CHAPTER 21

4.8K 210 20
                                    

VIVIENNE'S POV

"Your face is bad," anas ni Nayih.

"Ano?" Inis na tanong ko.

"Ang sama ng face mo. Something bothering you? Your mood is not good. May nangyari ba baby?"

Nandito kami sa cafeteria ni Nayih at nakain. Hindi dumating si Zach dahil absent daw at sinundo ang kanyang family sa airport. Kaya pala hindi siya nakarating dahil dumating na ang family niya. Sa nangyari rin sa amin kanina ni Esther nasa isip ko pa rin.

Akala ko ba wala siyang gusto bakit hinalikan niya ako? Sperm na kiss. Pagtapos ng nangyari ay hindi ko na nakita si Esther. Ewan ko kung nasaan ang sperm na baog na iyon. Magnanakaw! Sperm na thief!

"Wala," simpleng sagot ko.

"Duh! Kanina mo pa iniikot ang tinidor sa food mo. 'Yong sandwich mo hindi mo rin ginagalaw. And guess puro ka bugtong hininga. Spill the beans, baby. I know may nangyari. So?"

"Ang daldal ng bunganga mo kaya wag na," inis pa na sabi ko at sinubo ang pasta.

"Wow! Big words 'yong 'ang daldal ng bunganga mo'. Ay talagang madaldal ako, babe. Because gift ito ni God for me! So just spill the beans. May sumapak ba sa 'yo?" tanong pa niya pero di ako natugon bagkus panay lang ako kain. "May umaway ba sa 'yo? May mali ka ba sa sayaw mo? O may humalik sa 'yo?"

Nainom na ako ng tubig ko pero agad din akong nasamid dahil sa tanong ni Nayih. Umubo rin ako nang ilang beses bago ko siya tignan.

"O to the M to the G?! Someone kissed you?!" pasigaw niyang tanong.

"Baka need mo ng microphone at papalakasan ko ang speaker dito sa buong campus para marinig lahat ng mga estudyante rito?" Inis na tanong ko at nag-peace sign siya.

"So meron nga?" mahina pa niyang tanong.

Mapagkakatiwalaan naman ata si Nayih kaya sasabihin ko na lang sa kanya.

"H-Hinalikan ako ni Esther," bulong ko at nanlaki ang mata niya.

"Oh my hell!" sigaw niya sa kilig.

"Punyemas! Sige isigaw mo pa! Isigaw mo pa sasapakin kita."

"Let me please?! Oh my god! I mean O to the M to G!" sigaw pa niya habang pinapaypay ang palad sa mukha. "Are you fucking serious? The King of Chaos of Westside ay hinalikan ka?" bulong niya.

Napatingin ako sa paligid baka may makarinig. Nang wala naman pakealam ang mga tao rito ay bahagya akong tumango kay Nayih! At pinanggigilan ang pisngi ko!

"A-Aw! Aray Nayih!" ani ko.

"So sweet! I'm so envious, baby."

Halata nga nanggigigil ka e'.

"Wag mo itong ipagsasabi sa iba o kahit na sino, ah?"

"Alin ang hindi ipagsasabi?" rinig kong familiar na boses at tumabi sa akin.

"E-Esther."

"Hi Vien/lil'sis/Veng," bati nila sa akin ang mga kaibigan ni Esther.

Umupo si Yuhence sa tabi ni Nayih at nginitian muna niya ito. Si Kaizen naman ay sa tabi ko. Sa totoo lang pahabang lamesa at upuan ito pero wala 'man lang nagawang tumabi sa amin. Kaya kasya kaming mga kaibigan ni Esther sa mesa.

Tinignan ko si Nayih na nanunukso ang tingin sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin at humalikipkip nang tawa.

"B-Bakit?" tanong ko sa kanila.

"We need you," sagot ni Yuhence.

"Yeah lil'sis we need you," pagsangayon ni Apollo.

Kumunot ang noo ko at pansin kong kumunot din ang kilay ni Nayih.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now