21. No Name

12 6 0
                                    

Chapter 21

Humila ako ng upuan at tumabi kay Sandro. Pareho kaming tutok na tutok sa monitor nung biglang narinig ko ang tunog ng pagkakalikot ni Sandro sa keyboard.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko rito matapos makitang may ginagawa siya sa kabilang monitor.

"Parang kakausapin ni Josefa yung Martina. Pakinggan natin." tila nasisiyahang sabi nito bago malakas na tinipa ang 'ENTER' sa keyboard. At doon, narinig ko nga ang boses ni Josefa sa pagkatao nitong laging nakangisi.

"Anything that I can do for you, Martina?" kita kong may ngising tanong ni Josefa— ang walang pangalang katauhan pala ni mama Josefa kay Martina na siyang masasabi kong kalmado pa sa ngayon dahil nakataas ang kilay na nakatingin lang ito kay Josefa.

"Sino ka bang talaga, Josefa Lavigne?" may ngisi sa mga labi na tanong rin ni Martina.

Napatawa si Josefa bago dahan-dahang lumapit kay Martina. Kasalukuyan kase sila ngayong nasa isang pasilyo. Tatlo sila ngayong nakatayo roon. Sa kabila ay mag-isang nakatayo ang walang pangalang katauhan ni Josefa, samantala sa kabila nama'y si Martina at di ko pa kilaoang babae. Masasabi ko lang ay pamilyar ang mukha niya.

Nung makalapit ng kaunti si Josefa  kay Martina ay inangat nito ang kamay nito para sana abutin ang braso ni Martina. Pero mabilis na lumipad mula sa mga daliri ni Martina ang isang karayom dahilan para hulihin ito ni Josefa at tinigil ang sana'y pag-abot kay Martina.

"You're quite an expert with this, huh?" nakangising komento ng walang pangalang katauhan nj Josefa bago sinipat ang karayom na hawak. "No poison?" nanghihinayang na sabi nito bago nito iyon dinilaan sa dulo ng patalim. Pagkatapos ay pinitik niya rin ang karayom sa direksyon ng babaeng kasama ni Martina dahilan para umiwas ito. Pero masasabi mang umiwas ang babae, mas mabilis naman ang paglipad ng karayom sa direksyon ng babae dahilan para tumama ang karayom sa gilid ng tenga nito.

Nakita kong namutla ang babae. Miski rin ako ay nakaramdam ng kaba matapos isipin na kung sakaling di siya nakaiwas ng bahagya, tiyak na mata nito ang matatamaan ng karayom.

"You're quite slow." dinig kong komento muli ng walang pangalang katauhan ni Josefa— na tatawagin ko nalang ngayong 'No Name', bago nito mabilis na sinugod si Martina na handa naring kaharapin siya.

Malakas na nagpakawala ng suntok si No Name sa bandang leeg ni Martina pero nakaiwas din ito. Sunod ay mga sipa naman ang pinakawalan ni No Name pero ang lahat ng ito'y iniwasan lang ni Martina. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok sa bilis nilang dalawa.

"Something's wrong with Josefa." dinig kong bulong ni Sandro na katabi kong nanonood ngayon mula rito sa monitor dahilan para mapatitig din ako ng maigi kay Josefa— kay No Name.

Doon, kita ko kung papaanong sunod-sunod pa ang naging pagsuntok ni No Name kay Martina na mabilis lang nitong naiiwasan. Pero maya-maya lang ay animo'y naninigas na ang katawan ni No Name at tila'y hirap na itong maiangat ang mga kamay.

"Seriously?" tanong ni No Name bago humalakhak. "You're too dependent with your needles, Martina." dinig ko pang sabi ni Josefa dahilan para makita ko ang pagkinang ng ilang mga karayom na ngayo'y nakatusok na pala sa mga siko at balikat ni Josefa.

"Dependent o hindi, natalo ka parin, Josefa." may ngisi sa mga labing ani naman ni Martina na siyang dahilan para lalong mapalakhak si Josefa.

"Talo? Ako? Hindi pa pinapanganak ang makakatalo sakin, Martina. Hindi pa." mayabang na sagot naman ni No Name. At pagkatapos non ay mabilis na inangat ni No Name ang kaniyang mga paa para patamaan ng sipa sa mukha si Martina na muli lang din nito nasalag bago iyon mahigpit na hinuli.

" Really? " nakangising ani ni Martina bago dahan-dahang pinilipit paikot ang nahuling paa ni No Name.

Kita kong natigilan si No Name bago malakas na inikot ang katawan para gamitin ang kabilang paa nito para sipain si Martina. Sa pagkakataong 'to, di na nakaiwas si Martina sa sipa nito dahil hawak niya ang paa ni No Name. Ngunit ang nakakagulat ay ang pagtalsik ni Martina sa gilid patungong pader ng hallway matapos ang malakas na pagsipa ni No Name sa gilid ng braso nito.

Maya-maya pa' y nagtatalon-talon si No Name na animo'y winiwisik-wisik ang mga paa. Pagkatapos ay malakas na sumuntok ito sa hangin na siyang ikinangiwi ko dahil alam kong masakit ang epekto sa muscles kapag pinilit mong igalaw ang katawan mo kapag natusukan na ito ng karayom ni Martina.

"Ang brutal ni No Name sa sarili niya." komento ko dahilan para matawa ang katabi kong si Sandro.

"Teka lang. Ano? Tama ba dinig ko? No Name?" natatawang tanong nito na sandali kong ikinayuko dahil sa hiya. Pero agad din iyong mawala matapos kong iangat muli ang nga mata ko at napatitig sa mukha ni No Name na ngayo'y nakangising papalapit sa direksyon ni Martina.

" Kung wala pa siyang pangalan at pareho silang dalawa ni Josefa na walang balak na bigyan siya non, bibigyan ko siya ng pangalan. No Name. Iyon ang ipapangalan ko sa kaniya."

Malakas na napahalakhak si Sandro sa sinabi ko. Napasama tuloy ang tingin ko rito dahilan para lalo lang itong tumawa.

" Greatest joke ever, Demetria. Di mo sinabing mapagbiro ka rin pala? " nakangiting ani nito na siyang ikinaingos ko lang.

" Bakit ka ba tumatawa?"

"Hindi ko alam kung nang-iinsulto ka ba o ano. Pero kung papangalanan mo lang din ang katauhan ni Josefa ng gan'yan, mas mabuti pa sigurong huwag nalang." seryosong ani nito bago nito pinihit ang baba ko patingin sa direksyon niya. "Hindi ko alam kung insensitive ka ba o ano? No Name? Miski pangalan ng aso mas maganda pa ron eh. Pero itong tatandaan mo, Demetria. Sa oras na marinig ko pa ang pagtawag mo sa kaniya ng gan'yan, o malaman-laman ko kung papaanong 'di mo pinahahalagahan ang kapatid mo, sisiguraduhin kong ako mismo ang mag-aayos sa utak mo para malaman mo ang tunay na halaga niya. At sa oras na mangyari yon, hindi ko alam kung pagsisisihan mo ang lahat o hindi, pero sa panahong yon, hindi mo na muling makikita pa ang kapatid mo kahit kailan. Kahit kailan, Demetria. Tandaan mo. Kahit kailan! "

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon