Chapter 29

710 19 0
                                    

Sea POV

"Hindi ka ba talaga sasama? Nakatanggap ka naman ng invitation ahh. Tsaka makikikain lang naman tayo dun tapos uwi na." Pagkukumbinsi ni Janna, ngayon kasi ang kasal ni Lucas.

Umiling ako. "Marami pa akong gagawin." Sabi ko at pinakita ang mga papel sa ibabaw ng table ko.

"Okay, aalis na ako. Magpapamakeup pa ako. Alam mo na dapat maganda ako."

"Sige, ingat kayo." Patay malisya kong sabi. Binalik ko ang mata sa pagbabasa ng mga papeless.

"Goodbye." Paalam niya.

Akmang lalabas na ito ng pinto nang. "Uhm... Janna pakisabi--- never mind. Ingat kayo." Pilit akong ngumiti at kumaway sa kanya.

Nang makalabas siya ng pinto napapikit ako. Sa totoo lang wala naman talaga ako masyadong gagawin, natapos ko na lahat kahapon.

Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip sa araw na ito. Gusto kong pumunta pero parang hindi ko kayang makita ang mangyayari duon.

----------

Lumipas ang ilang oras, inaliw ko ang sarili sa pagbabasa.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito, nagsend ng picture si Janna, nakabihis at nakamake up na ito. Nagreply nalang ako ng smiling face para alam niyang sinusuportahan ko siya.

Lumipas ulit ang kalahating oras, palakad lakad ako sa opisina tila hindi ako mapakali, wala ako sa sarili habang malayo ang tingin.

"Ma'am coffee po?" Napatingin ako kay Pat na pumasok sa opisina ko. "Napapansin ko po kasi na hindi ka mapakali. Baka lang po makatulong."

Alam ni Pat ang paborito kong coffee, dinadalhan ako nito kapag alam niyang pagod, inaantok at mainit ang ulo ko.

"Pat pwede bang magtanong?" Ngumiti ito at tumango. "Anong gagawin mo kapag yung taong minahal mo, magsesettle na like ikakasal na ganun?" Napatawa ako ng mahina. "Ano bang mga tanong ko. Never mind, go back to work."

"Taong minahal mo or taong mahal mo pa? Magkaiba po kasi yun Ma'am Sea." Huminga ito ng malalim. "Kapag minahal mo ibig sabihan past na po, pero kung mahal mo pa mula noon hanggang ngayon yun."

Napaisip ako sa sinabi niya, magkatunog na salita ngunit magkaiba ang ibig sabihin.

"Sorry po kung nanghihimasok ako, pero nakita kasi kitang umiiyak nung umalis yung lalaking kameeting mo last time."

"Nakita mo ako?" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito. "Mukhang tama ang kutob ko Ma'am, bakit hindi niyo po sabihin sa kanya ang tunay mong nararamdaman?" Sagot niya.

"Kasi nahihiya ako, na baka magkaiba na kami ng nararamdaman sa isa't isa."

"Bakit hindi niyo itry? Atleast kung sasabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman makakahinga kana, bahala na siya kung ano ang magiging desisyon niya." Napahilamos ako sa mukha. "Wala kang pagsisisihan sa huli kasi alam mong sinubukan mo Ma'am Sea."

Napatingin ako sa orasan. 'Tama siya, bakit hindi ko subukan? Wala namang mawawala sakin diba?'

"I think your right. Thank you." Sabi ko at patakbong lumabas ng opisina.

'Ayokong sisihin ang sarili ko pagdating ng panahon kasi wala akong ginawa. Masasaktan man ako sa posibleng desisyon niya atleast alam niyang pinaglaban ko siya.'

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon