Chapter 25

638 20 0
                                    

Sea POV

After 3 years

"Ohh ito na frenny. Ako na gumawa para hindi ka na mahirapan." Napangiti ako nang matapos ni Janna ang pagarrange ng bulaklak sa lamesa.

Kakauwi ko lang sa Pilipinas pagkatapos ng tatlong taong pagsisikap, sa awa ng Diyos nakapundar ako ng sariling coffe shop.

"Wait, tumatawag si Hobby ko." Natawa ako sa sinabi niya, kinikilig ang gaga. Akala mo talaga matagal itong hindi nagkita, eh may binili lang naman ito sa labas.

Si Janna ang naging kaibigan ko mula nang nanirahan ako sa States. Filipino rin ito katulad ko kaya siguro magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Siya ang tumulong sakin magadjust sa cultura nila.

He also may business partner sa clothing line, actually silang dalawa ng asawa niya. Architect ang asawa nito, mabait at maitsura dahil narin sa lahi nitong amerikano.

"Darating na ang mga inorder nating pagkain. Ako na ang aasikaso, maligo kana at magpalit ng damit. "

"Sige sige. Thank you." At mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Kung tatanungin niyo kung kanino itong bahay, walang iba kundi sakin. Mula ng magsimula ang bussiness ko, dito ko na inenvest ang lahat ng pera ko. Wala naman din akong pagkakagastusan kaya bumili ako ng bahay at pinarenovate ko.

Mabilis akong naligo at nagbihis para makatulong sa baba.

"Ako na diyan frenny, maligo ka na rin."  Sabi ko at kinuha ang hawak nitong plato.

"Ayan ha! Yung iba tapos ko na. Akala ko pa naman bakasyon namin ito ni Hobby, mukhang gagawin mo akong tagalinis dito sa bago mong bahay." Natatawang sabi niya.

Sumama kasi sila dito sa Pilipinas para magbawas ng stress at mamasyal.

"Hahaha hindi noh. Sige na't ako na dito."

Ginitna ko ang bulaklak sa lamesa. Hindi ko matanggal ang ngiti sa aking mukha, excited akong makita ang mga kapatid ko kay Dad.

Kasama sana sila Mommy ngunit nasa Japan ito, sa susunod na araw pa ang balik nila.

----------

Ding dong...

"Nandiyan na sila. Let's go." Masayang sabi ko.

Pagbungad palang sa pinto sigawan ng mga bata ang narinig ko. "Ate Sea. Namiss kita." Sabi ng panganay na babae at lalaki.

Yumakap naman ang bunso sakin. "Ate Sea. Mish you."

"I miss you too. How's your teeth?" Natatawang tanong ko, pinakita niya ito sakin.

"Verry good po." Sagot niya, kamukhang kamukha siya ni Wave.

"Dad and Tita. How are you po?" Tanong ko pagkatapos yumakap sa kanila.

"Were good. How about you?" Nakangiting tanong nila at inabot ang dalang mango graham. "Nagdala kami ng dessert."

"Wow, looks yummy. I can't wait to taste it." Sabi ko.

Ang gaan sa pakiramdam na makasama ulit ang pamilya ko, nakilala ko na sila 1 year ago nang maisipan nilang dumalaw sakin sa States.

Noong una nahihiya ako para bang ayokong makisali pero noong tumagal na kusa nalang gumaan ang loob ko sa kanila. Hindi ko alam kung kailan o saan.

"Dad and Tita. This is my friend, business partner/crime Janna and her husband."

"Nice to meet you po." Pagbibigay galang ng dalawa.

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Where stories live. Discover now