Chapter 9

635 22 3
                                    

Sea POV

Dahan dahan kong binuksan ang aking mata at napagtanto na nasa hospital ako.

May suwero ang kamay ko, hinanap kaagad ng presensiya ko si Lucas at nakita ko naman itong mahimbing na natutulog sa gilid ko.

Hinimas ko ang  gwapo niyang mukha kaya nagising ito.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" Ramdam ko ang pagod sa kanyang mga mata siguro dahil sa kakabantay sakin buong magdamag.

"I'm okay Lucas. Don't worry, you can leave now." Nahihiyang sabi ko, hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanya pagkatapos nang nangyari kagabi.

He sees me at my worst, I know that he will leave me too like my parents did.

"What are you saying? I will never leave you."

"Ayokong madamay ka pa sa problema ko, alam kong dissappointed ka sa pinakita ko kagabi, pero ganun talaga ako eh. Gusto ko mang ayusin ang buhay ko, gusto ko mang gumaling pero hina-hunting ako ng nakaraan ko."

Lucas has a perfect life at ayokong sirain ito nang dahil sa isang katulad ko.

I'm not normal. There's so much wrong with me, i have so many insecurities, so many what if's in my mind that no one can answer.

"I'm not gonna leave you. Mas kailangan mo ako sa panahong ito."

Biglang pumatak ang luha ko. "W---why Lucas? Naaawa ka ba sakin?"

Napailing siya pagkatapos ay humawak sa kamay ko. "No! I love you Sea, that is why i'm here. Hayaan mo akong tulungan ka kasi mahal kita." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi. "Hindi mo kailangan lumaban ng mag-isa, i can help you parehas nating harapin ang nakaraan mo."

Hinatak ko ang kamay niya upang mapalapit at mayakap siya. Gusto ko siyang itaboy nung una kasi akala ko naaawa lang siya sakin pero nang malaman ko ang tunay niyang dahilan tila nagbago ang isip ko.

Gusto kong panghawakan ang mga salita niya, magtitiwala ako sa kanya ng buong puso. Siya nalang ang natitira sakin, hindi ko kakayanin kapag pati siya mawala sakin.

"Thank you Lucas, thank you. I wanna go home, can we go home?"  Ngumiti siya at tumango, he kissed my forehead.

"Okay, i'll be right back, aayusin ko lang ang billing so we can go home na."

"Okay." Nakangiting sabi ko pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto

'Did my parents know about what happen?' Yan ang gusto ko pang itanong sa kanya.

Ngunit sasaktan ko naman ang sarili ko, alam ko naman ang magiging sagot nila, hindi na nila ako kailangan, they don't care about me, sabi nga ni Dad hahayaan na nila akong mabuhay mag-isa. At bilang anak yan ang pinakamasakit na narinig ko.

-----------

Nang makalabas sa hospital, mas naging maalaga si Lucas, hindi niya na ako pinapayagang lumabas ng mag-isa, kung lalabas man ako kailangan kasama siya.

Alam niya na ang lahat nang tungkol sakin, wala na akong maitatago sa kanya.

Nakwento niya na dumalaw si Tito Rim and Dr. Sanchez para kamustahin ako.

Sinabi ni Dr. Sanchez ang sakit ko at naikwento naman ni Tito Rim ang tungkol sa kaso.

Sabi ni Lucas siya na daw ang bahala sa lahat, sinabi niya rin sa Daddy niya at handa itong tumulong para mapabilis ang kaso.

Akala ko magbabago ang pakikitungo ng parents ni Lucas nang malaman ang sitwasyon ko pero mali ako. May mabuting puso ang pamilya niya.

----------

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Where stories live. Discover now