XVIII

44 8 0
                                    


Dalawang linggo na ang nakalipas pagkatapos kong magkaroon ng allergies. Hinding-hindi ko na gugustuhin pang maulit iyon dahil sa ginawang pag-aalaga ni Ely. Magdamag siyang nanatili sa kwarto ko kahit na tumawag na si maia upang pauwiin siya. Mas naging tensyonado sa akin si maia ng sabihin ni Ely na magkasama kami at inaalagaan ako.

Umaga na at makakaharapan kami nila mama ngayon sa hapag. Kasalo rin namin si auntie stella na ngayo’y kadarating lang.

“Bihis na bihis ka, hija. May date ba?” bungad ni auntie pagkaupo sa harap ko.

“Kahit kailan talaga stella napaka usisera mo,” ani mama pagkatapos iabot ang pinggan kay auntie.

Tumawa ako at laking gulat ko na humahagikhik na rin si jaydy sa tabi ko. Bumaling ako rito at masidhing tinignan.

“Tumatawa ka d'yan alam mo ba ‘yun?”

Umiling siya na mas lalo kong ikinatawa.

“I just find it cute. Asirera,” he confidently utter.

Ginulo ko ang buhok niya at saka malapit na tinignan.

“Kain ka pa maraming kanin okay? Kailangan mo pa ‘yun baby boy,” I patted his head. “Huwag ka rin basta tawa ng tawa okay? Baka isipin nilang..”

Tumikhim si mama at matalim akong tinignan. “Klea..”

Ibinalik ko ang tingin kay jaydy saka ngumiti. “Baka isipin nilang guwapo ka.”

“But I’m guwapo naman daw talaga kuya elysian said.”

Gulat akong tumingin sa kanya. “You know him?”

He nodded. Ipinagpatuloy niya ang pagkain at naiwan akong gulat. Paano sila nagkausap?

“Akala mo siguro ay nanatili lang siya sa kwarto mo noong may sakit ka ano?” tanong ni mama bago nagsalin ng tubig sa baso. Nagkatinginan sila ni auntie saka bahagyang ngumiti. “Kinuha niya na loob niyan,” sabay nguso ni mama kay jaydy.

“Hindi na nga ako magugulat kung sa susunod ay hingiin na n'yan ang kamay mo." Sinulyapan niya si mama. "Naku ate! Maghanda kana.”

Hindi ko na malunok o malasahan ang laman ng bibig ko dahil sa sinabi ni auntie. Masyado naman atang mabilis ‘yun.

Inubos ko ang laman ng baso. Nagpakawala ako ng pekeng tawa na nakaagaw ng atensyon nilang lahat.

“K-kasal agad? H-hindi ba puwedeng hmm..”

“Ano?” naghihintay na tanong ni auntie stella.

Bakit sa dami ng oras ay sa ganitong sitwasyon pa ako naubusan ng salita. Nakakainis! Humagikhik ng tawa si auntie at mama na ikinapula ng mukha ko. Saglit ko pa iyong hinawakan para maitago ang kulay sa kanila.

Tumayo si auntie at mabilis lumapit sa tabi ko. Nanatili naman akong nakaupo at nakikiramdam sa gagawin niya.

“Ano ba kayo, klea?” nananantya niyang tanong sa gilid ko.

Hinarap ko siya at bumungad sa akin ang nakakaloko niyang ngisi sa labi. “Friend? Best friend? Special friend? Boyfriend?”

“S-special friend?” tugon ko sa gitna ng pangungumpirma at pagtatanong. Muli namang umalingawngaw ang tawa ni auntie stella sa buong bahay. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Narealize kong gusto ko si Ely noong oras na sinabi niyang gusto niya rin ako. Gusto namin ang isa't-isa pero walang kumpirmasyon kung kami na ba o hindi pa. But we shared k-kissed! Hindi pa ba confirmation ‘yun? Catsup! Susubukan ko na nga lang linawin mamaya tutal magkasama naman kami. Tama!

“Special friend?! Naku ate! Sinungaling naman pala ‘yang si elysian!”

Naging kusa ang pagkunot ng noo ko ng marinig ang sinabi ni auntie. Sinungaling si Ely? Paano? Hindi ko na maiwasang hindi kabahan. Ano bang sinabi ni ely at naging sinungaling pa siya?

“B-bakit po auntie? Paano po naging s-sinungaling si E-ely?”

Malakas na ibinaba ni Jaydy ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng pinggan na ikinagulat ko. Lalo akong kinakabahan catsup na ‘yan!

“I’m done, mama! Pupunta na po ako kila Audrey,” masiglang ani jaydy, pagtutukoy sa anak ni kuya ricky at ate chellie. Hindi rin kasi nalalayo ang edad ni jaydy kay audrey kaya nagkakasundo itong maglaro kahit na magkasalungat ang kasarian nila.

“O’sige, magsumbrero ka at makulimlim baka umaambon na sa labas,” bilin ni mama.

Pare-parehas naming pinanood ang paglabas ni jaydy hanggang sa nawala na siya sa paningin namin. Mula sa pagtayo sa gilid ko ay bumalik si auntie sa pagkakaupo at piniling makatapat ako. Seryoso niya akong tinignan habang pagsulyap ko kay mama ay napapailing na lamang sa amin habang nag-aayos ng stocks ng pagkain sa bawat cabinet.

“Alam mo ba kung anong sinabi niya sa amin?”

“Auntie, kung alam ko po sa tingin niyo po ba tatanungin ko pa?”

Masama ang ekspresyong kinuha ang mansanas na nasa dulo ng lamesa at ibinato ‘yon sa akin. Napapikit na lang ako at bahagyang umilag. Wala akong narinig na pagbagsak ng mansanas kaya nagtataka akong dumilat at laking gulat na hawak ng isang malapad at maugat na kamay ang mansanas. Tumingala ako at doon nakita ang maamong mukha ni Elysian na nakangiti sa akin.

“Sinabi ko lang na ako ang boyfriend mo na sa susunod na taon ay asawa na rin. ‘yun naman ang totoo hindi ba?” he whispered near my ear.

My heart beat violently. Nanuyo ang lalamunan ko. Wala ring maiprosesong salita ang isip at mga labi ko. Hindi ko alam na makukumpirma ko ang bagay na ito ng hindi tinatanong sa kanya. Ganito lang pala kadali ang iniisip kong sobrang hirap kanina.

Huminga ako ng malalim at saglit na pumikit. Hindi ko alam na ganito kasaya sa pakiramdam marinig ang bagay na iyon sa lalaking gustong-gusto ko.

Iniwanan na kami ni auntie sa hapag at nagpaalam itong tutulong kay mama sa pag-aayos ng stocks. Nagbilin pa ito na huwag mahiya at gawin namin ang gusto naming gawin.

Agad rin kaming nagpaalam at saka umalis. Ngayon namin itutuloy ni elysian ang plano niyang naudlot dahil sa pasikat na allergies. Nasa loob na kami ng sasakyan niya at gaya ng unang beses kong sumakay rito ay hindi ko pa rin alam ang destinasyon namin.

Nilingon ko ang abalang nagmamaneho na si elysian. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi niya napansin ang paglingon ko hindi gaya ng dati na nakukuha ko agad ang atensyon niya. Nakakunot ang makapal niyang kilay habang diretso lamang ang kanyang mapupulang labi. May problema ba?

“Uh Ely, ayos ka lang ba?”

Tila hindi niya ako narinig. Napansin ko rin na mariin ang pagkakahawak niya sa manibela na naging dahilan ng paglitaw ng ugat niya sa kamay. Hindi ko na naiwasang hindi ‘yon haplusin para kumalma. Sinundan ko ang bawat direksyon ng nagngangalit na mga ugat niya. Agad iyong nawala ng mapansin ako ni Ely.

“Yes baby?” malambing at nakangiti niyang tanong.

“Ayos ka lang ba?”

Tumango siya at hinagilap ang kamay ko. Pinagsalikop niya muna ang mga iyon bago idinampi sa kanyang labi. “I'm fine now.”

Hinayaan ko siyang magmaneho habang hawak ang kamay ko. Sa totoo lang ay pakiramdam ko may problema talaga siya. Tatanungin ko na lang siya mamaya. Hindi ko pa rin alam saan kami magtutungo, pero dahil siya ang kasama ko ay ayos na ako.

Mahigit isang oras kaming nasa biyahe bago namin narating ang isang modernized farmhouse. Iginala ko ang aking mata sa magkabilang panig at nakita ang malawak na kapatagan na may kalat-kalat na puno na hitik sa bunga. Ang sarap mag picnic dito! Napaka relaxing ng ambience.

Nauna siyang maglakad papalapit sa gate ng saradong farmhouse kaya patakbo akong sumunod sa kanya.

“Bahay mo?”

Nilingon ko si Ely na abala sa pagpasok ng susi sa kandado ng gate. Ilang saglit pa bago niya nabuksan ang gate at nag-angat ng tingin sa akin.

“Bahay namin.”

“Bahay niyo?” tanong ko pa ulit.

He looked at me with such amusement in his eyes. He chuckled. Ginulo niya ang buhok ko saka ako marahan na hinatak at niyakap.

“Bahay namin ng mga kaibigan ko.”

Paano? Pinag-ambagan ba nila? Wow!

Sabay kaming naglakad papasok at sinalubong kami ng isang parrot na nakasabit ang kulungan sa puno ng mababang duhat na hitik na hitik rin sa bunga.

Hello tae! Tae! Tae!”

Gulat akong tumawa dahil sa sinabi ng parrot. Tuwang-tuwa akong lumapit sa nakakaaliw na parrot. Nilingon ko si Ely para tanungin ang pangalan ng parrot na ito ng makitang hawak niya ang DSLR at nakatutok ‘yon sa akin.

“Ely naman, stop it!” asar kong wika sa kanya saka itinakip ang isang kamay sa mukha.

“What? I’m just capturing the moment. C'mon, smile at me, baby.”

Nahuli ko na lang ang sarili kong nakangiti sa kanya. Sinamantala niya ‘yon at ginawang sunod-sunod ang pag-click.

“Tama na ‘yan. Masyado kanang nalilibang.. may pangalan siya?” pagtutukoy ko sa parrot.

“Si mouse ‘yan. Hello, mouse. What’s up,” ani Ely saka binuksan ang hawla. Namahinga sa mga braso niya si mouse.

“Bakit mouse? Parrot siya tapos mouse pangal—”

Let’s watch porn together.”

“Fuck mouse! Tinuruan ka na naman ng gagong si loyd.”

Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni mouse. What in tarnation? Habang si Ely naman ay ibinalik na si mouse sa hawla.

Fuck mouse—”

“Shut up!” inis na sabi ni Ely habang isinasarado ang kulungan ni mouse.

Shut up,” pangagaya pa ulit ni mouse.

Patuloy pa rin ako sa pagtawa dahil sa nakita. Si mouse lang pala makakapagpainis kay Ely.

“You want to die or to be grilled?” pikon na sagot ni Ely.

Mas humagalpak ako ng tawa ng hindi siya sagutin ni mouse.

“Stop laughing,” nakasimangot niyang wika sa akin.

“I don't k-know.. t-that—y-you.. can b-be ignored ..by a pa—parrot.” Ani ko habang hindi pa rin talaga mapigilan ang pagtawa.

Ang palangiti na si Ely, napikon ng isang animal na nagyayayang manood ng porn? Kakaiba!

“Makipag-usap kana muna d'yan sa dagang ‘yan. Sulitin mo na dahil inihaw at pulutan kana mamaya, mouse.” He walked out.

Sinulyapan ko pa saglit si mouse na sa malayo na nakatingin ngayon. Parang nakakaintindi talaga siya ah? Hinabol ko si Ely at dahil malalaki ang hakbang niya kesa sa akin ay kailangan ko pang takbuhin ang pagitan namin.

Hinawakan ko ang isa niyang kamay at pilit siyang pinatigil. “Galit kana n’yan?”

Seryoso niya akong tinignan at maya-maya pa’y nagpatuloy sa paglalakad. Nanatili ang hawak ko sa kamay niya kaya kailangan ko talagang sabayan ang malalaki niyang hakbang.

Narating namin ang main door ng farmhouse. May kukuhanin siya sa bulsa kaya pilit niyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak.

“Ely naman e. I’m sorry.”

Nilingon niya ako at kagat-kagat niya ang pang ibabang labi na tila pinipigilan ang kung ano.

“You what?” nanunubok niyang tanong.

“I said I’m sorry.”

His eyebrows raised. “Galit ka?”

“No. I’m sorry.”

He smirked. “Okay accepted. You looked worst,” he laughed.

Hinayaan ko na siyang magsalita ng salita tungkol sa itsura ko habang nagso-sorry kanina. Sabay kaming pumasok sa farmhouse at talagang na amazed ako sa loob nito.

Normal na bahay ang loob ng farmhouse na ito dahil kumpleto pa rin ang furnitures at more on wood furnitures sila. Dumiretso kami sa sala at naupo sa bamboo sofa na naroon. He opened the curtain on the right side of the living room by the use of remote. The scenery showed a forest from a far since it was mirrored.

“Nasaan mga kaibigan mo? I thought you all owned this house.”

“Papunta pa lang sila.” He looked at me. “Why? Are you bored? Wanna watch porn with me?”

Hinagilap ko ang throw pillow at ibinato ‘yon sa kanya. Throw pillow make sense.

“Mouse, is that you?” I joked.

Sinapo niya naman ang noo. “Fuck that parrot. Sino siya para yayain akong manood ng porn? Akala ba niya wala akong taste?”

I raised my eyebrow. “Eh ano bang taste mo?”

He smirked. He slowly bite his lower lip making it more pigmented. “Taste like heaven, baby.”

“Gago!”

“Hey! Stop cursing,” he shouted.

Mabilis niyang tinanggal ang espasyo sa pagitan namin. Bahagya akong napatili sa gulat ng buhatin niya ako at iniupo sa hita niya. Pinagdikit niya ang mga hita ko gamit ang maugat niyang kamay na humawak sa mga tuhod ko.

“Don’t want to hear curses from you. Hindi magandang pakinggan and curses is not suitable for young children.”

My brow arched. “Mukha ba akong 7years old sa’yo?”

He laughed mockingly. “Not 7 years old but a 7 months old. You're my baby, right?”

Dahil magkalapit na magkalapit kami ay napakadali sa kanya na halikan ako. He slightly bow to reach my forehead. I can clearly feel his love when he kiss my forehead down to the tip of my nose. Lastly, his target was my lips. I chuckled when he quickly brush his lips to mine. Is this his way to teased me? Sorry Ely I’m not affected.

Tinitigan niya ang labi ko kaya pasimple ko iyong binasa. Ilang sandali ko ring kinagat ang pang ibaba kong labi. Nakita ko ang pag-igting ng panga. Hinawakan ko ang panga niya at dahan-dahan iyong trinace.

“Is it hard?” I smirked. “Let’s go for a walk. C’mon Ely.”

“You're torturing me! You're making things hard for me. Particularly the matter between my thigh,” he said and swallowed hard after.

Tumawa ako at kipit matang mabilis na hinalikan ang labi niya saka tumayo.

“Can we go for a walk?” Tinuro ko ang likod ng salamin na kitang-kita ang mga puno na may bunga. “Punta tayo do’n. Wala pa naman sila eh.”

He took a deep breath. “Give me a couple of minutes.”

Naenjoy namin ang paglilibot sa farmhouse nila. Bawat puno na madadaanan namin ay may bunga, kaya bawat alis namin ay may bitbit akong prutas. Marami kaming nakuha at iba’t-ibang klase ng prutas ‘yon.

Nakaupo kami sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Patakbo siyang kumuha kanina ng pansapin at kutsilyo sa farmhouse kaya maayos na ang pwesto namin at parang nagpi-picnic.

Habang nagbabalat siya ng prutas, marami na rin kaming napag-usapan. Mga bagay na hindi pa namin alam sa isa't-isa.

“Seryosong seven years kanang nagtatrabaho sa quebec? Kumusta naman ang seven years?”

Iniabot niya sa akin ang hiniwa niyang pakwan na yellowish ang loob. Kinuha niya naman ang mangga na kinuha namin kanina.

“Paano mo malalaman na hinog na ang isang mangga?” nakakaloko niyang tanong.

Kumunot ang noo ko. “Siyempre pag iba na ‘yung kulay o kaya kapag medyo malambot na.”

He chuckled. “Wrong! Ganito, iharap mo sa mukha mo then sabihin mo ito, Mangga,mangga hinog kana ba? It will reply, Oo, oo hinog na ako if it is ripe.”

Seryoso ko siyang tinignan na ikinatawa niya naman. “Tumawa ka naman. Mapapahiya ako n'yan,” he requested.

Pilit akong tumawa saka siya hinampas. “Nililibang mo lang ako eh! So, how’s seven years?”

“ It was an emotional torture,” he smile sadly. “I even experienced hallucination that I heard the triplets call me and their laughs. It was my first two years ng maranasan ko ‘yun. Hindi ko pa kilala noong oras na ‘yun si maven tsaka si bella kaya mas naging mahirap para sa akin. Since bago lang ako no’n wala pa akong stable na communication sa kanila kaya mas nakakabaliw.”

After hearing that, it makes me want to hug him. Bago ko pa nga magawa ang gusto ko ay nakalahad na ang magkabilang kamay niya. “Hug me, baby. I’m sad.”

Sa pagitan ng mga hita niya ako pinuwesto saka niyakap ng sobrang higpit. Pilit niya ring isinubsob ang kanyang ulo sa leeg ko.

“Sorry about that,” I whispered.

Naramdaman ko ang pag-iling niya sa likuran ko. “No, it’s fine. At least now I have you.. that’s the most important and good thing happened to me.”

Glimpse on Celestial (Under Revision)Where stories live. Discover now