XXVI

55 7 2
                                    

Its been a couple of months since my first flight happened. Sabihin na nating maraming nagbago dahil ganoon naman daw talaga 'yun. I got to know him better and I'm now sure that my love is enough to marry him.

Mas naging busy ako sa sunod-sunod na flight habang si Ely naman ang naging taga-hatid at sundo ko. For two months gano'n lang ang naging set-up namin dahil wala pa siyang plano na bumalik sa canada kahit kailangan na siya do'n. Gusto niya kasi kung babalik siya ay kasama na ako which is hindi naman puwede dahil may trabaho ako dito. Kaya more on recording siya ngayon.

Pagkatapos magpaalam sa nakasama ko sa flight ay lumakad na ako palabas ng airport at pumasok sa naghihintay na sasakyan ni Ely.

"How's my baby?"

Humalik ako sa pisngi niya at saka bumaling sa backseat para kuhanin ang neck pillow at blanket na laging dala ni Ely tuwing susunduin ako.

"As usual exhausted. Kaninong fruits 'to? Galing ka sa farmhouse?" sunod-sunod kong tanong matapos makita ang Tupperware na may lamang iba't-ibang hiniwang prutas na nasa backseat rin.

"Uh yeah, naglinis kami dahil magbibirthday na si doctor kwak-kwak sa 14th." He glanced at the backseat. "Sa'yo 'yan pinabibigay ni Aj sabi niya siya pa raw mismo ang pumitas niyan," sagot niya saka ini-start ang makina ng sasakyan.

Papunta na kami ngayon sa bahay niya since mas malapit 'yun sa airport. Doon niya ako dinederetso kada sundo sa akin. Gusto kasi ni Ely na nakapagpahinga na ako bago umuwi sa mismong bahay namin.

"Wow! Saktong valentines birthday ni barci? Ang cool nila ni aj!"

Suminghap siya. "Anong kina-cool ng dalawang 'yon na wala sa Ely mo?"

"Madami--"

Namimilog ang mata niyang tumingin sa akin. "What?! So mas gusto mo na sila kesa sa'kin gano'n ba?"

Tumawa na lang ako at hindi na siya pinansin. Mabilis akong dumukwang sa backseat saka kinuha ang Tupperware na para pala sa akin. Inayos ko muna ang kumot na nakapatong sa kandungan ko bago ko inilapag ang Tupperware sa ibabaw.

Tuwang-tuwa akong kinakain ang prutas habang si Ely naman ay patuloy sa pagmamaneho at pasaglit-saglit na sumusulyap sa akin habang nakakunot ang noo.

Tinusok ko ng toothpick ang strawberry bits saka iyon dinala sa harap ng bibig niya. Nagulat ako ng hindi niya iyon pinansin.

"C'mon, Ely. Matamis 'to, swear!" pamimilit ko sa kanya.

Napangiti ako ng saglit niya akong tiningnan bago niya ibinuka ang bibig at saka kinain ang strawberry na nasa toothpick.

"Matamis naman di ba?"

Umiling siya. "Lasang baklang Aj."

Tumawa na lang ako. Ugali niya na 'yan at sanay na ako. He became very jealous whenever i talked about his friends at minsan ginagawa ko 'yung paraan para asarin siya.

"May recording ka pa ngayon?" pag-iiba ko ng usapan habang patuloy pa rin sa pagkain.

"Wala na. Moving pictures lang naman 'yun binosesan ko para sa bagong commercial kaya mabilis kong narecord. Why? May gusto ka bang gawin?"

Kinalabit ko ang balikat niya at pinakita ang wala nang laman na Tupperware.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Bitin kasi. Bisita tayo sa farmhouse."

"Sa bahay na lang, meron akong uwi  doon ka na lang kumain. Mapapagod ka lang sa pakikipaglokohan kay aj at barci kung pupunta tayo do'n saka you need to get some sleep." Nilingon niya ako saglit. "May flight ka pa ba bukas?"

Glimpse on Celestial (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon