CHAPTER 39

3K 140 39
                                    

VIVIENNE'S POV

Hindi ako mapakali sa kwarto ko dahil sa sinabi ni Esther sa akin. Hindi ko makuha ang punto niya. Gusto kong magpaliwanag pero hindi niya ako pinalapit dahil masasaktan daw ako sa malalaman ko.

Kanina pa ako pinapakalma ni Nayin pero hindi ako sumunod. Iniisip ko kung nasaan si Esther. Dahil matapos niya akong talikuran ay tinawag ako ng magulang ko kaya hindi ko na siya nagawang sundan.

"Baby, calm down," pagpapakalma sa akin ni Nayih.

Kanina pa kasi ako palakad-lakad sa harap niya habang kinakagat ang kuko na animo'y nag-iisip nang paraan kung saan ko pwedeng matagpuan si Esther.

"Nayih, hindi ako mapalagay. K-Kailangan kong makausap si Esther," nauutal na ani ko.

"Just tell me first what happened? Hindi ko makuha ang punto sa inaakto ninyo. Baby, ano bang nangyari? Bakit umalis si Esther na ganito kaaga?"

Bumuga ako ng hangin at deretsong tinignan si Nayih. "N-Nakita nyang hinalikan ako ni Y-Yuhence."

"O to the M to the G? Nagpahalik ka?!" nagugulat niyang tanonh sa akin.

"Nabigla ako Nayih kaya agad akong kumalas. Pero hindi ko naman alam na nandoon pala si Esther," sagot ko at napasapo siya sa kanyang noo. "Nayih, hindi ko intensyon na magpahalik sa kanya dahil hindi ko naman din alam na hahalikan ako ni Yuhence."

Napapikit ako sa inis na maalala ko na naman na halikan ako ni Yuhence. Hindi ako naiinis kay Yuhence. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na mahalikan ako ni Yuhence. Napaupo ako sa sahig at hinawakan ang buhok ko. Dali-daling hinawakan ni Nayih ang aking likod.

Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Iniisip ko pa din hanggang ngayon ang sinabi ni Esther sa akin. Anong ibig niyang sabihin na masasaktan ako sa malalaman ko? May kailangan ba ako malaman sa kanya na ikakasakit ko?

"Stop crying, Vien," pagpapatigil sa akin ni Nayih.

"N-Nayih, p-paano kung hindi na naman ako pakinggan ni Esther? G-Galit na naman siya sa akin. Nayih ayokong maulit yung araw na umakto si Esther na hindi ako kilala. A-Ayokong mangyari iyon ulit," iling na sabi ko habang umaagos ang luha sa mata ko.

"Hindi niya gagawin iyon. I will talk to him para sabihin na pakinggan ang explanation mo."

Umiling ako at napahilamos ang palad sa mukha ko. Kailangan kong makausap si Esther. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya.

"Baby, nakausap na din namin ni Apollo si Maxwell. Binigyan siya ng advice para maghilom ang galit ni Maxwell kay Yuhence," pagiiba ni Nayih sa usapan. "Ang sagot ni Maxwell ay magpapalamig muna daw siya sandali bago pumunta kay Yuhence para humingin nang paumanhin. Ngayon ko lang din ata ito sasabihin na expert si Apollo sa mga binibigay niyang advice. Tagos sa bone and heart ko."

Hindi ko kailangan ng advice ni Apollo ngayon. Dahil kaya kong humingi kay Esther nang pasensya dahil sa kanyang nasaksihan.
Pero paano? Hinahanap na siya nila Apollo. Sana naman pagbalik nila ay kasama na nila si Esther.

Tumayo ako sa pagkakaupo dahil sa bumukas ang pinto. Namatahan ko ang lahat ng mga kaibigan namin na pumasok. Pero hindi nila kasama si Yuhence. Mas mabuti muna yon dahil hindi ko pa kayang makipag-usap sa kanya.

"N-Nasaan si Esther? Asan siya?" hindi mapakaling tanong ko.

"Umuwi na siya, lil'sis," sagot ni Apollo. "Ang anas niya ay may kailangan lang daw siyang ayusin."

Hindi nila alam ang dahilan kung bakit umalis si Esther. Si Nayih at Yuhence lang ay may bukod tanging nakakaalam nang pangyayari.

"Bakit ba umalis yon, veng?" tanong sa akin ni Kaizen.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now