mata ko. Miski ang katawan ko'y hindi ko maigalaw. Tila ba'y bugbog sarado ito na parang lanta at walang buto.

Kinabahan ako sa isiping iyon.

Bakit hindi ko mamulat ang mga mata ko? Bakit hindi ako makagalaw?

Pinilit kong ibuka ang mga labi ko para magsalita pero miski ito ay hindi ko rin magawa. Lalong dumagundong sa kaba ang dibdib ko.

Ano'ng nangyari?

Nung mga oras na kinakabahan ako ay siya namang narinig ko ng mas malinaw ang mga pag-uusap sa paligid ko.

"Sige. Salamat ho, doc." Dinig kong sabi ni mama Josefa bago ko sunod na marinig ang pagsara ng pinto.

Maya-maya pa'y naramdaman ko ang paglapit ni mama Josefa sa kama ko bago ito naupo sa gilid non. Pagkatapos ay mahina nitong hinaplos ang kanang pisngi ko.

"Isang linggo ka ng walang malay. Maayos naman na raw ang kalagayan ng katawan mo, sabi ng doctor. Pero bakit ayaw mo paring magising? Kinasasabikan ko na ang pagtawag mo sakin ng mama." Dinig kong bulong nito dahilan para mag-init ang puso ko.

Hindi ko alam kung bakit pero magmula nung makalabas ako sa isla Aphro at nakilala ko si mama Josefa sa isang 'di inaasahang pagkakataon, magmula non ay tila inampon na ako nito bilang isang anak at minahal ng sobra. At sa buong buhay ng alaala ko, siya lang ang taong natatandaan ko na siyang tunay na nagmahal talaga sakin at tinuring akong tunay na kapamilya. Kaya hindi ko rin talaga maiwasan na mahalin din si mama Josefa na parang isang tunay na ina.

"Kamukha mo talaga siya."

Naputol ang pagbabalik tanaw ko nung marinig ko ang mga salitang lumabas sa bibig ni mama Josefa.

Sandali...

Kamukha ko?

"Kamukhang-kamukha mo talaga si mama, Demetria." Dinig kong sabing muli nitong bago dinaan ng daliri nito ang gitna ng noo ko, pababa sa ilong ko at nagtagal sa mga labi ko. "Kamukhang-kamukha mo siya dahilan para mahalin kita at kamuhian ng sobra." Dugtong pa nito dahilan para manlamig ang pakiramdam ko.

"I missed you, mom. I missed those days when we are still having a normal life. Those days when simple hugs and kisses can still satisfy us." malungkot na bulong nito. "I missed those moments when you are still acting like a normal mother. But why do you have to change?! Bakit kailangan mo akong ibigay sa mga taong yon?! Pati ang kapatid ko'y di mo rin pala pinalampas? Bakit ha? Bakit?!"

Lalo akong nanlamig nung magbago na ang boses ni mama Josefa at animo'y nilalakumos na ng daliri nito ang mga labi ko. Maya-maya pa'y nilipat nito ang kamay nito sa baba ko tsaka madiin iyong pinisil.

"Anak lang ako kaya alila mo ako, hindi ba, mama?" sarkastikong tanong nito habang mas lalong dinidiinan ang pagpisil sa baba ko na sa tingin ko'y nasugat narin dahil nilulubog niya rin ang mga kuko niya sa balat ko.

"Kaya kapag sinabi mong pumatay ako, kailangan kong pumatay! At kapag sinabi mo ring mamatay na ako, kailangan ko naring mamatay?!" galit na sigaw nito bago winaksi ang kamay nito tsaka mabilis na umalis sa pagkakaupo sa higaan ko. Pero ramdam kong tumayo lang ito sa gilid ng kama ko at malamig ang mga matang nakatingin sa akin.

"Ano ngayon ang pakiramdam ng nakaratay d'yan?" malamig ang boses na tanong nito dahilan para tuluyang manlamig ang puso ko. "Anong pakiramdam na ako ngayon ang mama mo at ikaw ang anak ko?" dugtong pa nito dahilan para humigpit ang tila'y sumasakal na sakit ng pakiramdam sa dibdib ko.

Si mama Josefa... hindi niya ba akong tinuring na tunay na anak? Na tunay na kapamilya? Ibang tao ba ang nakikita niya sa katauhan ko?

Nilapitan niya lang ba ako dahil sa mukha ko? Dahil may nais lang siyang patunayan? Paghigantihan?

'Pero hindi ako ang mama mo, Josefa!' pilit kong pagsigaw ngunit tila'y utak ko lang ang sumisigaw dahil hindi ko manlang makontrol ang mga mata ko, mga labi ko, mga kamay, binti— ang buong katawan ko!

"Bakit 'di ka pa namatay?!" muling sigaw nito dahilan para tuluyan ko ng maramdaman na kaya ko ng maigalaw ang mga mata ko. Pero nung sandaling iyon, kahit di ko pa tuluyang naimumulat ang mga mata ko'y tumulo na ang mga luha na kanina pang gustong kumawala sa mga mata ko.

Marahil ay nakita rin yun ni Josefa dahil ramdam kong natigilan ito. At animo'y isang apoy na nabuhusan ng malamig na tubig, nanghihinang napaatras ito bago mabilis ang mga hakbang na lumabas sa kwartong ito.

Samantala, ako nama'y dahan-dahang napamulat lang ng mga mata habang patuloy parin ang pagpatak ng mga luha mula rito.

Josefa Lavigne...

Niloloko mo lang din pala ako.

Pare-pareho lang kayong lahat! Lumalapit lang kayo sakin dahil may kailangan kayo. Pero sa oras na tumaliwas ako sa gusto niyo o di kaya'y mawalan ng silbi, basta-basta niyo nalang akong iwinawaksi.

Bigla kong naalala ang mga ngiti nito noon, mga pag-aasikaso, pag-aalala at mga pagyakap nito sakin. Ang lahat ng 'yon pala'y puro pakitang tao lang at panloloko niya?

Sa bawat pagyakap niya ba noon ay may nakaambang na palang mga malalasong kamay at mata nito sakin na handa narin akong sakalin at lapain?

Ramdam ko ang panlalamig ng mga titig ko sa puting kisame na kinakikitaan ko ng mukha ni Josefa na dating laging nakangiti sa tuwing nakatingin sakin.

Mama Josefa ba kamo?

Wala pala talagang katiwa-tiwala rito sa mundo. Dahil ang taong akala ko'y tinuturing akong tunay na kapamilya ay siya rin palang isang malaking huwad.

Josefa Lavigne...

Nagkakamali ka ng taong pinaglaruan mo.

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon