Chapter 1: Captain

Magsimula sa umpisa
                                    

"We need to get out of here! We're outnumbered! We can't do anything without our Captain!"

"What? Aaatras tayo?"

"For now, yes, we'll retreat. But this doesn't mean we failed to protect our land. Babalik tayo rito at proprotektahan ang Northend."

"We can still fight!"

"Captain needs to rest, too. Kung nasa tamang kondisyon lang ito ngayon, natitiyak kong ito na rin ang magiging hatol niya sa sitwasyong mayroon tayo ngayon."

I wanted to move my body but I can't even move my own finger. Namamanhid ang buong katawan ko at hindi ko ito maigalaw man lang.

Sino ba itong mga taong naririnig kong nasa paligid ko. At sinong tinutukoy nilang Captain? What was that? Iyon ba ang tawag nila sa mga boss nila dito sa kabilang-buhay? Captain? That's weird. Never heard about this before.

"Carry her, Owen. Sumama ka na rin sa kanila, Jaycee. Use your healing spell on her."

"You know that my spells doesn't work on Captain's body, Alessia. I'll stay her and help our men! Mas kailangan nila tayo rito!"

"Aalis din naman tayo rito sa border! Uunahin lang natin si Captain! Now, move your asses! Make sure that the Captain's body is safe! We'll handle the enemies!"

Napakunot ang noo ko sa mga naririnig kaya naman pinilit ko nang imulat ang mga mata ko.

Bigla akong nasilaw sa liwanag kaya naman ay mabilis ko ring ipinikit ang mga mata ko. Mayamaya lang ay naramdam kong may humawak sa akin at inangat ang katawan ko. Someone's carrying me! What the hell is happening? At sino ang mga taong nasa paligid ko?

"She's moving!" ani ng isa pang babae at tumigil sa pagkilos ang taong buhat-buhat ako.

"We don't have much time here, Tyrants! Jaycee, let her sleep again! Now, let's move!" sigaw ulit noong kanina ko pang naririnig na boses at nasundan nang malakas na pagsabog.

Sht! Where the hell am I?

Hindi ko na nasundan ang mga sumunod na nangyari. Bigla akong nawalan nang malay at noong magising ako ay nasa isang malaking silid ako. An unfamiliar room welcomed my eyes. Napaupo ako mula sa pagkakahiga at mabilis na inangat ang mga kamay. Mataman ko itong tiningnan. Slowly, I pinched my cheek. Mas nilakas ko iyon hanggang sa mapahiyaw ako sa sakit.

"Ouch!" reklamo ko at hinimas ang pisngi ko. "What the hell is this?" mahinang tanong ko sa sarili at pinagmasdan nang mabuti ang kabuuan ng silid.

Simple lang ang kabuuan nito. Kumpara sa kung anong mayroon ako sa mga Ferrer, walang-wala ang silid na ito.

Ferrer...

Damn! Now, I remembered what happened! Someone was after me! May lalaking tumulong sa akin para makatakas sa kanila at noong nakapagpasalamat na ako sa kanya, I left  him and accidentally, I fell. In a cliff.

"I died." Halos manghina ako noong maalala ko lahat. I was a hundred percent sure that I died! It was a freaking cliff! Walang makakaligtas mula sa pagkahulog sa banging iyon! "What happened to me? I fell and died in a cliff. Paanong nandito ako at-"

"Technically, yes, you died earlier." Mabilis akong natigilan at napatingin sa gawing kanan ko kung nasaan ang pintuan ng silid. I saw a woman wearing an armor like suit. Napakunot ang noo ko at hindi inalis sa kanya ang paningin. What is this? Bakit ganyan ang suot niya? "I'm Alessia. What's your name?" she asked and started walking towards me.

"Rhianna Dione," sagot ko rito at hindi inaalis ang paningin sa kanya. Who the hell is she? "What happened to me? Nasaan ako?" magkasunod na tanong ko sa babaeng kaharap.

"You're in Northend. One of the four realm of Azinbar."

"Azin... what? I don't think I understand a thing you're saying. And what's with your outfit?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.  Bakit ba kasi ganyan ang suot niya? "You're like a warrior during an ancient time!" dagdag ko pa at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

"I am a warrior," anito na siyang ikinatigil ko. "And now, you're one of us, Rhianna Dione."

"I'm not a warrior," sambit ko at inilingan ito. "I'm just a rebel girl who runaway from her cruel family."

"You're now a warrior. Look," aniya at may inabot sa akin. Napatingin ako sa hawak niya at napakunot ang noo noong makitang salamin ito. "You're a warrior now. You're Captain Mary of the Tyrants now."

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mayamaya lang ay wala sa sarili kong kinuha ang salamin sa kamay niya at tiningnan ang repleksiyon ko roon. Segundo lang ay napaawang ang labi ko noong may nakita akong hindi pamilyar na mukha sa salaming nasa harapan ko. Napakurap ako at marahang hinawakan ang mukha.

No way! This is not me! Not my face! "This can't be real..." Nabitin ang dapat kong sasabihin noong mabilis akong natigilan sa pagsasalita. Oh no. Not my fvcking voice, too! Bakit hindi ko iyon napansin kanina? Damn!

"Save your questions for now, Rhianna Dione. King Louis IV already returned from his journey. He wants to talk with the Tyrants."

"Tyrants?" gulong tanong ko at muling tiningnan ang repleksiyon sa salamin. Damn it! This is not real! Baka... baka panaginip lang ito! 

"That's us," malamig na sagot ng babae sa akin na siyang ikinatigil ko. Napatingin ako sa kanya at namataan ang seryosong titig nito sa akin. "Now go and change. Hindi ko alam kung saang mundo ka nanggaling pero dapat simula sa araw na ito ay makibagay ka sa kung anong mayroon dito sa amin. Wear something I'm wearing right now. You're the Captain of Tyrants kaya naman ay suhestiyon ko na suotin mo kung anong unang makikita mo sa mga damit ng mga nagdaang Captain Mary."

"What?" Tila nahihilo na ako sa mga naririnig mula sa kanya. My brain is not functioning well right now! Nagdaang Captain Mary? May iba pa bang Captain Mary. God! Ano ba itong nangyayari sa akin ngayon? Namatay ako kanina tapos ngayon ay nasa loob ako ng ibang katawan! Captain Mary? A warrior? What the hell is this?

"This is your second chance, Rhianna Dione. Second life. Don't waste it this time. Lahat ng naging Captain Mary ay may kanya-kanyang pinagdaanan, kanya-kanyang kuwento. Luckily, that body saved you from your own death."

"I rather be gone than to be in someone else body!" histerikal kong sambit dito. No! I can't just accept this! This is not me! Not my body! Not my life! "This is wrong! Hindi ko ginusto ito!"

"No one wanted you here, either!" mariing sambit nito na siyang ikinatigil ko. "Walang may gusto nito pero dahil kailangan namin si Captain Mary, we'll accept you. We're on a war right now and our only hope is you, Captain Mary."

"I'm... I'm not her!" halos maiyak kong sigaw dito. This is wrong! Hindi dapat ako narito sa lugar na ito, sa katawang ito!

"You are now, Rhianna Dione. Accept it or this realm will be doomed."

What? Ano namang pake ko sa bagay na iyon? I just wanted to leave and just die again! Damn it!

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon