I'm Just A Transferee: Kabanata XII

Mulai dari awal
                                    

"Yung contract na pinirmahan mo sa Jung-Park Clothing Company ay magsisimula na next month." Paalala ni Manager Celestine.

"Jung-Park company?" naisatinig ko. Diba apelyido yun ni Herrand? Ibig sabihin ba nun ay sa kanila ang clothing company na yun? Baka nagkataon lang na pareho sila ng apelyido? Pero napakaimposible naman ata nun?

"Yup, why?" tanong ni Manager.

"Nothing." Tanging sagot ko at tinignan at binasa isa isa ang mga kontrata galing sa ibat ibang clothing company.

Kailangan ko na talagang sabihin kay Herrand ang totoo, siguradong kanila ang kompanyang iyon.

Maghapon lamang akong nasa modeling agency, si manager ay nauna na sa aking umuwi dahil marami pa daw siyang gagawin.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko dahil pasado alas syete na ng gabi. Mahigit kalahating oras pa ang byahe ko patungo sa sinabing restaurant ni Herrand.

Hindi pa man ako nakaka labas ng building ay may humarang na sakin.

"Look who's here." Mataray na sabi ni Jersel.

"Jersel, please ayoko ng gulo." Sambit ko at akmang lalagpasan na ito ngunit hinawakan na nito ang braso ko.

"Kinakausap pa kita!" singhal nito.

"Pero ayaw kitang kausap." Matigas na sabi ko at tuluyan ng inagaw ang braso ko at mabilis na naglakad pasakay sa kotse.

Agad kong tinali ang aking buhok at sinuot ang aking salamin ng makapasok na ako sa loob ng kotse.

Hindi ko pa man tuluyang napapa andar ito ay nag vibrate na ang telepono ko.

"Hello?" patanong na bati ko dahil sinagot ko ito ng hindi tinitignan ang caller.

"Hi baby, where are you?"

"I'm on my way there, wait for me." Sagot ko habang minamaniobra ang sasakyan.

"Sunduin nalang kaya kita?" nag aalalang sambit nito.

"I can drive by myself Herrand, don't worry." I said while smiling.

"But--" hindi pa man ay pinutol ko na ang sasabihin nito.

"No buts, I can handle myself."

"Okay, take care. Focus your eyes on the road baby." Pagsuko nito bago ibaba ang linya.

Nasa highway na ako ng huminto ang mga sasakyan dahil sa traffic lights, tinignan ko ang mga taong mabilis na nagsisitawid, hanggang sa madako ang tingin ko sa maginang palabuy laboy lamang sa gilid ng kalsada.

Agad akong lumabas ng sasakyan at lumapit sa kanila dala dala ang pagkain na lagi kong dala kapag umaalis.

"Magandang gabi po," bati ko sa mga ito. Agad naman silang tumingin sakin at ngumiti ngunit agad ding yumuko.

"Naghahanap po kayo ng makakain?" magalang na tanong ko rito.

"Oo ening, isang araw na kasi kaming hindi nakakakain eh." Mahinang sabi nito.

"Heto po oh, sana mabusog kayo." I said while smiling. Inabot ko sa kanila ang isang supot ng can goods at ang baon kong kanin na binili ko kaninang alas singko ngunit hindi ko naman nakain.

Kesa itapon ay mas magandang ibigay na lang ito sa mga nangangailangan at kapos sa pera.

"Maraming salamat Ining, pagpalain ka sana niya." Sabi nito at tumingin sa madilim ng ulap.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang