XVII

42 8 0
                                    

Nanginginig sa lamig ang katawan ko ng magising ako. Napakabigat ng pakiramdam ko. Para akong lalagnatin.

Saglit akong nanatiling nakahiga hanggang sa hindi ko talaga makayanan ang lamig. Tumayo ako upang makuha ang remote control ng aircon na nasa ibabaw ng study table ko. Hindi pa ako nakakarami ng hakbang ay agad akong nahilo at bumagsak sa carpet. Ano bang nangyayari sa'kin? Daig ko pa ang may hangover. Wala naman akong matandaan na uminom ako kagabi dahil magkasama kami ni elysian sa kanila.

Pagka-off ko ng aircon ay nagmamadali akong pumasok sa banyo. Naituon ko sa sink ang kamay ko ng maramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko ng makita ang repleksyon ko na napakarami rashes sa katawan.

Malamig ang kamay ko habang hinahaplos ang mukha at mga braso ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Matagal na ang huling beses na nagkaroon ako ng ganito. Napakarami kong pulang marka sa katawan. Tumungo ako upang tingnan ang hita ko at nadismaya ako ng makitang meron din ‘yung rashes at lantad na lantad ang mga iyon dahil sa suot kong velvet shorts.

Tinignan ko ang repleksyon sa salamin habang iniisip ang posibleng dahilan kung bakit ako nagkaroon ng ganito. Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ni auntie na sumisigaw sa labas. Kaya kahit nahihilo ay nagmamadali akong lumabas ng banyo upang mapagbuksan siya ng pinto.

Nahihilo akong nakasandal sa hamba ng pinto habang nag-aalala naman akong tinignan ni auntie.

“Allergies ba ‘yan? Naku! Halika nga rito.” Hinawakan niya ang braso ko at ginabayan ako pabalik sa kama. “Jusko, ang init mong bata ka! Pupusta ako, hindi mo na naman sinuri ang pagkain mo ano? Oh baka naman may iba kayong kinain noong sumundo sa'yo?” sumilay sa labi niya ang isang ngisi. “Lagot ka na naman kay ate niyan!”

Inalalayan niya ako sa paghiga at saka ako kinumutan. Naupo ito sa may gilid ko habang patuloy na sinusuri ang rashes sa braso ko. Napapailing ito kaya ipinailalim ko na lang sa kumot ang brasong iyon.

“Auntie stella, si mama po?” tanong ko kay auntie na ngayon ay nakaupo na sa harap ng salamin ko at isa-isang tinitignan ang nasa ibabaw ng lamesa. Hinanap niya siguro ang gamot ko roon.

“Sumaglit lang sa palengke, baka pauwi na rin ‘yun. Nga pala, nasa baba ‘yung lalaking sumundo sa'y—”

Napabangon ako dahil sa sinabi niya. Si elysian? Bakit? Anong kailangan niya?

“A-ah auntie sabihin niyo po w-wala ako. Tulog. Umalis. Please,” pakikiusap ko. Ayaw kong makita niya ako ng ganito!

Napalingon kami sa pinto ng biglang may kumatok roon. “Stella, lumabas kana d'yan. Hayaan mong makapag-usap ang dalawang bata,” boses iyon ni mama. Don’t tell me kasama niya na ngayon si elysian? Jusko! ‘wag naman sana!

Nakangising tumingin sa akin si auntie bago tumayo at mabagal na naglakad papunta sa pinto.

"Wala si klea, hijo. Tulog. Umalis," narinig kong boses ni auntie bago magsara ang pinto.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya mabilis akong nahiga at nagtalukbong. Pinakiramdaman ko ang paligid at tanging pagsarado lamang ng pinto ang narinig ko.

Akmang tatanggalin ko na ang pagkakatakip ng kumot sa ulo ko ng makarinig ako ng malapit na pagtikhim kaya mas lalo lamang dumiin ang pagkakapit ko sa kumot.

“Wala ka pala ah? Tulog at umalis," he chuckled a bit. "Hindi mo man lang ba ako sasalubungin? Namiss kita kahit kagabi lang tayo magkasama.”

Hindi ko alam pero tila na hypnotized ako ng mga salita niya kaya naibaba ko rin ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha.

Pawis na pawis siya at nag-aalala ang mata ng makita ko ito na nakatayo sa may pinto. Nang mahuli niya ang tingin ko ay malawak niyang ibinuka ang mga braso at parang naghihintay ng yakap.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum