Chapter 1: Captain

8.1K 419 94
                                    

I was born and raised to be the next President of the Great Ferrer Empire company, one of the largest company here in the Philippines. Nag-iisang anak lang ako ni Theodore Ferrer at dahil siya ang presidente ngayon ng kompanya ay awtomatikong ako ang susunod na hahawak sa kompanya ng pamilya.

Growing up, I've witnessed how cruel the world I'm living with. Lalo na ang pamilyang kinabibilangan ko. My dad always told me that I should never bow my head to anyone. I'm a Ferrer at hindi gawain ng isang katulad ko ang bagay na iyon. At first, I was scared. I was young back then. Sunod agad sa lahat ng sinabi ng ama. Walang alam sa kung anong dapat gawin sa buhay na mayroon ako. Lahat ng kilos ko, may taong nakabantay sa akin. Lahat ng salitang sasabihin ko, dapat ay hindi iyon makakasira sa reputasyon ng pamilya ko.

Tila bihag nila ang buong pagkatao ko at ang malaking mansiyon ng mga Ferrer ang kulungan ko.

Ngunit noong natuto na ako sa kung anong mayroon sa pamilyang kinabibilangan ko, agad akong napatanong sa sarili ko. Bakit sa dinami-raming pamilya sa mundo, sa pamilyang Ferrer pa ako napunta? My mom, Divine Ferrer, is a fine woman. Siya lang ang tanging kakampi ko sa pamilya ko. She's elegant and a well-educated woman, but... but my dad is another story. His dominant and I can't even match his overflowing presence! And he's cruel! I was once looked up at him but now that I can see everything, clearly and transparent to me, I just wanted to be not part of this so called Great Ferrer Empire. Idagdag ko pa ang mga kamag-anak kong mga gahaman sa pera ng pamilya! I can't take them anymore! Nasusuka ako sa kanila!

"You can't do that, Rhianna! That's too much! Ikapapahamak mo na talaga iyan! Having an affair with an old married man was enough, darling! Doing drugs will surely put you behind bars!" Napangiwi ako dahil sa tinis ng boses ni Hannah sa kabilang linya. Hinawi ko ang buhok ko at ipinirmi ko iyon sa kanang balikat ko.

"My affair with that old congressman was just for a show, Hannah. I didn't expect that my dad will became a mad ape after seeing the video," sambit ko at natawa na lamang noong maalala ang galit ng ama ko.

"How can you do that to your father, Rhianna? Kaunti na lang ay maaawa na ako sa kanya."

"Don't be. He did so many horrible things, too. Kumpara sa akin, mas malala ang isang iyon," mariing sambit ko at naglakad papunta sa bintana ng silid ko. Hinawi ko ang kurtinang naroon at tiningnan ang nagtatayugang mga puno na nakapalig sa buong mansyon ng mga Ferrer. "Looks like I'll be staying in this isolated place for the meantime, Hannah. Balitaan mo na lang ako sa mga nangyayari riyan sa Manila."

"Don't do stupid, Rhianna, para naman ay makabalik ka na rito!"

"I can't promise you that. I can't stay inside of this big mansion all day, Hannah. I need to breath some fresh air, too"

"Just don't do drugs for the sake of your plans!" sigaw  muli nito sa kabilang linya na siyang ikinangiwi ko na lamang.

"Again, I can't promise that!" ani ko at natawang muli sa kaibigan.

My plan was simple. Do everything against the rules of the great Theodore Ferrer and I'm out. Pero noong sinasagawa ko na ang mga plano ko, biglang dumating si daddy sa bar na pinuntahan ko at halos hilain ako makabalik lang sa mansyon. And for the first time since I started plotting my plans against him, I felt extremely scared because of his sudden anger towards me.

Oo, nagawa ko pang sagutin ang mga sigaw nito sa akin pero sa totoo lang, takot na takot ako. Ni hindi ko nga alam kung tama ba talaga ang ginagawa ko noong nasa loob pa ako ng bar. At noong mamataan ko ang ama ko, my mind went blank. I can't even think straight and just let him dragged me back to the Ferrer's mansion.

Rhianna Dione. This is your end.

"Captain! Can you hear me?"

"Her heart is beating again now! Let her body rest for a minute!"

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon