Chapter 3

737 22 1
                                    

Lucas POV

"Hi Mel, is my Dad there." Tinuro ko ang pinto kung nasaan ang opisina ni Daddy pagkatapos ay humarap ulit dito.

Si Mel ang secretary ni Dad, hindi ito sumagot at nakatulala lang sakin kaya umubo kunwari ako. Ano bang bago, ganito naman palagi, halos lahat ng babaeng nakakasalubong o nakakausap ko kulang nalang tumulo ang laway dahil sa kagwapuhan ko.

Hindi sa magmamayabang pero maganda talaga ang lahi naming mga Miller, nakuha ko sa british Mom ko ang matangos na ilong at sa Daddy ko naman ang kulay asul na mata dahil half american and filipino siya.

"Sorry Sir, nasa loob po ang Dad niyo. Actually his waiting for you." Nahihiyang sabi ng babae.

"Okay, thank you." Sabi ko at kinindatan ang babae, napatawa naman ako dahil halatang pigil na pigil ang pagngiti niya.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa opisina ni Dad.

"Dad."

"My boy." Masayang bungad ni Dad, lumapit ako upang magbigay galang sa kanya. "How are you? Did you enjoy your vacation?"

"Yes Dad, and guess what lahat ng alaala na kailangan kalimutan iniwan ko na dun sa Isla." Pagmamayabang ko, Dad knows everything about me. Mas malapit ako sa kanya kesa kay Mom siguro dahil parehas kami ng hilig gawin, like racing, basketball and golfing, si Mom kasi puro kadramahan sa buhay but don't get me wrong i love them both.

Isa din si Dad sa nagsuggest na kailangan kong magbakasyon para makalimot sa mga nangyari.

"Dad, may nakilala akong binibini sa Isla. It's sounds crazy but i think i'm inlove again."

"That's my son, ganyan nga anak, manang mana ka talaga sakin. Kailan mo naman ipakikilala ang babaeng sinasabi mo? Baka magulat nalang kami ng Mommy mo may apo na pala kami." Lumapit siya sakin at tinapik ang likuran ko.

"Hindi ko pa alam Dad, but promise po soon." Hindi ko na sinabi na hindi ko pa kilala ang babae, baka madisappoint siya.

Sa totoo lang, bilib ako kay Dad, he is our hero. Sa dami niyang ginagawa sa Company, ni minsan hindi siya nagkulang samin ni Mommy, even yung mga empleyado niya inispoiled niya.

We have our own Law firm, tumutulong kami sa mga taong my kaso na hindi gaanong nabibigyan ng pansin ng Gobyerno. Yes my Dad is rich but not me.

Alam ko na ako ang magmamana ng Law firm namin pagdating ng panahon, pero sa ngayon hinahayaan muna ako ni Dad na maenjoy ang buhay ko. Sabi niya nga bigyan ko daw muna siya ng maraming apo bago niya ipasa sakin ang Company, baka daw kasi kapag binata pa ako at pinasa niya ang Company hindi ako makapagasawa sa sobrang busy.

"Dad sige na. I have to go, magkikita pa kami ng friends ko." Pagpapaalam ko.

Sumeryoso naman ang kanyang mukha pagkatapos ay huminga ng malalim. "Okay, umuwi ka ng maaga because your Mom will cook dinner for us."

Tumango ako at lumabas ng opisina ni Dad, nakita ko si Mel na nakikipagkwentuhan sa ibang empleyado. Mukhang nagkwento na sa nangyaring pagkindat ko kanina.

"Bye Sir Lucas. Ingat po." Sabay sabay na sabi ng empleyadong babae.

"Bye girls."

----------

Dumiretso ako sa parking lot, kasalukuyan akong papunta sa BGC dahil duon kami magkikita ng mga kaibigan ko.

It's Romeo's bachelor party today, ikakasal na ang pinakag*go sa grupo. I can't believe na nagseseryoso din pala ang mga badboy na akala ko noon wala ng pag-asa sa buhay.

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora