XXXIV

76 10 1
                                    

Natigilan ako ng umikot si Ely at binuksan ang pinto ng kwarto ni Dra. He asked so many questions about my pregnancy. From the months i have been pregnant to the bleeding happened and even for the gender of our baby for God's sake!

"Ano bang magandang brand ng clothes for kids? Maia tried Moose Gear and it looks great naman. I think we should try OshKosh or Gingersnaps, what do you think?" He took a glance at me. "I hate your silence, baby. What's wrong?

Bumaling ako kay Ely at kahit busy ito sa pagmamaneho ay hindi pa rin mawala ang ngiti nito. His eyes were sparkling with joy.  He is really grateful with the good news i have.

"You're overreacting," tugon ko sa kanya habang napapailing na lang.

"I've never been excited like this. Fuck!" he gushed.

Napabuntong hininga naman ako. "We never planned this.." wala sa sarili kong sabi habang nakatingin lamang sa kanya, naghihintay ng magiging reaksyon niya.

Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging pagtanggap niya. Akala ko ay kukwesyunin niya ako dahil sa mga nasabi ko sa kanya o kahit ano pa pero eto siya, tuwang-tuwa sa pagbubuntis ko.

Matalas ang mata niyang lumingon sa akin. Parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Napakagat na lang tuloy ako sa aking labi.

"Kahit sabihin mong hindi natin plano 'yan parte pa rin  'yan ng gusto nating makuha, klea."

His left hand switched in handwheel and his right hand reach my tummy, slowly rubbing it now. "Look at your mom. She is being negative. Dont you like it, right?" Saglit niyang ibinalik sa akin ang mata bago muling bumaling sa aking t'yan. "Baby, stay there and be healthy. Let's all wait until God want us to see each other like how your dad and mom waited, okay? Langoy-langoy ka muna d'yan.."

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa. Tinapik ko ang kamay niya kaya tinanggal niya 'yon.

"Puro ka kalokohan. Anong langoy? Anong akala mo sa sinapupunan ko swimming pool?" reklamo ko sa kanya habang nagpipigil ng tawa.

Puro kalokohan lang ang pinag-usapan namin habang nasa byahe papunta sa restaurant kung saan namin pinapunta sila mama. Gusto kasi ni Ely na makapagpakasal na kami this coming week. Masyadong excited at ayaw na magpapigil pa.

Pinauna niya ako sa pagpasok sa resto saka siya sumunod. Nando'n na nga ang mga inimbitahan namin at hindi na nagulat pa na makita kaming magkasama. Nasa isang malaking parihabang lamesa si Mama, Jaydy, Auntie Stella, Ely's Mom, Trio, and of course Xandria.

Isinerve rin pagkarating namin ang mga pagkain. Mas pinili namin ni Ely ang crab and corn soup kesa sa mga Filipino dishes na nakaserve ngayon.

"Ang lansa," sabi ko pagkatapos kong haluin ang soup na 'yon. Napalingon naman sa akin lahat at kapwa nagkibit-balikat na lang.

"Hindi naman, ah?" giit ni mama na sinang ayunan ng trio.

"Buntis si ate klea kaya ganyan," ani April.

Nilingon ko si Ely. Hinalo niya rin iyon at binigyang tuon ang aroma ng soup na 'yon. Napangiwi rin siya at kaagad binitawan ang kutsara.

"Order na lang tayo ng bago," aniya at inagaw ang atensyon ng waiter.

Wala akong mapusuan sa menu kaya si Ely na lang ang pinagdesisyon ko. Habang naghihintay sa order ni Ely sinubukan ko na rin tikman ang fruit shake ko.

"Ano pa bang kulang niyo sa preparation?" tanong ni tita Carrie, mommy ni Ely.

"Wala na, my. Saka pina-resume ko na lahat ng preparation na natigil noon," Ely answered.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Where stories live. Discover now