I

467 66 60
                                    

"Magkwento ka naman sa naging date niyo kahapon, klea."

Mapaklang bumaling ang mukha ko sa kanya. " 'Wag mo na akong tanungin, nethy." Nakita kong tumaas ang kilay nito ng marinig ang sinabi ko.

"Anong wag tanungin? So, lets forget about that, ganon? Eh hindi kana nga sumama sa amin ni duke para diyan sa lalaking yan tapos, hindi ka pa magkukwento! You pink catsup!"

Napabuga na lang ako ng hininga at sinamantala ko na ang pagkakataon na magkwento habang wala pang nagagawing shoppers sa lugar namin.

"Since Friday naman na, bakit hindi tayo mag-hangout after this 'di ba? What do you think, Kle? Duke?" Humarap pa ito sa akin at saka pinapungay ang kanyang mata habang ngumingiti para siguro mapapayag ako.

"Anniversary namin ngayon ni vien kaya, pass muna ako," ani ko at padabog ako nitong tinalikuran saka nagmamartsang pumunta sa gawi ni duke saka niyapos ang braso ng binata.

"Alam mo duke, since duke ka naman bakit hindi mo ako ihanap ng prinsipe 'di ba?" Nagsimula na silang maglakad palabas ng locker room.

"Kung ayaw mo naman ay ikaw nalang ihahanap ko ng duchess. 'Wag na nating kausapin 'yang mga may lovelife gaya ni klea."

Napapailing nalang akong natawa sa pinagsasabi ni nethy. Out na namin at kasalukuyan na akong naghahanda para sa date namin ni vien. Tinext niya ako kanina at doon niya sinabi kung saan ako susunduin. May kalayuan ito sa Mall na pinapasukan ko kaya kailangan ko magmadali.

Tumayo ako at akmang aalis na ng makita kong pabalik ng nagmamartsa si duke at neth. Bumaling ako sa dalawa para makapagpaalam na. Ngumiti at tumango naman si duke habang si neth naman ay mataray na nakatingin sa'kin.

Nang makalayo ako at palabas na ng department store ay narinig kong sumisigaw si neth kaya napalingon ako. "..Yung motel sa may Las Piñas may offer silang promo! And don't forget to record it.. i mean to use kapote---" Hindi na natapos pa ni neth ang mga bilin n'ya dahil tinakpan na ni duke ang bibig n'ya saka nahihiyang kumaway sa'kin.

Paglabas ko ng mall ay kaagad rin akong nakahanap ng taxi. Napasinghap na lang ako ng abutin kami ng mahigit na isang oras sa gitna ng traffic. Habang naiipit sa traffic ay sinubukan kong tawagan si vien para matanong kung nasaan na ba s'ya ngunit unattended ang cellphone nito.

Pasado alas syete na ako ng makarating sa tagpuan. Akala ko ay maaabutan ko na si vien doon na tila naiinip na dahil sa paghihintay ngunit mali ako. Walang vien na naghihintay.

Sinubukan ko ulit s'yang tawagan ngunit gaya kanina ay unattended rin ito. Napagpasyahan kong hintayin s'ya dahil baka gaya ko ay naipit rin s'ya sa traffic.

30 minutes...

1 hour...

2 hours...

Ang inabot ng paghihintay ko at hanggang ngayon ay wala pa ring bakas ni vien.

"Thirty minutes more, last chance." Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa aking wrist watch.

Para malibang ay kinuha ko muna ang cellphone ko sa bag. I first open my twitter account and posted some tweet. Wala akong nakitang update roon tungkol sa hangout kuno ni nethy kaya i went to my facebook account and my attention was capture by a single tagged post in vien's account. It has a picture of him having a bottle of liquor in hands with his friends at the background. He's look was like so drunk that he could barely walk.

Hindi ko na pinag-isipan pa na i off ang cellphone ko. Ilang ulit akong napabuga ng hangin dahil sa frustration.

"Seriously, s'ya pa talaga yung may lakas ng loob mang-indian? Pink na catsup s'ya! Bakit hindi n'ya sinabi sa'kin na kaya n'ya mag celebrate mag-isa," i hissed.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon