3. Martina

96 64 4
                                    

Chapter 3

Nagtagis ang bagang ko habang nakatingin sa mga kabataang ngayo'y galit na galit na papasugod sa akin. Just wow! Sila pa ngayon ang galit?! Matapos nila akong lait-laitin?!

Pinatunog ko ang mga daliri ko sa kamao. "I will surely make all of you grunt in pain."

May isang nakapunta na agad sa harapan ko. And with a swift movement, he tried to hit me by a wood. Inis na hinuli ko naman ito ng kamay ko bago pinilipit at inagaw sa kaniya. Pagkatapos ay ako na ang gumamit sa kahoy para ihampas sa binti niya.

"A-ah!" pagpalahaw niya habang sapo-sapo ang paa.

But then, I hit him again. Hindi pa naman siguro siya malulumpo niyan, no? Kung ganon, isa pa! Isa pa! Isa pa-

Napatigil sa ere ang kahoy na sana'y ihahampas ko sa binti ng lalaking nasa harap ko nung may maramdaman akong parang pin o karayom na tumusok sa may bandang siko ko dahilan para animo'y mamulikat ang braso ko.

I angrily turned my gaze to Basilio's direction, but to my surprise, he's not the only one in there.

Ang mga lalakeng kabataan kaninang galit na galit ay ngayo'y nakahiga na sa lupa habang iniinda ang kaniya-kaniyang kasakitan sa katawan habang si Basilio nama'y nakatayo lang habang humihithit na ng sigarilyo kasama si-

"Martina Huntres!"

Halos pigilin ko ang hininga ko nung nilapitan ako nito at kinuha nito ang pin sa may bandang siko ko. She's quite intimidating. At kahit ngayon, mahilig parin siya sa grand entrance. She even shot me by her pin!

Pagkatapos niyang kunin ang pin na tumusok sa bandang siko ko ay naramdaman kong muli na kaya ko ng maigalaw ito kaya ibinaba ko nalang ang kamay ko. Leaving the guy on the ground, I focused my attention to Martina.

"It's been a long time, Demetria. And you're still hotheaded, huh?" she chuckled as I furrowed my brows.

"You're here."

"News come so fast, dear. And I am checking out with Basilio, too so it was easy for me to know about your news."

Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Checking out, huh?

"Oh, no! Don't give me that look." natatawang sabi nito tsaka nilingon ang kawawang lalaki na hinampas ko kanina. "He's a Huntres so I am getting in touch with him. Nagulat nga ako at bigla kang sumulpot dito ng wala manlang akong nariringgang bakas?"

Getting in touch? Are they having contacts with the other Huntresses?

"You know me." ngumisi ako. "I'm quite as a mouse."

Ngumisi rin ito sa sinabi ko. "Still a pest." she chuckled.

"So, are you both finish with your reunion?"

Sabay na napalingon kaming dalawa kay Basilio na ngayo'y tapos na pala sa pagsisigarilyo. Lumapit ito samin at kinuha sa kamay ko ang kahoy na hawak ko.

"Umalis na kayo rito. Teritoryo ko to at ako ang nauna sa lugar na to. Hindi maganda na nakaumpok tayong mga Huntres sa iisang lugar lang. Do you both get my point here?"

Teritoryo niya? Is he kidding me?

"I don't let men order me around." napatingin ako kay Martina nung sabihin niya 'to. Pagkatapos ay napangisi ako.

"I see no reason for me to follow you. Pupunta ako sa lugar na gusto kong puntahan at mananatili ako sa kung saan ko man gusto." sabi ko naman.

Hindi makapaniwalang tinitigan lang kami ni Basilio at napailing. "Women..."

I am a Huntres (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon