Chapter 17

509 18 0
                                    

Sea POV

"Hintayin niyo nalang po si Sir dito, umalis lang po siya saglit." Sabi ng isa sa kasambahay nila Lucas.

Actually hindi talaga ako pinapunta ni Tito, may gusto lang akong itanong tungkol sa kaso ko. Nahihiya na rin kasi akong paulit ulit na magtanong kay Lucas.

Tsaka ang alam ko may problema sa kompanya nila, busy sa pagtatrabaho ang mga tauhan nito, isa na dun si Lucas, kahit naman nasa training ground palang ito nakikita ko ang pagtitiyaga niyang matuto. He can be a good leader to their employees someday.

"Sige po. Nasaan nga po pala si Tita?" Tanong ko.

"Baka po nasa garden, sa laki ba naman ng bahay nila minsan nahihirapan akong hanapin sila. Hayaan niyo kapag nakita ko sasabihin ko nandito kayo." Sagot niya, tama naman siya, sa sobrang laki ng bahay nila Lucas may posibilidad na hindi sila magkita kita. "Iwan na muna kita." Pagpapaalam niya.

"Okay. Thank you."

Napangiti ako nang makita ang picture frame na nasa ibabaw ng lamesa, it was Lucas, sa tingin ko nasa 5 years old lang siya noong mga panahong yan. Gwapo na pala ito mula pagkabata kaya habulin ng babae at binabae. Namiss ko tuloy kaagad siya kahit na kanina lang magkasama kami.

Ring ring ring

Tito Rim is calling. "Hello Tito."

"Hi Sea, how are you?"

"I'm good po. What about you? How's Tita Mildred?" Pangangamusta ko, si Tita Mildred ang asawa nito, ang alam ko nasa bakasyon sila ngayon. Bakit kaya ito napatawag?

"Were good. By the way, napatawag lang ako to congratulate you. Nakasalubong ko si Dr. Sanchez and she told me that your okay na daw. I'm so proud of you, sabi ko na nga ba your a brave girl."

"Thank you Tito. I really appreciate it. Sorry nakalimutan kong ikwento sayo."

"It's okay, i need to go na. Take care, i'll see you soon." Pagpapaalam niya.

"Yes po, ingat kayo diyan. I'll see you soon." Pinatay ko ang tawag at pinasok ang phone sa bag ko.

Thanks God, tuluyan na akong gumaling sa sakit kong bipolar disorder at thank you din kay Lucas who always taking care of me and motivate me everyday. His my angel.

----------

Nilibot ko pa ang aking paningin, nakakamangha ang interior design ng opisina ni Tito, kakaiba ito na tila dinadala ako sa kapanahunan.

Ilang minuto ang lumipas nang maisipang magbasa ng times magazine na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

Nang kunin ko ito hindi sinasadyang makasama ang mga papeless na nandito. "Sh*t! Nagkalat pa ako." Mahinang bulong sa sarili, bara bara kong pinulot sa sahig ang mga papel nang may mapansing documento tungkol sa dati kong mga abogado.

Binasa ko ito at dahan dahang napahawak sa bibig, yung mga abogadong umasikaso sa kaso ko, nagtatrabaho pala ang mga ito sa lawfirm nila Lucas.

"Oh God! Anong kinalaman niyo sa kaso ko?" Tiningnan ko ang date nito, hindi pa kami magkakilala ni Lucas noong mga panahong yun.

Napapikit ako. 'Gusto ko ng sagot sa lahat ng katanungan ko.' Nakita ko ang litrato ko, ni wave at ng pamilya ko. Nakasaad lahat dito kung magkano ang binayad nila sa abogado upang baliktarin ang kaso ko.

'Bakit nila ginagawa ito?' Wala sa sarili na tanong ko, hanggang sa nakita ko ang picture ni Lucas kasama ang mga kaibigan nito. May date na nakalagay dito, ito yung araw na hinarang kami ng kapatid ko tandang tanda ko pa. Yung background nila sa playground ng village namin, yung suot nilang lahat tila nagtutugma sa nangyari samin dati. Ang ikinabigla ko ang nakasaad sa papeless na hawak ko ngayon.

Nabitawan ko ito. "S--si Lucas!" Sunod sunod na pumatak ang luha ko sa mata pagkatapos ay umiling. "Hindi! Hindi totoo." Pagkukumbinsi ko sa sarili tila namanhid ang buo kong katawan.

"Ahhh... Hindi! Manloloko kayo!" Sigaw ko at mabilis na lumabas ng opisina.

----------

Wala ako sa sarili habang naglalakad palabas ng elevator.

Binuksan ang pinto sa condo ni Lucas, nakapatay ang ilaw dito hudya't na hindi pa siya nakakauwi.

Tumingin ako sa paligid, sa bawat sulok ng kwartong ito, may magandang alaala kami ni Lucas na akala ko madadala ko habang buhay ngunit mali ako tila nandidiri ako sa sarili tuwing pumapasok sa utak ko ang ginagawa namin.

Kinuha ko ang malaking maleta pagkatapos pinasok ang lahat ng gamit ko. Wala ng saysay para manatili pa dito.

"S--sea." Boses ng lalaking kinamumuhian ko. "What are you doing? Please let me explain."

Huminto ako sa ginagawa ko at galit na humarap sa kanya. "Explain? Hindi pa ba malinaw ang lahat ng nalaman ko. May idadagdag ka pa ba?"

"Sea?"

"Lucas minahal kita, binigay ko ang lahat. Nagtiwala ako sayo, iniwan ko ang pamilya ko, pinili kita kasi akala ko hindi mo ako lolokohin, hindi mo ako sasaktan, akala ko mahal mo ako." Sabi ko kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking pisngi.

"Mahal kita Sea." Umiiyak na sabi niya.

Dahan dahan akong umiling. "Sinungaling ka! Hindi mo ako mahal, kasi kung mahal mo ako hindi mo ako lolokohin, hindi mo ako gagawing tanga. Pare parehas lang kayo ng pamilya mo, ng mga kaibigan mo, binilog niyo lang ang ulo ko." Akmang lalapitan ako nito nang malakas ko siyang sampalin.

"Paano ka natutulog sa gabi? Hindi ka ba tinutugis ng konsensya mo? O sadyang wala kayong konsensya? Ano sumagot ka! Put**gina!"

"I'm sorry. Hindi ko alam na --- "

"Hindi mo alam? Tingin mo maniniwala pa ako sayo ha? I f*cking hate you, your such a f*cking sh*t, a liar. Nandidiri ako sayo." At pinaghahampas ang dibdib nito, pilit niyang inaawat ang kamay ko pero hindi ako nagpatinag, tinuloy ko lang ang pagsuntok sa dibdib niya.

"Hurt me Sea, punch me. Para mabawasan yung sakit. Tatanggapin ko lahat, mapatawad mo lang ako."

"Why? Bakit ikaw pa Lucas? Sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit ikaw pa?" Napaupo nalang ako sa sahig nang makaramdam ng panlalambot ng tuhod.

Niyakap ako nito. "I'm sorry, sorry hon." Paulit ulit niyang sabi.

"Bitawan mo ako! Ayoko na, itigil na natin ito."

"I'm sorry Sea. Please forgive me, mahal na mahal kita." Parang bata niyang sabi habang umiiyak.

Umiling ako pagkatapos ay malakas siyang tinulak. "Wala na akong maramdamang pagmamahal sayo, kinamumuhian kita. Sana hindi nalang kita nakilala!"

"Please, i can't live without you Sea."

Hindi ko ito pinakinggan at pinunasan ang luha sa mata pagkatapos hinatak ang maleta palabas ng condo niya.

----------

Nang makapasok sa sasakyan, pinaghahampas ko ang manibela, nagbabakasakaling mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

'Wala na akong pamilya, wala nang Lucas, wala nang natira sakin.'

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan, malakas ang buhos ng ulan, malabo ang windshield pati na rin ang mata ko na walang tigil sa pagpatak ng luha.

Mahigpit kong hinawakan ang manibela, mas binilisan ang takbo ng sasakyan hanggang sa makarinig ng malakas na busina at nakakasilaw na ilaw sa daan.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and Comment.

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon