XVI

47 7 0
                                    

Niyakap ko ang braso ko dahil sa lamig na nararamdaman. Mahigit dalawang linggo na nga lang naman at pasko na rin. Kasabay kong naglalakad si mary papunta sa bus stop. Nagyaya kasi siyang magkita kami at pumunta ng mall dahil miss na rin naman ang isa’t-isa.

Habang kumakain kami nabanggit ni mary ang tungkol sa trabaho namin. Tila na scam pa daw ata kami dahil isang buwan na pero wala pa rin kaming schedule. Pero sila mexicana ay nagkaroon na ng flight. Napag-usapan rin namin ang tungkol sa larawan ko sa travel blog ni ParadisCéleste at doon ko nalaman na isa rin siyang fan ng travel blogger na iyon.

“Alam mo bang napasigaw ako ng makita ‘yung picture mo sa account niya. Gosh, slapsoil! nasa salon ako no’n. Nakakahiya!”

Tinignan ko lang siya dahil hindi ko rin alam ang ire-react ko. Miski ako  na may ari ng mukha na nasa picture ay nagulat rin ‘no.

“Alam mo nakakainis ka! I bet hindi mo siya kilala ‘no? ParadisCéleste, siya lang naman ‘yung blogger na nadadala at naipaparamdam sa follower niya na kasama kami sa trip niya kahit na mga larawan lang ‘yon.”

Ibinaba niya ang kubyertos at seryosong tinignan ang mga mata ko.

“Go and search about him and his fandom. You’ll find out how great his works was. Tapos ngayong kasali kana sa works niya hindi namin alam kung ipagpapatuloy pa ba namin ang pagkilala sa kanya.”

“Seriously, wala talaga kayong alam tungkol sa kanya? I mean about his personal information, where he lived, his age and his name,” tamad kong tanong.

Its been three-days after he posted my pictures at hindi man lang niya nagagawang magreply sa mga email namin. Naging usap-usapan ‘yon at nafeature pa sa news! Hindi ko na talaga alam gagawin ko kaya nagfile na rin kami ng kaso sa kanya, dahil sa paggamit niya sa mga larawan ko ng walang permiso. Naghihintay na lang ako ng update. Kung hindi siya makuha sa pag e-email edi papakuha ko na lang siya sa pulis. Letche siya!

“Based on theories sa France siya nakatira dahil more on his captions is in French form. About his age naman we don’t know pero based on his picture na kumalat sa social media, he looked late twenties and he have a good features. Gosh! Pero hindi kami sigurado kung siya nga ba 'yun."

Hinayaan ko na siyang magsalita ng magsalita at purihin ang lalaking ‘yon na hindi naman talaga nila kilala. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at sa kalagitnaan noon ng biglang tumawag si mama.

“Hello, ma—”

“Umuwi kana, klea. May date ka ngayon hindi ba? Nandito na ngayon at naghihintay sa'yo. Bilisan mo,” natataranta nitong sabi sa akin saka ibinaba ang tawag.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko at mag a-ala sais pa lang naman pero dahil tuwing mag papasko ay mas maaga kung magdilim kaya madilim na rin sa labas ng tanawin ko ito. Ang aga niya naman, nakakahiya! Pero ang sabi sa akin nina nethy ay 8:00 pm ‘di ba?

Nauna na akong sumakay sa bus dahil may nakalimutan pa raw bilhin si mary. Habang nasa biyahe hindi ko maiwasang hindi isipin kung paano ko na naman ie-entertain ang bago kong date dahil ani nila nethy special ito sa mga nauna. CEO kaya siya? O 'di kaya'y engineer?

Dahil nga wala sa main road at hindi madadaanan ng bus ang bahay namin ay kailangan ko pang maglakad papasok at natanaw ko na agad ang kotse na nakatigil sa harap ng gate namin. Bakit kaya hindi pa pinagarahe ni mama sa loob gayong may garahe naman, ‘pag ito na towed wala akong kasalanan ah.

Bago pumasok ng bahay ay nag-ayos na muna ako para naman kahit galing ako sa crowded na lugar ay mukha pa rin akong presentable at fresh. Pagkapasok ko ng bahay ay napansin kong hindi lang si mama at auntie stella ang nakaupo at naroon sa sala. Naroon din ang lalaking nakapagpalaglag ng panga ko.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Where stories live. Discover now