Chapter 16

511 17 0
                                    

Lucas POV

"Your spacing out again hon." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Sea.

Napabuntong hininga ito at tumayo sa kinauupuan niya, kinuha ang plato niya pagkatapos ay nilagay sa lababo.

She looks upset. "I think your done eating too." Sabi niya at kinuha ang plato ko kahit may laman pang pagkain.

Hindi pa ako tapos kumain, i mean wala akong gana kumain. It's been 3 days mula ng pagkikita namin ni Alec, hindi ko maiwasang magisip, paano kung balikan ako nito? What if sabihin niya kay Sea ang lahat? Hindi ko kaya! Kilala ko si Alec noon, alam kung hindi siya ganito, siya ang pinakatahimik sa grupo, siya ang binubully namin pero tila nagbago ang paguugali nito mula nang tumira sila sa America. Hindi ko na siya kilala, hindi na siya ang kaibigan ko.

Para akong mababaliw sa dami ng tanong na pumapasok sa isip ko.

"Alam mo Lucas, nakakainis kana! Bakit ka ba nagkakaganyan? Your acting so weird, is that because of your friend Alec?" Bakas sa mukha nito ang labis na pagkainis. "Nakokonsensya ka ba sa ginawa mo?"

Napalunok ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "W--what are you talking about?"

"You puched him in the face. Duh! Your so f*cking weird." Nalilito itong tumingin sakin bago padabog na pumunta sa kwarto.

Ako naman ay nagpunta sa Cr, huminga ng malalim at humarap sa salamin.

'Umayos ka Lucas, makakahalata si Sea sa ginagawa mo.' Sabi ko sa sarili, naghilamos ako ng mukha upang mahimasmasan ng konti. 'Act normal, stop thinking. Kailangan mong bumawi sa tatlong araw na pagkalutang mo.'

Tinawagan ko ang driver ni Dad upang magpabili ng cake na may nakalagay na Sorry and a bouquet of sunflower, sa paraang ganito mabawasan ang pagtatampo  sakin ng girlfriend ko.

Paglabas ko sa bathroom, sumilip ako sa kwarto nakita ko siyang nanunuod sa phone niya, halatang nagtatampo ito nakasimangot kasi siya habang nanunuod ng comedy.

Nakaramdam ako ng gutom kaya kumain ako ng natirang pagkain sa lamesa. Ako nalang din ang naghugas ng pinagkainan namin, sinipag din akong maglinis ng sala tutal may hinihintay rin naman ako.

30 minutes bago dumating ang pinabili ko, sigurado akong matutuwa si Sea nito, mababaw lang naman ang kaligayahan niya.

Inayos ko muna ang lahat bago pumasok sa kwarto, nakita ko itong mahimbing na natutulog. I kissed her forehead kaya tila naalimpungatan ito.

"Hon." Inaantok niyang sabi. "What's that?"

"I'm really sorry hon, gusto kong bumawi sayo." Puno ng sinseridad na sabi ko.

Napakagat naman ito ng labi pagkatapos ay ngumiti.  "Okay." Huminga ito ng malalim. "Kung nakokosensya ka sa ginawa mo kay Alec, you should talk to him, his your friend after all."

Ayoko ng magsalita na ikakagalit niya kaya dahan dahan nalang akong tumango kahit ang totoo ay hindi ko na ito tinuturing na kaibigan.

"Kain na tayo, i have a spoon here." Sabi ko at pinakita ang kutsara. Natawa naman ito. Arg... I miss her laugh.

Sabay kaming kumain. Kumuha rin ako ng vase na pinaglalagyan niya ng sunflower na binibigay ko. Mas gusto niya itong ilagay dito sa kwarto para daw lagi niyang nakikita.

Binuksan ko ang tv pagkatapos ay nilagay sa netflix.

"Lucas, can i ask you a question? Kamusta na ang kaso?" Tanong nito na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin kaya nagpatay malisya nalang ako.

"Wala pa akong balita pero itatanong ko kay Dad kapag nagkita kami next week. Anong gusto mong panuorin?" Pagbabago ko ng topic.

Tila nadesmaya naman ang mukha nito. "Kahit ano."

Huminga ako ng malalim, niyakap ko ito pagkatapos ay hinalikan sa labi bago pinaharap sakin. "Magiging okay ang lahat, wag natin madaliin hon."

"I know, gusto ko lang talaga makulong na kaagad sila. Hindi ako matatahimik hanggat alam kong nasa paligid ko lang sila."

Napalunok naman ako sa sinabi nito. "Don't think to much. Let's just watch." Humarap siya sa tv pagkatapos ay nanuod na.

Dalawang movie ang pinanuod namin bago mahimbing na nakatulog.

----------

"Yes sir, bagay na bagay yan sa girlfriend mo. Matanong ko lang po ilang years na kayo?" Tanong ng babae, nandito ako sa jewelry shop. Next week birthday na ni Sea, I need to surprise her, ito muna ang naisipan kong bilhin.

"Secret." Sagot ko sa babae kaya ngumiti nalang ito.

Gusto ko siyang surpresahin sa resort namin sa tagaytay, hindi pa ako nakakahanap ng pwedeng umasikaso nito. Gusto ko man magfocus sa surprise party para sa kanya ngunit hindi kakayanin ng oras ko.

"Sir ito po maganda rin, sale po siya ng 50% off pure gold, for only 85k."

Maraming problema sa companya ngayon, kahit naman nasa training ground palang ako, i need to be responsible as much as possible kung kaya kong lutasin ang problema tutulong ako. After all sakin mapupunta ang buong companya pagdating ng tamang panahon.

"Okay, dahil mahirap mamili, i'll buy this two." Masayang tumango ang babae, kumuha siya ng box na paglalagyan ng jewelry.

Bumili ako ng kwentas at singsing, hindi ko alam kung ano ang mas gusto niya kaya dalawa nalang.

Nagpapatulong ako kay Mommy sa pagpili ngunit hanggang ngayon hindi pa nagtext, baka busy rin ito ngunit hindi na ako makapaghintay na ipakita sa kanya itong nabili ko. Naisipan ko nalang na tumawag sa landline sa bahay para kahit papaano may sumagot.

Ring ring ring

"Yaya Mirna. Is Mom there? Kanina pa ako tumatawag at nagtetext sa kanya, hindi niya ako sinasagot."Tanong ko sa isa sa kasambahay namin.

"Yes Sir nandito po, hinahanap din siya kanina ni Ma'am Sea." Sagot naman nito.

"Sea? Nandiyan sa bahay si Sea?"

"Yes po, pinatawag daw siya ng Daddy niyo, eh umalis saglit si Sir kaya pinaghintay ko nalang muna sa mini office ng Dad niyo."

Tila nanlamig ang buo kong katawan sa narinig. "What? F*ck. Wheres Mom? Can i talk to her right now."

"Sige po hahanapin ko lang."

"Wag na, papunta na ako diyan." Sabi ko pagkatapos ay mabilis na tumakbo papunta sa sasakyan.

Nasa mini office ni Dad ang lahat ng papeless tungkol kay Sea, hindi niya pwedeng malaman ang totoo. Not today, not f*cking ever. F*ck! F*ck!  Pinaghahampas ko ang manibela at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and Comment.


Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon