14. Baliw

17 7 0
                                    

Chapter 14

Ramdam ko na ang panlalamig ng katawan ko ngayon at lalo ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Gusto kong bumangon at gamutin ang sarili ko pero tila ba'y naubos na ang lahat ng lakas na meron ako.

"Demetria? Martina?" dinig kong pagtawag ni mama Josefa mula sa may hagdanan dahilan para makahinga ako ng maluwag. At dahil nga sa alam kong nariyan na si mama Josefa ay hinayaan ko nalang ang sarili kong mawalan ng malay.

...

"Demetria! Kasama ka sa mga lalaban. "

Napalingon ako nung marinig kong may tumawag sa akin. Ngunit nagulat ako nung makita ko ang batang sarili ko na nakatayo sa gilid ng animo'y isang arena. Samantala, ako nama'y tila isang espiritung nagpapalutang-lutang lang sa paligid ng lahat. Animo'y isa akong taga-panood ng isang senaryo sa dati kong buhay.

Nakita kong tumango ang batang ako dahilan para kabahan ako para rito. Kahit alam ko na ang mangyayri ay hindi ko parin mapigilan na kabahan lalo pa't alam kong sa lugar na ito siyang nakilala ko si Martina.

Ang baliw na Martinang yon. Ang baliw na naging dahilan kung bakit takot na takot ako nung makita ko siya noong nakatingin sa akin na animo'y target nito. Ang dahilan kung bakit takot na takot ako non sa ngisi niya.

Maya-maya pa, nakita ko ang batang sarili ko na pumasok sa arena. Sunod-sunod pa na pumasok ang ilan ding mga bata na masasabing mga kaedaran ko lang din. Sa nakikita ko'y nasa tatlumpo ang lahat sa loob.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang mapuno ang arena. At nung mapuno nga ito'y nadinig kong nagsalita si Master Rick na ngayo'y nasa labas at nanonood.

"You may now choose your weapons." Nakangising anito dahilan para manindig ang balahibo ko. Bata pa man ako o ngayong matanda na ako, ang mga ngisi niyang talagang iyon ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Dahil sa tuwing ngumingisi ito'y naaalala ko kung papaanong walang pagdadalawang- isip lang ito kung pumatay ng mga walang muwang na bata sa mundo.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nakita kong nagsimula na ang laban. Isa palang maliit na kutsilyo ang kinuha ko pala noon.

Mula rito ay kita ko ang sarili kong desperadong lumalaban sa iba. Kahit pa masasabi mong pare-pareho kaming mga bata na animo'y mga hindi pa marunong lumaban dahil dalawang buwan palang kami noong nagtatagal sa isla Cordia, masasabi mo ring medyo hasa na ang mga buto namin para tumagal sa mga laban.

"Ahh!" dinig kong sigaw ng isa mula sa kabilang dulo ng parisukat na arena dahilan para mapalingon ako rito.

At nung makita ko ang nangyayari ron ay lalo akong nanginig at namutla. Dahil mula roon ay kita ko ang animo'y nagwawalang si Martina habang walang habas na pinagtataga ang mga nasa paligid nito.

Mula rito'y kita ko ang pamumula ng mga mata nito at ang ngisi nito na animo'y maihahalintulad mo sa mga baliw na ang tanging gusto lang ay ang pumatay ng tao.

Sa ngayon, masasabi kong mabilis lang ang laban. Mabilis na nagbagsakan ang mahihina at mabilis din kung magtataga si Martina at ang iba.

Napatingin ako sa timer na ngayo'y nasa taas. Sampung minuto pa ang natitirang oras sa laban. Samantala, ang dating tatlumpong mga bata sa loob ay sa-sampu nalang sa ngayon. At isa na ako sa mga yon.

Napalapit ako mula rito papunta sa arena. Gusto kong masaksihan ang lahat ng ginawa noon ni Martina ngayon ng mas mabuti pero sa hindi ko malamang dahilan, nung sandaling lumapit ako sa bata kong katawan ay siya ring tila paghigop ng katawan nito sa akin.

At sa isang sandali lang ay nakita ko na ang sarili kong may hawak na maliit na kutsilyo na may bahid ng maraming dugo habang matapang na tinitignan ang unti-unting paglapit sa akin ng baliw na babaeng aking kinatatakutan.

"Wanna have fun?" nakangising anito tsaka inikot-ikot ang hawak na espada na animo'y itak.

Naramdaman kong napaatras ang katawan ko kahit pa'y hindi ko ito kino-kontrol. Doon ako lalong mas kinabahan. Ibig sabihin lang nito ay mangyayari parin ang mga nangyari dati. Ang pinagkaiba lang ng sitwasyon ko mula sa noon at sa ngayon ay hindi ko pa non kilala si Martina kaya nama'y matapang ko pa itong nilabanan. Samantala, kung sakali mang ang ako na ngayon ang lalaban dito ay tiyak na dadaigin na naman ako ng takot ko rito.

"Baliw." Dinig kong sabi kay Martina dahilan para mapatawa ito. Pagkatapos ay mabilis nitong tinaga ang lalakeng sana'y susugurin siya mula sa likuran.

"Alam mo bang ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang tinatawag akong baliw?" hinihingal na tanong nito habang paulit-ulit na tinataga ang lalake bago mabilis na sumugod sa isa pang babae na sana'y papasugod naman sa direksyon ko.

"Lalo pa't kung ang nagsabi lang non sakin ay isang pesteng katulad mo?, Isang peste na kayang-kaya kong tirisin o apak-apakan kahit kelan ko gusto!"

Naiinis na napasugod din ako sa lalakeng papasugod sana sa kaniya. Doon ay mabilis kong sinipa ang ulo ng lalake tsaka ito sinuntok sa dibdib at madiin na tinaga sa leeg nito ang kutsilyo. Pagkatapos ay matapang kong nilingon ang pwesto ng baliw na babaeng yon.

"Peste ba kamo? Tirisin mo lang ako kung kaya mo." Mayabang na paghamon ko pa rito. Pero agad din akong natigilan nung maramdaman ko nalang na inaangat na pala ako ng isang lalake mula sa leeg ko.

"Para kayong mga bida sa pelikula ah? Nakalimutan niyo ata ako?" anito bago ako nito itapon sa direksyon ng baliw na babae.

"Oh, andito ka na agad? Mukhang gusto mo na talagang mamatay." Nakangising sabi pa sakin ng baliw bago ako nito apakan sa dibdib.

"Bwesit ka!" galit na sigaw ko rito sa sakit na siyang ikinatawa lang nito. Ngunit agad din naman nitong inalis ang pagkakaapak nito sa dibdib ko nung siya naman ang sinugod ng lalake.

Napagapang naman tuloy ako sa gilid para lumayo sa kanila. Doon ko lang din napansin na kaming tatlo nalang pala ang natitira sa arena at isang minuto nalang din ang natitira bago matapos ang laban. Pero bago pa man ako magalak sa saya ay naramdaman kong may umangat sa katawan ko. At pagkatapos non ay naramdaman ko ang pagkakasaksak sa tagiliran ko ng hawak na sandata ng baliw na babae.

"Time's up." Dinig kong bulong ng lalake na siya palang bumuhat sa akin.

"Your luck." Nakangising sabi rin ni Martina bago hinugot sa tagiliran ko ang hawak nito bago iyon tinapon at tsaka tumungo sa pinto ng arenang ito para lumabas.

Samantala, malakas na tinapon lang ng lalake ang katawan ko sa gilid bago rin ako nitong iwang nakahandusay doon.

Nanlalabo na ang paningin ko at pakiramdam ko'y mamamatay na ata ako sa oras na to pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko ang sigaw ng baliw na sumaksak sakin.

"Nga pala pesteng babae. Martina! Martina ang pangalan ko! Sakali mang mabuhay ka sa saksak na yan ngayon, tandaan mo, balang araw, sisiguraduhin kong mamamatay ka na talaga sa mga kamay ko! Tandaan mo yan! "

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon