Chapter 5

686 20 0
                                    

Sea POV

Kasalukuyan akong nandito sa condo ni Lucas, hinihintay ko siya dito sa dining table.

Nagyaya akong uminom kaya kumuha siya ng pwedeng inumin sa reef niya. "Ito, wine lang nahanap ko. Okay lang ba sayo?" Napalingon ako sa lalaking nasa likuran ko pagkatapos ay tumango. Umupo naman siya sa tabi ko. "Bakit ka ba kasi iinom? May problema ka ba?"

Huminga ako ng malalim at binuksan ang bote, nagsalin ako sa baso at sumandal sa kinauupuan ko. "Si Mom, nasa bahay siya. Hindi ko siya kayang makasama sa iisang bahay."

"Oh... Akala ko pa naman okay na kayo, matagal na panahon na yun diba bata ka pa nun. Dapat nakipagbati kana."

"Yeah, matagal na panahon na pero hindi ko parin makalimutan. Tsaka okay naman kami noh, naguusap kami as a professional pero yung usap na parang pamilya." Umiling ako pagkatapos ay nilagok ulit ang alak sa baso. "Galit parin ako sa kanila kasi inabandona nila ako para sa sarili nilang pamilya."

"Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka?" Tanong niya.

"Hindi. Ang dami ko ng pinagdaanan sa buhay ng mag-isa."

Ngumiti lang siya sakin, yung ngiting alam kong pilit.

Nagkwentuhan lang kami ng halos tatlong oras, hindi ko nga alam kung paano tumagal ng ganung kahaba pero hindi ko yun namalayan kasi masaya siyang kausap.

----------

"Sure ka ba na diyan ka matutulog sa baba? Okay lang naman kung ako nalang diyan at dito ka sa kama mo." Nahihiyang sabi ko.

"Hindi okay lang talaga." Sabi niya at ngumiti sakin, natawa naman ako nang makita ang kanyang mukha nang humiga ito sa sahig.

"Alam mo sasakit likod mo diyan, mas mabuti pa tumabi ka nalang sakin. Malaki naman kama mo eh."

"Okay lang sayo?" Nagaalangan niyang tanong.

"Malamang." Niligpit niya ang nilatag niyang sapin sa sahig, ako naman nilagyan ko ng unan sa gitna ng kama niya, para may harang kami.

"Goodnight." Sabi niya, hindi na ako umimik at nagkunwariang tulog na.

-----------

Nagising ako nang may maamoy na mabangong sinangag. Nag-unat ako ng katawan, napasarap ang tulog ko, hindi ko na namalayan ang oras.

"Oras? Sh*t!" Kaagad akong napabangon at hinanap ang cellphone ko. Nalowbat pala ako kagabi, sigurado akong marami ng nagtxt o tumatawag sakin.

Kinagat ko ang koko habang hinihintay ang pagbukas ng phone ko.

"Baka nagaalala na sila sakin." Mahinang sabi ko.

Sunod sunod ang pagtunog ng phone ko na ang ibig sabihin ay nagsipasok na ang message nila sakin.

'Where are you?'

'Sea, what the h*ck? Answer you phone?'

'Sea Fuentabelle?'

'Sea, sagutin mo ang telephono mo.'

'Sumagot ka, nasaan ka pupuntahan kita.'

'Sea, where are you?'

'Please! Answer your phone. Nagaalala na kami sayo.'

360 missed call.

Yan ang mga pangunahing txt sakin ni Tito Rim, Dr. Sanchez, Daddy & Mommy. Napahawak ako sa sentido at hinilot ito.

Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)Where stories live. Discover now