XXIV

50 7 1
                                    

Hindi mawala sa isip ko ang naging paraan ng pagyayaya niya ng kasal sa akin kahit na patuloy kaming nagkwekwentuhan habang umiinom sa roof garden ng apartment nila nethy kung saan may nightclub.

Hindi niya man lang sinabi na 'marry me, juliet.' Oh 'di kaya'y sa harap man lang nang nakakakilala sa akin niya hiningi ang kamay ko. Nakakaasar! Walang-wala sa pantasya ko!

"You know what Elysian, akala namin hindi na magkaka boyfriend 'yan kasi hindi niya siguro pinasa 'yung chainmail sa sampung katao noong kabataan niya. Kaya, ayan akala namin she's under seven years of bad luck," ani nethy habang nakasandal sa dibdib ni chandler. 

Kumpleto kami ngayon. Maging si thyna na umuwi sa bahay niya ay nagawang lumuwas ng malaman na magpapakilala na ako ng fiance.

Kung ang iba ay masaya tuwing magagamit ang salitang 'yon, ibahin niyo ako. Pakiramdam ko ay naglaro lang kami at nanalo ako. Bilang premyo, matatanggap ko ang singsing! Gano'n na 'yun. Yeah, we're engaged. That's all.

Diretso kong ininom sa bote ang beer na kabubukas lang ni duke. Bahagya ng umiikot ang paningin ko pero kahit ganoon ay malinaw pa naman ako mag-isip.

Sinulyapan ko si Ely habang patuloy na nakikipagkwentuhan sa kanila. Iba ang ningning sa mukha niya ngayon habang kaharap ang mga kaibigan ko. Mukhang gustong-gusto niya ngang makilala ang mga ito.

Inagaw sa akin ni Ely ang beer at saglit akong matalim na tinignan.

"Puwede ba namang tumanda mag-isa ang dalagang 'to?" Inakbayan niya ako at inilapit pa lalo sa katawan niya. "Matagal ako mo akong hinintay 'no?"

Asiwa akong ngumiti at saka muling inagaw ang beer na nasa kamay ni Ely. Inubos ko na iyon at saka tumayo.

Mabilis naman akong napakapit sa balikat ni Ely ng makaramdam ng hilo.

"Are you okay?" tanong niya.

Tumango naman ako at umayos lang tayo. "Cr lang ako. Tapusin niyo na 'yan, alas dos na mga catsup kayo!"

Pagewang-gewang akong naglakad hanggang sa marating ko ang banyo. Marami akong isinuka at halos ituon ko na ang  kamay ko sa gilid ng sink dahil sa sobrang pagkalambot. Hindi talaga ako malakas sa inuman at hindi kailan man magiging malakas dahil hindi ko naman pangarap 'yon.

Napaayos ako ng tayo ng may dalawang babaeng pumasok. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Not surprisingly, spotted na naman sa nightclub si Elysian," ani ng babae na nasa tabi ko at naghuhugas ng kamay.

"Sino ba 'yun?" sagot ng kasama nito na nasa loob ng cubicle.

Gulat akong lumingon sa kanila. Masyado na akong chismosa pero wow! Seryoso ba? O baka naman kapangalan niya lang. Tama baka kapangalan lang.

"Outdated kana talaga! 'Yung kasama sa world's 10 eligible millionaire bachelors! Si Jauis Galvantes. Check him, mababaliw ka sa features--"

"Excuse me?" sabad ko sa pagkukwento niyang nasasamahan na nang pantasya.

Nakangiti siyang lumingon sa akin pagkatapos kumuha ng tissue.

"Ang hot niya 'di ba, miss? Naku! Napapag-iwanan kana, Carla! Narinig mo na ba 'yung kumakalat na issue na may dine-date siyang british supermodel? Naniniwala ka ba do'n, miss? Ako kasi hindi! Alam mo 'yun, alam kong hihintayin niya ako," malandi niyang sabi habang inayos ang tube niyang damit.

Napasinghap na lang ako. May boyfriend ang pinagpapantasyahan mo, miss! Sorry.

Pero kahit ganoon ay may pait pa rin akong naramdaman dahil mukhang hindi ko nga siya kilala. Ni wala nga akong ideya sa sinasabi ng babaeng ito. Bakit nga ba ako nahulog agad eh pangalan lang naman ang alam ko sa kanya.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Where stories live. Discover now