"Ye hal-abeoji."

"Deudgi johneyo," ani ni lolo sabay tingin kay mommy. "Stop crying, my daughter. She will be okay."

"I-I can't help it, dad. Hindi ko alam kung bakit ito naranasan ng anak namin," naluluhang sabi ni mommy.

"She's a good fighter. I know my grand daughter so well kaya alam kong hindi siya susuko," seryosong sabi ni Lolo Solemon.

"Dad, kailangan natin doblehin ang mga bantay sa mansion," presinta ni daddy.

"I know, son. Kailangan talaga natin gawin ang bagay na iyan. Bibigyan din natin ng tagabantay ang aking apo para protektahan siya."

Ako na lang ang poprotekta sa kanya, lo. Tutal ako naman ang kanyang kuya.

Gusto kong sabihin yan pero alam kong hindi sila sang-ayon sa sasabihin ko. Alam kong pati ako ay bibigyan nila ng bantay na laging nakasunod sa likuran ko. Hindi naman din ako hahadlang dahil para naman din ito sa ikakabuti namin ng kapatid ko.

"Vanz," tawag sa akin ni Yuhence na papalapit sa akin kaya lumapit din ako upang salubungin siya.

"Saan ka galing?"

"Sinagot ko lang ang tumatawag sa akin."

"Bakit mo ako tinawag?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Nasa mansion ni Esther ang nahuli nilang tao na kasabwat sa gulo na ito." Bulong niya sa akin.

Napatingin ako sa pamilya ko. Inakbayan ko si Yuhence at lumayo nang kaunti para hindi nila marinig ang tungkol dito.

"Sino nagsabi sayo?" tanong ko sa kanya.

"Si Calix, siya ang tumawag sa akin kanina. At nasabi din niya sa akin ang ginawa ni Esther sa lalaki."

"What did Esther do to him?" gulat na tanong ko.

"Sinapak daw ni Esther nang sunod-sunod ang suspect dahil sa sinabi nito sa kanya."

"Ang alin?"

"Na ginahasa daw nila si Vien."

Nanlaki ang mata ko at napakuyom ang kamao dahil sa sinagot ni Yuhence sa akin. Malakas kong sinapak ang pader dahil sa galit. Napatingin ang ibang tao sa akin dahil sa ginawa kong pagsapak.

"Calm down, fucking Vanz," ani ni Yuhence pero hindi ako kumakalma.

"Son!" sigaw ni mommy sa akin at lumapit sila. "What are you thinking doing? You're hurting yourself!"

"Vanz, ano bang ginagawa mo?" galit na sabi ni daddy. "Hindi na nga namin kayang nasasaktan ang kapatid mo, tapos ikaw sinasaktan mo din ang sarili mo? Kung kami na lang kaya ang saktan mo?"

"Maybe he was just worried about his sister. Calm down, sonja," sagot ni lolo.

Napapikit ako at pilit na kinakalma ang aking sarili. Tsaka ako nagmulat at deretso silang tinignan. Bumuga muna ako ng hangin bago humingi nang pasensya sa kanila.

"I'm sorry about my action. Hindi na mauulit," nakayukong anas ko.

Lumapit sa akin si mommy at hinawakan ang pisngi ko upang tignan siya.

"Son, alam kong nag-aalala ka sa kapatid mo at ganon din ako. Kaya please wag pati ikaw ay nakikita kong nasasaktan din," emosyonal na sabi ni mommy.

Ang Basagulerang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon