Chapter 27

639 18 0
                                    

Sea's POV

"Pssstt! Tulala ka diyan girl?" Napabalik ako sa katinuan nang kalabitin ni Janna. "Inggit ka noh? Gusto mo magbaby o type mo yung Daddy? Haha."

Huminga ako ng malalim, para pala akong tanga na nakatingin sa mag-ama sa harapan ko.

"Sorry, may naalala lang ako."

Mula daw nang bumalik ako dito sa States para na akong lutang, laging nakatulala at hindi interesado sa ginagawa.

Pumasok ako sa opisina. Napakamot sa ulo nang makita ang mga bulaklak sa lamesa.

"Andami na namang kalat, kung magtayo nalang kaya tayo ng flowers shop tutal araw araw namang puno ang opisina mo ng bulaklak." Pagbibiro ni Janna ngunit wala ako sa mood na makipagbiruan sa kanya.

Bigay ito ng mga secret admirer ko, mga kaibigan at yung mga taong natulungan ko bilang pasasalamat. Hindi ko ito tinatapon kasi alam ko naman na may halaga ito.

Pumasok ang secretary ko. "Ma'am Sea, may nagpapabigay po ulit."

"Naku! Wala nang paglalagyan. Iuwi mo na yan Pat." Singit ni Janna ngunit pinigilan ko ito.

"Wait! Akin na." Tiningnan ko ito ng maigi, hinanap ko ang card upang malaman kung kanino galing. "Pat yung post card?"

"Wala pong post card Ma'am, iniwan lang yan ng lalaki. Ibigay ko daw sayo."

"Nandiyan pa ba siya?" Tanong ko.

"Kakaalis lang p---." Hindi ko na ito pinatapos na magsalita at mabilis na lumabas ng opisina ko.

Lumingon ako sa kanan at kaliwa, nagbabakasakali na tama ang kutob ko. Si Lucas lang ang may alam ng paborito kong bulaklak, mula ng dumito ako sa States wala akong natatanggap na ganitong uri.

At kung tama ako bakit kailangan niya akong bigyan ng ganito, para ano guluhin  ang buhay ko?

----------

Bumalik ako sa opisina, nasa second floor ang opisina ko at nasa first floor ang coffee shop. Ito talaga ang napili kong opisina para makita ang nangyayari sa shop, hands on ako sa negosyo dahil dugo at pawis ang inalay ko dito.

"Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka tumakbo buti hindi ka nahulog sa hagdan. Baliw ka talaga!" Nagaalalang saad ni Janna.

"Janna i can't focus, pwede bang ikaw na muna dito. Magpapahinga lang ako ngayong araw."

"Okay. Magpahinga ka muna, ako na ang bahala dito sa shop."

Ngumiti ako pagkatapos ay nagpaalam sa kanila.

-----------

Wala ako sa sarili na naglakad lakad hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras, medyo malayo na rin ang nilakad ko kaya binilisan ko nang bumalik, lumalamig na rin ang simoy ng hangin.

Akmang papasok na sa lobby ng condo nang may mapansing matandang babae, nahulog ang pinamili nitong prutas kaya tinulungan ko ito.

"Ako nalang po." Sabi ko sa matanda. Nagulat pa ako nang makita ito, sobrang ganda nito mukhang amerikana. "I mean---"

"It's okay. Pilipino rin ako, naiintindihan kita." Nakangiting sabi nito."Thank you sa pagtulong mo dahil diyan can i treat you coffee?"

"Uhm..." Pagdadalawang isip ko.

"Please. Hinihintay ko rin ang anak ko, para naman hindi ako maboring." Napatango nalang ako, nahiya narin kasi ako sa matanda.

Dito kami nagcoffee sa tabi ng building ng condo ko. Maraming nakwento ang matanda habang tumatagal mas lalong gumaganda ang mukha nito tila isa siyang model noong kapanahunan.

"Alam mo kasi hindi talaga ako nakatira dito, nagaway lang kami ng asawa ko kaya tumuloy muna ako dito sa anak ko."

Napatawa naman ako sa sinabi niya, iba talaga kapag masaya ang lovelife nakakabata.

"Ikaw ba may asawa kana?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi ko pa po nahahanap eh, hindi ko nga alam kung mahahanap ko pa siya."

"Oh noh! Nakakalungkot naman yun. Hindi kana bumabata, kailangan mo ng magasawa. Gusto mo ipakilala kita sa anak ko?" Masaya niyang sabi. Mukhang magiging bugaw pa ito. Hahaha.

"Naku! Wag na po, hindi rin ako ready sa mga ganyan."

"Nasaktan ka siguro ng sobra. Tama ba ako?" Dahan dahan akong napatango. Hindi ko naman kailangan magkunwari dahil hindi naman ako lubusang kilala nito. "Kami rin ng asawa ko ang dami naming pinagdaanan na ganyan, nasaktan niya ako, nasaktan ko siya pero tingnan mo naman kami. Going strong with four children."

Ganito ba talaga kapag matanda ang daming tanong at kwento? Pero atleast nakakalimot ako, nakakaaliw itong magkwento.

"May naalala pa ako, muntikan na akong malunod sa dagat. May nagligtas lang sakin na mangingisda, akala ng asawa ko patay na ako pero mapagbiro talaga ang tadhana, ayon pinagtagpo ulit kami. Nakakakilig diba?" Tanong niya pa sakin."Kaya ikaw payong Lola hintayin mo nalang ang tadhana na pagtagpuin kayo, pero kung umabot kana ng 30 years old wag mo na siyang hintayin. Kilos na anak."

"Mom, kanina pa kita hinahanap. Dad is waiting for you. " Boses ng lalaki, tingin ko nasa 19 years old palang ito. "Sorry Ms." Hinging paumanhin ng lalaki.

"It's okay."

"Andiyan ang Daddy mo?" Tanong ng matanda. Tumango naman ang anak nito. "Papaalam lang ako. Mauna kana, dalhin mo ito." Binigay niya ang paper bag sa binata. "Ang tagal nating nag-usap, hindi ko pa alam ang pangalan mo."

"Sea po. Masaya po kayong kausap, hindi ko din namalayan ang oras." Nakangiting sabi ko.

Tumayo ito sa kinauupuan niya. "You know what, your so beautiful Sea." At may card siyang inabot sakin. "Thank you sa pakikinig kahit walang kakwenta kwenta ang pinagsasabi ko. Here's a token of our friendship." Lumapit ito sakin pagkatapos ay mahigpit akong niyakap na tila close na close na kami. "By the way i'm Green." Huling sabi niya bago naglakad malayo sakin.

Tiningnan ko ang card na binigay niya. It was a free accomodation of an Island.

Napatakip ako sa bibig tila nagflashback sa utak ko ang lahat, kung paano at saan kami nagkakilala ni Lucas.

"Excuse me!" Tinakpan ko kaagad ang dibdib ko, wala kaya akong bra.

"Sorry. Nakita kasi kita kanina, i'm thinking that your alone. Ako din kasi mag-isa lang, sobrang boring na boring na ako. Gusto ko lang ng may makausap."

"I'm sorry! Hindi ako nagpunta dito para makipag-usap or makipagkaibigan. Nandito ako para mapag-isa. Kaya tabi!" Pagtataray ko at patakbong bumalik sa cottage ko.

Kung paano binago ng isang Isla na nagngangalang Greenland ang buhay ko.

"Alam niyo po ba kung bakit Greenland ang pinangalan dito?"

"Dahil green yung lugar?" Pagbibiro ko dito.

"Hala! hindi po. Yung may-ari ng lugar ang nagpangalan dito. May usap usapan dito samin na noong unang panahon may magkasintahang Jay at Green na naninirahan sa Isla, sila ang nakabili ng lugar na ito."

Ganun ko ba kamiss si Lucas? Inaamin ko na halos hindi na ako makatulog sa nakita ko pero bakit ang unfair? Siya nakamove on na pero ako nandun parin kung saan iniwan ang puso ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and Comment.

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Where stories live. Discover now