Chapter 21

542 15 0
                                    

Sea POV

Masama ang pakiramdam ko nang tumayo sa higaan, nahihilo ako na tila gusto kong sumuka.

Bigla kong naalala na delayed pala ang period ko ng mahigit isang linggo na. Napahawak ako sa ulo, sana mali ang iniisip ko kasi hindi ko alam kong ano ang gagawin ko pagnagkataon.

Naisipan kong pumunta sa hospital para makasigurado. Naligo ako at mabilis na nagbihis.

Pagbaba ko sa sala sinalubong ako ni Mommy, nandito na naman pala ito sa bahay. "Goodmorning. Breakfast is ready." Nakangiting sabi nito pagkatapos sinuri ako. "May lakad ka?"

"Uhm... Yes Mom. May bibilhin lang ako sa mall namiss ko na din kasi mamasyal. Maglalakad lakad lang."

"Ganun ba? Gusto mo samahan kita?" Tanong niya.

"No need na po, promise mabilis lang ako." Pagkukumbinsi ko dito, naniwala naman ito.

Napansin ko ang bulaklak na hawak niya. "Mom? Who gave you that?" Nagtatakang tanong ko.

"Alin itong sunflower? Binili ko ito, napadaan kasi ako sa flowers shop ng kaibigan ko."

"Okay. I need to go. I'll see you later." Humalik ako sa pisngi nito bago umalis.

Nagdala ako ng kotse para hindi mahirapan, mabuti nalang walang traffic kaya mabilis ang byahe ko.

Habang naglalakad papunta sa clinic ng obgyne napahinto ako nang makakita ng dalagang may dalang sanggol. Malungkot ang mukha nito habang naglalakad ng magisa.

'Ayokong dumating ang panahon na matulad ako sa kanya. Paano kong buntis ako? Paano ang bata? Wala itong makikilalang ama, baka matulad ito sakin.'  Sabi ko sa sarili.

"Miss Fuentabelle." Napatingin ako sa nurse na tumawag sakin. "Hinihintay kana po ni Doc."

Pumasok ako sa clinic, binati ako ng doctor. Chineck up niya ako at tinanong kung anong mga nararamdaman ko. Mabilis lang ang naging check up sakin pagkatapos pinagamit ako ng pregnancy test.

Kasalukuyan akong kinakabahan habang naghihintay ng resulta. "Miss Sea Fuentabelle. Okay naman yung mga result mo and as per checking here. You are not pregnant." Sabi nito kaya nakahinga ako ng malalim pero sa kabilang banda ng utak ko parang nadissappoint ako.  "Siguro dahil sa astigmatism mo kaya sumasakit ang ulo mo sa umaga. May kilala akong magaling na eye doctor, he can help you. Gusto mo ba?"

"Sa susunod nalang po siguro Doc. Thank you." Nakangiting paalam ko bago umalis ng clinic.

----------

Tatlong linggo ang lumipas, ganun parin ang nagyayari bawat araw.

Nasa labas ng bahay si Lucas, sumisigaw nakikiusap na kausapin ako pero hindi ko ito pinapansin, hindi ako nagpapakita.

Umulan o umaraw hindi nito nakakaligtaan na pumunta sa bahay. Wala na rin nagawa si Daddy kundi hayaan ito, ilang beses na rin kasi itong dinala sa pulisya ngunit bumabalik parin. Sabi ni Dad hayaan nalang daw dahil mapapagod din ito.

Habang pababa ng hagdan narinig kong may kausap si Dad sa phone.

'Kamusta siya? Mabuti naman kung ganun. Thank you.' Binaba niya ang telephono pagkatapos ay huminga ng malalim.

Nilapitan ko naman ito para magtanong. "Dad, hindi ka pa ba uuwi, wala naman si Lucas ngayon."

Hindi nagpakita si Lucas ngayong araw, siguro napagod na. Sabi ko na nga ba pakitang tao lang ang ginawa niya, siguro natanggap na nila ang subpoena galing sa korte.

"Maya maya uwi na rin ako." Sabi nito.

"Okay po. Dad sino nga pala kausap mo kanina?"

"Lucas father." Nalilito akong tumingin sa kanya. "Nasa hospital daw kasi si Lucas."

"Po? A--anong nangyari?" Nakaramdam ako ng pagaalala ngunit hindi ko ito pinahalata.

"Nabugbog daw sa bar, matigas kasi ang ulo. Pagkatapos pala tumambay sa labas ng bahay natin, deretso sa bar ng kaibigan niya. Pinaginitan siguro ng mga kabataan."

"Uhm.. Akyat na ako Dad." Patay malisyang saad ko bago umakyat sa kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto biglang nagbagsakan ang luha ko sa mata, hindi dapat ako nagaalala sa kanya ngunit ito ako iniiyakan na naman siya. Pinilit ko nalang matulog para makalimutan siya.

Kinabukasan sumilip ako sa bintana. Mga ganitong oras nagaabang na siya sa harap ng bahay pero ngayon nang tingnan ko, walang Lucas na nagaantay.

----------

Ilang linggo ang lumipas, maayos na ang lahat. Nagsampa kami ng kaso sa pamilya Miller pati na rin sa mga kaibigan nito.

Next week ang hearing, wala narin akong balita kay Lucas, huling balita ko dito nang bugbugin ito sa bar.

Lucas POV

"Next week ang unang hearing, are you ready?" Napatingin ako kay Dad nang magsalita ito sa likuran ko.

"Yes Dad." Pilit akong ngumiti.

Tinapik niya ang likuran ko.  "After the hearing, pwede kang magsimula ulit." He said.  "I'll go ahead, your Mom is waiting." Tumango ako bilang sagot.

Napatingin ako sa malayo, nagstay ako sa rest house dito sa tagaytay.

Bigla kong naalala ang nangyari sa bar.

"Tigas naman ng mukha mo na kalabanin ako. Kilala mo ba ako? Ako kasi kilalang kilala kita " Mayabang na sabi ng lalaking hindi ko kilala.

"Wala akong pakialam sayo, bakit sino ka ba?"

"Yabang mo ah." Sinikmurahan ako nito, hindi ako gumanti napahawak lang ako sa sikmura. 'Lucas Miller. Tama? nakita kita dati kasama ng isang magandang babae. Mukha ngang masarap yung babae, girlfriend mo ba yun, paisa naman kami. Sigurado akong magugustuha--"

Hindi pa ito tapos magsalita nang bigyan ko ng malakas na suntok sa mukha. 'Hayop ka! Wag na wag mong idadamay dito si Sea. P*tangi*na mo!' Tila nandilim ang paningin ko dito, handa na akong makulong mabasag lang ang mukha nitong h*yop na to.

Inawat ako ng mga kaibigan nito at hinawakan sa kamay, nagpumiglas ako nung una ngunit malakas sila, isa lang ako laban sa lima.

Pinagtulungan nila ako hanggang sa nawalan ng malay.

Nagising nalang ako sa hospital. Iyak ng iyak si Mommy nang araw na yun. Muntikan na daw akong mapuruhan buti dumating si Alec, siya ang tumulong sakin.

'Anak Lucas, please magtira ka naman sa sarili mo.' Umiiyak na sabi ni Mommy. 'Ikaw nalang ang natitira samin ng Daddy mo, ikakamatay ko kapag mawala ka ulit.'

'Hindi kay Sea umiikot ang mundo, may sarili kang buhay. May umaasa sayo, may nagmamahal sayo. Please i'm begging you ayusin mo ang buhay mo Anak.' Dun pumasok sa isip ko ang lahat. Hindi ko napansin na nasasaktan din pala ang mga taong nakapaligid sakin.

Umikot ang buhay ko kay Sea to the point na kaya kong mamatay para sa kanya. Oo nalulungkot ako, nasasaktan but what if hanggang dito nalang talaga kami.

Lalaban siya sa karapatan niya, paano naman kami, hahayaan ko nalang bang ipakulong ang pamilya at mga kaibigan ko na hindi lumalaban.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and Comment.

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora