CHAPTER 25

4.4K 177 28
                                    

VIVIENNE'S POV

"At sino ka para paniwalaan ko ang sinasabi mo? You're nothing but a second-rate, trying hard, copy—" sasampalin niya sana ako pero inunahan ko siya. "Fuck!"

Lumapit ako sa kanya at ngumisi. "I will be a first rate version of myself, not a second-rate version of someone else."

"You're sweet. Pero wala pa rin mababago na mangaagaw ka!"

Ngumisi ako. "Sweet as sugar, cold as ice. Once you hurt me again, I'll break you twice."

Napalunok siya sa sinabi ko pero ako sumeryoso ang mukha ko. Tinignan ko ang dalawang babae na hawak si Nayih.

"Sa susunod na babalandra 'yang kamay n'yo sa braso ng kaibigan ko babaliin ko nang dahan-dahan 'yang daliri ninyo," seryosong sabi ko para mapabitaw sila sa braso ni Nayih.

"Yucky! sabay lapit sa akin. "Hoy ikaw ambisosya ka alam mo ba na pwedeng ipangalan sayo ay Lyndel Linta?"

"What?!" Inis na tanong ni Lyndel.

"What your face! Tabi. Akala mo kung sinong maganda napaka-desperadang linta naman. Pwe! 'Di pwede beauty mo sa akin. Ako? Naharot sa malayuan pero hindi naghahabol at nangaangkin ng hindi akin!" sabi pa ni Nayih.

Bungangera talaga kahit kailan.

"My name is not Linta!" sigaw ni Lyndel.

"Pwes yung pangalan mo na mismo ang nagd-describe ng pagkatao mo! Isa kang linta, ilusyunada, angkinera!" duro ni Nayih. "Pasalamat ka sampal lang ang inabot mo at hindi binangasan ni Vien yang mukha mong saksakan ng kolorete!"

"Tama na yan," hawak ko sa braso ni Nayih.

"Tara na! Kung sino pa nagloko siya pa 'yong feeling pinagiwanan at niloko. Kingina neto napakadesperada. Tsaka mo lang na-realized na malaki ang hotdog ni Esther kaya inaangkin mo ulit?"

Napapikit ako sa sinabi ni Nayih. Sperm kang Nayih ka napakapasmado ng bunganga mo.

"What the fuck are you fucking saying?!" sigaw ni Lyndel.

Medyo dumadami na din ang mga tao sa paligid. Naririnig ko rin na ako ang may mali at si Lyndel ang tama. Siguro nga alam nilang lahat na si Lyndel ang nililigawan noon ni Esther kaya siya ang kakampihan at sasabihing tama.

"Pa-inosente ka pa? Peste 'to! Tara na nga!" Hila sa akin ni Nayih papalayo sa mga tao. "Tara sa banyo linisin natin 'yang tatlong kalmot mo. Tumulo na ang dugo," turo pa niya sa mukha ko.

Hinawakan ko ang pisngi ko at tama nga si Nayih. Dumudugo na nga ang pisngi ko.

"S-Sa clinic na lang tayo dumeretso," sabi ko.

"Ay oo nga no? Bakit sa CR?"

Ewan ko sayo.

"Bobo ko. Tara baby," sabi pa niga kaya tumango lang ako.

Tumungo na kami sa hagdan para pumunta sa clinic. Sa hindi inaasahan ay makakasalubong namin ang mga sperm na baog na nagtatawanan. Nangunguna si Esther sa kanila at deretso akong tinignan kaya napaiwas ako ng tingin.

"Oh my hell? Baby what should we do?" bulong ni Nayih.

Kasama nila si Kuya Vanz na nakikipagkwentuhan kay Apollo.

"Hi, Veng!" bati ni Kaizen pero di ako lumilingon.

"What's that blood in your shirt?" tanong ni Esther.

Napapikit ako sa kaba.

"W-Wala. U-Una na kami," sagot ko.

Hinila ko si Nayih para sa kabilang hagdan dumaan. Hindi pa nga kami nakakalayo may humila na ng kamay ko at padarag na hinarap ako sa kanya.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now