XX

48 8 0
                                    

Ang pilit kong isinasara na gate kanina ay muling nagbukas sa pagpasok ni Ely. Agad ako nitong niyakap mula sa likuran saka ipinahinga ang kanyang ulo sa balikat ko. Buong lakas kong inilalayo ang katawan ko sa kanya kaya mas lalo lamang niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

“Let me speak more. Let me explain,” he whispered.

“Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Malinaw na sa’kin, Ely. Kasalanan ko kung bakit ako napagkamalan na pickup girl! Dahil sa suot ko! Tama naman ‘di ba? Mukhang akong kabastos-kabastos sa short na ‘to. ‘di ba?”

Lumuwag ang pagkakayakap niya matapos marinig ang sinabi ko kaya agad akong kumalas sa pagkakayakap niya.Mabilis akong lumayo sa kanya at humakbang papalapit sa bahay namin pero agad niyang nakuha ang palapulsuhan ko at maingat akong hinatak.

“Shhh.. baby. That was not my intention, please. Let’s talk about this.” 

Napasinghap na lang ako at nagpatianod sa hila niya hanggang sa dalhin niya ako sa harap ng sasakyan niya at pagbuksan ako.

Kumunot ang noo ko. “Puwede tayong mag-usap dito sa labas ng sasakyan mo! Hindi ko na kailangan pang pumasok d’yan at sumama sa’yo!”

His eyes widened. “C’mon, baby, let’s talk in private.”

Fine! Mag-uusap lang kailangan pang private. Dami ring arte ng isang ‘to! Hinintay niya akong makasakay bago siya umikot sa driver’s seat.

“Put on your seat belt,” mataman niyang sabi.

“Mag-uusap lang tayo! Bakit kailangan ko pang magseatbelt, huh?”

Ilang saglit siyang napabuntong hininga at binuksan ang isa pang butones ng suot na polo na tila naubos na ang pasensya niya sa akin.

“Damn! You're making things hard,” aniya saka lumapit sa akin at siyang nagkabit ng seat belt ko.

Hinayaan ko lang siyang magdrive. Bahala siya. Gusto niya magpaliwanag tapos hanggang ngayon hindi pa rin siya nagsasalita. Saan niya ba ako planong dalhin?

Humalukipkip na lang ako at inabala ang sarili sa mga nadadaanan sa labas ng bintana. Napasulyap ako sa kanya ng ipark niya ang sasakyan sa harap ng isang grocery store.

Suminghap ako. Anong gagawin namin dito? So, dito niya kami gustong mag-usap? Ugok rin pala ‘to eh! Mas private pa sa labas ng bahay namin kesa dito.

“Ito pa talaga ang napili mong lugar para mag-usap—”

“Mamimili lang ako saglit ng stocks. Wala na kasing stock sa bahay ko.”

Umirap ako at matalim siyang tinitigan.

“Mag-uusap lang tayo, Ely! Anong koneksyon ng stocks mo?! Pinilit mo akong sumama sa’yo para samahan kang mamili ng stock mo? Gago ka ba?”

He sighed. “I'll be cooking some pasta for your mood to hush. Hindi ko gustong mag-usap tayo ng galit ka dahil walang magandang patutunguhan ‘yun.”

Kinagat ko ang labi ko. Pinisil ko rin ng sobrang diin ang mga daliri ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kumikirot ang puso ko. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya matapos marinig ang lahat ng iyon sa kanya. Hindi ko inaasahan lahat pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ikinagagalit ko. Sinisisi niya ang uri ng pananamit ko sa pangbabastos ng kaibigan niya!

Lumabas siya ng sasakyan saka umikot sa panig ko at pinagbuksan ako.

“It is not safe if I leave you here. So, join me inside. Let’s shop together even if you don’t want to,” he said in cold tone.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at maingat na hinatak papasok ng grocery. Siya ang kumuha at nagtulak ng shopping cart. Mabagal at walang gana akong naglalakad habang nasa akin ang atensyon niya.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Where stories live. Discover now