XXVIV

63 9 0
                                    

Mugtong-mugto na ang mata ko hindi pa man ako nakakatulog. Humapdi na  rin dahil sa kakaiyak. Naglakas loob na ako na magpahatid kay Aj sa apartment na kanina lang ay pinag-uusapan namin kahit na sobrang nakakahiya na noon.

"I-text mo na lang ako 'pag kailangan mo ng kausap. Gotcha always!" Aj smiled weakly before he leave.

Nakakabinging katahimikan ang naabutan ko pagkapasok sa apartment. Maliit lang ito. Ilang hakbang nasa kusina na ako, nasa banyo at nasa kwarto na rin. Kung tutuusin studio apartment ito, ang maganda lang nasa loob talaga ito ng subdivision kaya hindi nakakatakot ang seguridad ko.

Nakaupo lang ako sa likod ng pinto habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung paano na ako pagkatapos nito.  Gulong-gulo ang utak ko sa lahat ng puwede pang mangyari.

Naihilamos ko na lang ang mga kamay ko nang maalala ang reaksyon ni Ely kanina. He looked shock, tired and hurt.

Sa ganito na ba kami magtatapos? This is mentally and physically exhausting!

I shook my head and tried to smile. Tama na ang iyak, klea. He'll be fine and you'll be fine also. You need to be fine. It was your decision after all.

Tumayo ako at nagtagal sa banyo. Pilit na nilunod ang sarili sa tubig na nagmumula sa shower kesa malunod ako sa lalim ng iniisip ko.

Posibleng may dahilan talaga siya kung bakit hindi niya agad nasabi pero bakit hinayaan niyang tumagal? Nagmukha akong tanga sa harap niya tuwing hinahanap ko siya! Tuwing tinatanong ko ang pagkakakilanlan niya kay officer jin. Kaya niya ba ginawa ang lahat ng ito dahil sa ako 'yung kawawang dalaga na iniligtas niya? What the fuck!

Hindi ko na alam kung paano ko pa siya kakausapin kung sakaling magkita kami ulit. Pero malabo na siguro iyong mangyari dahil baka mamaya o bukas ay umalis na siya at bumalik sa Canada.

Dahil sa sobrang tahimik ng paligid, mula sa loob ng banyo i can hear my phone beeped. Lumabas na ako suot ang natira kong malinis na damit na dala ko sa flight.

Umawang ang bibig ko nang marinig na tumunog ang doorbell. Dinaanan ko muna sa ibabaw ng kama ang cellphone ko para icheck ang pagtunog nito pati na rin ang oras. 9:32pm? Sinong mangangahas na magdoorbell ng ganitong oras?

Unknown number:

It's gwapong Aj! I ordered you dinner. Rest and let everything on its process. Have a good night :)

Bahagya akong napakurap bago ngumiti. This is too much, aj!

I got my new best friend to add on my list.

To: Aj

Salamat, aj. Babawi na lang ako sa susunod, ah? Last favor please.. check Ely if he was okay. Thank you!

Aj:

He's fine don't worry..

Napangiti na lang ako. Tinanggap ko na nga ang delivery at sinimulan iyong kainin. It was roasted chicken and mashed potato from a famous restaurant in town.

Nagsimula na akong kumain mag-isa. Hindi ko alam na gano'n magiging kalungkot 'yon dahil muli na namang namuo sa gilid ng aking mga mata ang butil ng luha.

Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng lamesa dahil sa naisip. Pero padabog ko rin 'yong ibinaba. I shouldn't text him. Fuck you, klea! Hiwalay na kayo! No need to ask if he's done eating dinner or not!

Para akong tanga na kinakalaban ang sarili ko. Nagagalit ako sa kanya pero mas nangingibabaw ang kagustuhan ko na manatili sa tabi niya at alagaan siya. Ang sakit nito sa ulo at sa puso. Nakakabaliw. What the fuck!

Glimpse on Celestial (Under Revision)Where stories live. Discover now