Chapter 26

664 18 0
                                    

Sea POV

"Sige na please. Ako ng bahala sa lahat."

Napatawa ako sa boses ni Kean na tila isang batang nag-aalboroto. "Puro ka kalokohan, kapag nandiyan naman ako lagi mo ako inaaway."

"Hindi kaya. Kailan ka kasi uuwi?" Seryoso na ang boses nito, nung isang araw pa ako nito kinukulit. Tinatanong kung kailan ang uwi ko.

"Ilang beses mo nang tinatanong yan."

"Hindi naman kasi ako makakuha ng matinong sagot sayo."

"Basta i'll see you soon. Hahaha" Sabi ko tsaka tumawa ng mahina.

Alam kong asar na asar na ito at nakanguso na naman ang labi nito.

Kean came from a rich family, may sarili silang hospital sa States. May tatlo siyang kapatid na babae minsan napagkakamalang bakla ito dahil sa maarte nitong pagkilos pero lalaki talaga siya at never daw magkakagusto sa lalaki.

"Okay, don't forget my pasalubong. I love you Sea." Malambing nitong sabi.

"Yeah. I need to go na, ingat ka diyan."

"Walang i love you too?" At narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Byebye na." Pagpapaalam ko bago ipasok sa bag ang phone ko.

'Hays! Puro ka kalokohan Kean.' Bulong ko.

Sweet si Kean, normal lang sa kanya ang pinagsasabi niya. Mabait din ito, hindi siya mahirap mahalan. Ideal man siya ng lahat ng kababaehan, sa una palang naming pagkikita tila gumaan kaagad ang loob ko sa kanya.

"Are you done talking to your friend?" Tanong ni Mommy sa gilid ko, binaba niya sa lamesa ang pinamili niya.

"Yes Mom." Sagot ko.

"I think his a good guy, iba ang ngiti mo eh."

"Si Doc Kean yun Mom, friend ko sa States. Yes, his a good guy, you should meet him soon."

"Okay." Kakaiba ang ngiti ni Mom parang may laman. "Nagorder na ako ng tea para hindi tayo maboring sa paghihintay sa Tito mo."

Kasalukuyan kasi kaming nandito sa coffee shop sa BGC, nagshopping kami pagkatapos nagdinner with Tito ang asawa ni Mommy.

Actually masaya silang kasama, nung una akala ko awkward pero nang makilala ko ito verry father material, hindi ko naramdaman na iba ako sa kanya, nakikita ko ang pagmamahal niya kay Mom. Sayang lang kasi ngayon ko lang siya nakilala, edi sana dalawa ang Daddy ko noon

"Mom tell me about Tito. Saan kayo nagkakilala? Can you tell me your love story?" Curious kong tanong.

"Naku! Pang korean telenovela ang kwento namin ng Tito mo." Sagot niya na tila teenager na nginitian ni crush.

"Sige na Mommy, hindi ko pa alam ang love story niyo eh." Pagpupumilit ko dito. "Sige na please."

Nacurious lang talaga ako kung saan niya ito nakilala, kung anong una niyang naramdaman. Bakit kahit lagi silang nagaaway mahal parin nila ang isa't isa?

"Sige na nga." Huminga ito ng malalim. "Uhm... I first met him in highschool. Siya ang star player sa basketball and i was a simple girl na nagtranfer sa school nila."

"Wait! Highschool?" Pagsisigurado ko, kung highschool yun ibig sabihin hindi niya pa kilala si Dad.

"Yes. Binubully ako ng mga kaibigan niya because i was a new student, lagi niya akong pinagtatanggol to the point na muntikan na siyang mapahamak. Ewan ko ba basta dun nalang pumasok sa isip ko na i loved him at hindi ko siya kayang mawala sakin."

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن