Tears of The Girl Named Sea

3.3K 62 2
                                    

Sea POV

Kasalukuyan kong dinadama ang sariwang hangin na tumatama sa aking balat, habang nakatingin sa magandang tanawin sa kalayuan.

"Madam sabi ni Tatang, malapit na tayo sa Greenland." Napatingin ako sa binatilyong nagsalita, nakatitig siya sakin habang nakangiti.

Ngumiti nalang din ako at tinanguan siya. "Alam mo Madam, ang ganda mo. Kaya lang kahit anong tago mo pansin ko parin yung lungkot niyo, nakikita ko sa mukha mo. Siguro po iniwan kayo ng boyfriend niyo. Naku! Wag niyong iyakan, marami ka pang makikita diyan sa tabi tabi."

Tinanggal ko ang suot kong shade at tumingin sa kanya. "Paano mo naman nasabi na iniwan ako ng boyfriend ko?" Tanong ko sa binata.

"Kasi karamihan sa nagpupunta dito, katulad mo. Iniwan ng boyfriend or girlfriend tapos heart broken." I sighed and shook my head. "Alam niyo po ba kung bakit Greenland ang pinangalan dito?"

"Dahil green yung lugar?" Pagbibiro ko dito.

"Hala! hindi po. Yung may-ari ng lugar ang nagpangalan dito. May usap usapan dito samin na noong unang panahon may magkasintahang Jay at Green na naninirahan sa Isla, sila ang nakabili ng lugar na ito. Mahal na mahal ni Jay ang kasintahan niyang si Green, isang araw nag underwater activities si Jay. Alalang-alala na raw ang kasintahan niyang si Green dahil malapit ng maggabi ngunit hindi pa ito nauwi, kaya ayon sinundan ni Green ang kasintahan niya sa dagat, dala dala lamang ang maliit na bangka. Sa hindi inaasahang paglalakbay, umulan raw ng malakas at kumidlat. Ayon hindi na nakita si Green."

"Samantala ang kasintahan niyang si Jay ay pauwi pa lamang ng kanilang tahanan, hinanap niya ang babae sa iba't ibang sulok ng kanilang bahay hanggang sa nagpatulong na ito sa ibang tao. Kweninto ng isa sa nakakita na pumalaot sa dagat ang kasintahan niya, halos gumuho ang mundo ng binata, hindi lang daw isa ang nawala sa kanya kung hindi pati ang magiging anak nila."

"Uy! Ikaw talagang bata ka, ano na naman yang kwento mo sa bisita? Pasensya na Madam." Hinging paumanhin ng matanda.

"Okay lang po Manong."

"Ganyan talaga yan, tuwing may bagong dating nagkwekwento ng kung ano ano." Sabi niya pa. "Ikaw naman, ayusin mo na ang dalahin ni Madam, malapit ng maghapon, kailangan natin makabalik kaagad sa bayan."

Tumango naman ang binatilyo at inayos ang mga dalahin ko, tinulungan niya rin akong makababa sa bangka.

"Madam sorry sa tatang ko ah, yun na kasi ang kinalakihan kong usap usapan dito."

"Wag kang maniwala sa mga usap usapang ganyan, there just tales."

"Tales po?" Tanong niya.

"Yeah, i mean alamat or kathang isip lang, hindi totoo." I said.

"Pero totoo daw po yun, sayang hindi ko natapos yung kwento. Istorbo kasi si Tatang." Hindi ko na ito pinansin at diretsong naglakad sa cottage ko.

"Madam wag po kayong maliligo ng gabi sa dagat ha. Baka makita niyo si Green diyan." Pahabol niya pang sabi, nilapag niya ang gamit ko sa harapan ng pinto.

"Thank you." Pagpapasalamat ko, tumingin ako sa paligid, wala akong masabi sa ganda ng lugar, tila para akong nasa ibang bansa katulad ng maldives, nasa harap lang ng dagat ang cottage ko kaya kitang kita ang ganda ng tanawin, tahimik din ang lugar at maaliwalas ang paligid.

May sampung magkakalayong bahay or kung tawagin cottage, lahat ito ay nakaharap sa dagat.

Umupo ako sa malaking sofa at huminga ng malalim. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at nilagay sa kabinet.

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Where stories live. Discover now