VI

115 51 20
                                    


“Nethy! Ano na namang kabagalan ‘yan. Late na tayo.”

Kapwa kami nagulat ni nethy sa biglang pagdating ni duke. Ang kaninang atensyon ko sa tv ay nalipat kay nethy na hindi na magkamayaw sa pagmamadali. Napapailing nalang ako habang nakatingin kay nethy.

“Duke, maupo ka muna, matagal gawin ang perfect eyebrows,” I joked.

“Take your time, nethy, basta ikaw ang bahala magpaliwanag kay boss glen.” Nabaling ni duke ang mata sa bukas na tv at agad itong bumaling sa akin. “Hindi ko alam na hilig mo rin pala ang ganyang genre, klea. Revenge ng mga great survivors.”

Sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko ng marinig iyon sa kanya. Saglit akong natigilan dahil hindi ko alam na interesado rin pala siya sa ganoong genre. Hindi kaya—

“Klea—”

“Ah o-oo! Amazed ako sa kanila. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag,”

“Parehas tayo, I just describe them as majestically brave,” nakangiting wika ni duke at muling bumaling sa tv.

Napaisip naman ako, hindi kaya siya ‘yon? Pero impossible! Two years na kaming magkilala bakit hindi ko agad nalaman hindi ba? No, not him.

“Ano nga palang plano mo today?,” nethy asked. Niligon ko naman siya at napaisip. Ano nga bang gagawin ko ngayong araw? “Siguro, bibisita ako kay auntie kung nasa bahay siya, subukan ko rin pumunta sa amin.” Tumango naman si nethy at nagpatuloy na sa pag-aayos.

“Magtatagal ka ba?— I mean kasi kung maaga ka uuwi baka mabagot ka dito sa apartment kaya, plano ko sana ipahiram ‘yung laptop ko sa iyo para malibang ka. May ilang saved movies din ako roon, same genre,” duke uttered.

Napangiti naman ako roon dahil matagal na rin noong huli akong nanood. Karaniwan kasi pangpalipas oras ko lang ‘yun noong nag aaral ako saka pagbabasa ng libro ni rupi kaur, author ng ‘Milk and Honey’ pero simula noong nagkaroon na ako ng trabaho, hindi na ako nagkaroon pa ng libreng oras.

“Sure! Salamat agad, duke!,” masaya kong tugon. Natawa naman si duke sa naging reaksyon ko. “Look who’s excited,  duke. Time check, lagot tayo kay boss glen,” dagdag ni nethy na ngayon ay tapos ng mag make up at kasalukuyan namang may hinahanap. Nagpaalam saglit si duke dahil kukuhanin niya ang laptop na ipapahiram sa akin. Habang naghihintay kay duke ay inabot naman sa akin ni nethy ang susi ng apartment.

“Ayan, ikaw na muna bahala sa mansion ko ah. ‘Wag kana maglinis, hindi kita pinatuloy para maglinis lang. ‘Yung baby boy ko nga pala makikitingnan, independent naman ‘yun pero syempre kailangan pa rin ng guide.” Wika niya at tumayo papunta sa kulungan ni edzel. Bumalik ito dala si edzel at inabot sa akin. “and, kung matutuloy ka kay auntie just send my regards at! Wear clothes na matatakpan ‘yan,” turo niya sa leeg ko. “Baka mapagalitan kami ni duke. Ingat ka ha,” lumapit siya at bumeso sa akin.

Tumayi naman ako at sumunod sa kanya paglabas. Naabutan namin si duke na pababa ng hagdan dala ang laptop. Nang makita niya na hawak ko si edzel ay nagpaalam ito at sinabing ipapasok na niya sa loob.

“Ang fafa duke, effort kung effort. 5 points agad for duke!,” bulong ni nethy at tinusok ang tagliran ko. “Duke! Ano na namang kabagalan ‘yan. Late na tayo.”

Nilingon ko siya, “Linya ni duke ‘yan ah?.”

“Uso naman plagiarism ngayon ‘no,” tugon niya na kapwa namin ikinatawa.

Nang makalabas nga si duke ay wala na silang sinayang pa na oras. Pagkaalis ng sasakyan ay bumalik na ako sa loob at nagsimulang maglinis kahit sinabi ni nethy na huwag na.  Tinext ko rin si auntie at nang sumagot ito na nasa bahay siya ay kumilos na ako sa pagpunta.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Where stories live. Discover now