Chapter 18

508 16 0
                                    

Lucas POV

"Bitawan mo ako! Ayoko na, itigil na natin ito." Tila gumuho ang mundo ko nang sabihin niya ang mga katagang yan.

"I'm sorry Sea. Please forgive me, mahal na mahal kita." Umiiyak na sabi ko.

Umiling ito pagkatapos malakas akong tinulak. "Wala na akong maramdamang pagmamahal sayo, kinamumuhian kita. Sana hindi nalang kita nakilala!"

"Please, i can't live without you." Pagmamakaawa ko, wala akong pakialam kung matapakan ang dignidad ko bilang lalaki, ang importante sakin mapatawad niya ko at bumalik sa dati ang lahat.

Tinitigan ko ang  kanyang mga mata, nagbabakasakaling may makitang tiyansa o kahit konting pagasa, ngunit bakit wala. Galit, sakit at pagkamuhi ang nakikita ko.

Ito na ba ang senyales na dapat ko nang itigil ang lahat ng ito? Ngunit paano naman ako, paano ang puso ko, hahayaan ko nalang bang masaktan. Inaamin kong nagkamali ako, tinago ko sa kanya ang lahat dahil alam ko na ganito ang mangyayari.

Hindi ako masamang tao, hindi ko ginusto ang mga nangyari noon, handa akong pagsisihan lahat pero hindi sa ganitong pagkakataon, handa akong isuko ang sarili ko sa kapulisan at aminin ang lahat pero hindi pa ngayon.

As i've said before, she still needs me. Gusto ko muna masettle ang lahat, gusto kong makita na okay siya, na masaya siya kahit na wala ako sa tabi niya.

"Lucas." Dahan dahan akong napatingin kay Dad at Mom na kasalukuyang nakatayo sa harap ng pintuan ng condo.

"S---she left me." Wala sa sarili kong sabi, lumapit si Mom sakin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"It's gonna be okay."

"No Mom, wala na siya. Iniwan na niya ako."

"Don't say that anak, she loves you." Mahinang bulong niya pagkatapos pinunasan ang luha sa mata.

"Kung nakita niyo lang yung pagiyak niya,  galit na galit siya, kinasusuklaman niya ako at hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako."

"Ito na yung karma ko Mom, ito na yun." Tila batang iyak ko, naninikip ang dibdib ko na parang bang ilang minuto nalang mawawalan na ako ng hininga.

Gusto kong magwala, gusto kong saktan ang sarili ko sa mga oras na ito pero hindi ko magawa kasi tila pagod na pagod ang pangangatawan ko.

----------

"Lucas stop drinking, you should eat. Magpapadala ako ng pagkain dito."

Napahilamos ako sa mukha, dalawang araw na ang nakakalipas ngunit parang kahapon lang ang mga nangyari.

Hindi ako makatulog sa gabi, tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha niya ang nakikita ko. Tuwing gigising naman ako, hinahanap hanap ko ang pabango niya, ang yakap niya at ang panggigising niya.

Tila kulang pa ang isang araw na paglulunod ko sa alak. Hinayaan nila akong uminom ng isang araw para makalimot sa lahat ng nangyari pero bakit ganun parang wala namang nagbago. Nakatatak parin sa utak ko.

Gustong gusto ko na siyang makita, miss na miss ko na siya. Yung halik niya, yung yakap at paglalambing na kahit isang normal na araw lang kaya niyang gawing special.

"Lucas, kumain ka na and stop drinking, binigyan ka na namin ng isang buong araw. Tumigil kana." Mommy said.

Pumasok ang isa sa kasambahay namin at kinuha ang mga bote na nakakalat sa kwarto. "Pagkatapos mo diyan, maligo kana."

"Mom, may balita na ba kay Sea?" Tanong ko.

Malungkot itong umiling. "Don't worry, Daddy mo na ang bahala, don't think to much, after you take a bath magpahinga kana. Okay?" Sabi niya at inabot ang tuwalya.

"Mom, tingin mo may pagasa akong mapatawad ni Sea? Pagkatapos ng lahat ng nagawa ko sa kanya." Lakas loob kong tanong.

"If she really loves you she will forgive you, but for now hayaan na muna natin siyang makapagisip. Hindi biro ang pinagdadaanan ni Sea ngayon." Sagot niya. "Sarado pa ang utak niya sa kahit na anong paliwanag."

Dahan dahan akong tumango, Mom is right. Yun lang ang magandang gawin sa ngayon  kahit na ang totoo pinapatay na ako ng pagaalala kung saan siya nagpunta.

Mula kasi nang umalis ito sa condo, wala na kaming balita. Pinipilit ni Dad na makakuha ng impormasyon sa mga magulang nito pero wala daw dito si Sea. Nagtanong din kami kay Dr. Sanchez at Atty. Rim ngunit wala rin silang balita.

'Where are you Sea? Gusto ko lang malaman kung nasaan ka, kung maayos ka ba. Yun lang.'

"Thanks Mom. Hahayaan ko muna siya for now, then i'll pursue her kapag okay na ang lahat. Papatunayan kong hindi ko intensyon ang nangyari noon at ipaparamdam na mahal na mahal ko siya." Huminga ako ng malalim.

Pilit na ngumiti si Mom bago lumabas ng kwarto, naligo ako at maagang nagpahingi.

Buti nalang may pamilya ako na parating nasa tabi ko, nagpapalakas ng loob ko sa panahong ito. Sinusuportahan ang desisyon ko.

Ring ring ring

Kaagad kong tiningnan ang phone ko, nagbabakasakaling si Sea ito.

"Hello."

"Bro, it's me Ben. How are you? I heard what happen about you and Sea." Nadismaya ako ng marinig ang boses ni Leon, isa sa kaibigan ko.

"Yeah, i f*cked up." Malungkot kong sabi.

"Were really sorry." Ramdam ko ang awa sa boses niya. "Nagulat rin kami sa nalaman namin."

"Okay lang ako, I need to go. Next time nalang tayo magusap." Hindi pa ito sumasagot nang patayin ko ang telephono.

Huminga ako ng malalim, hindi pa ako handa sa kahit na anong tanong ng mga kaibigan ko.

Napatingin ako sa kisame, hindi ko maiwasang alalahanin ang paguusap namin sa condo.

'Mahal kita Sea.' I said.

'Sinungaling ka! Hindi mo ako mahal, kasi kung mahal mo ako hindi mo ako lolokohin, hindi mo ako gagawing tanga. Pare parehas lang kayo ng pamilya mo, ng mga kaibigan mo, binilog niyo lang ang ulo ko.'

Napapikit ako. 'Mahal ko si Sea at yun ang totoo, hindi ko alam kung paano niya naisip yun, siguro dala na rin ng sobrang galit.'

Sabi ni Mom kung tunay ang pagmamahal niya, magpapatawad ito kahit gaano pa kabigat ang kasalanan ko.

Sana nga tama siya, sana bigyan ako ng pagkakataong mapatunayan ang sarili ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and Comment.

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Where stories live. Discover now